Chapter 55 - Airport

115K 3.7K 796
                                    

A/N: Bitin ba palagi ang mga chapters? Haha. Sorry, ganun talaga ako magsulat. Para suspence and exciting! Pak ganorn! Hahaha. Kasi maski ako hindi ko din alam posibleng mangyari sa susunod na mga chapters :) By the time na nagsusulat na ako ng isang chapter dun lang pumapasok sa isip ko pwedeng mangyari. Pare-parehas lang tayong nae-excite! Hahaha!

**CHAPTER 55.

Acee's POV

Bro already packed our things up, kasama nga pala si mama papuntang states. Alangan namang iwan namin siya dito. Kakauwi lang din naman namin galing hospital. Anong oras na din, 1am na ng madaling araw. Wala akong tulog nito. Huhu, biglaan kasi e.

Ano bang pipiliin ko? Mahirap mag desisyon. Kung ikaw nasa posisyon ko? Anong pipiliin mo?

Umidlip muna ako, kasi super stressed na ako. Hindi na ako makapag isip ng maayos.

"Acee, my life is just a mess without you. Without taking care of you. Without watching you from afar. Without protecting you and saving your life nang hindi mo alam. Alam mo kung bakit? Dahil mahal kita. Mahal kita nang hindi mo alam." Aniya ni... sino to? Hindi ko makita itsura niya kasi ang liwanang. Aaron? Char!

"Sino.. ka?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Lumapit siya sakin, ang creepy. Pero bigla nalang ako nagising. Ginigising na pala ako ni kuya. Naka ilang oras din pala akong natulog. It's already 5am in the morning. Bumangon na ako at naligo. Bakit ganon? Diba dapat maging excited ako kasi lalayo na ako sa kamalasan kahit saglit lang. Pero bakit parang.. may humahatak sakin pabalik.

Nag ayos na ako ng itsura ko. Sinuot ko yung black and white stripes na long sleeves, ripped jeans, maroon na vans, pati yung salamin ko. Inipit ko din buhok ko ng parang messy bun kuno.

"Ready na?" Tanong ni kuya. Tumango lang si mama. Ako... di pa rin sumasagot. "Why li'l sis?" Lumapit siya sakin at inakbayan. Pero.. curious ako sa mga sasabihin ni Jhay sakin.. No, Acee. Hindi to ang time na mag inarte ka pa.

"U-um. N-nevermind." Inangat ko ulo ko "I'm ready!" Ngumiti ako at nag thumbs up. Lumabas na kami ng bahay at dinala yung mga maleta. Habang naglalakad, hindi ko maiwasan maisip si Jhay, 'pano nalang kung mag intay siya sa wala. Naaawa ako. Syempre ayaw ko din namang mangyari sakin yun. Kahit puro kasamaan lang inabot ko dun, crush ko pa din yun at mahal pa! Saan ka pa!

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tinext si Clarize.

C O N V O

A: Clark, pwede bang ikaw na muna ang pumunta sa park?

C: Why?!? Wah aalis na kayo? Sama ako shajlkkazqhhwsvkb

A: Gaga bili ka ticket mo hahagaha. Btw, ikaw na pumunta kay Jhay sa park. Please.

C: why? Curious ka pa din sa sasagutin niya?

A: Yes kaya please ikaw na muna ang mag sub sakinnn.

C: Try natin kung masasabi niya sakin.

A: Pilitin mo.. mam-miss kita!! Huhu

C: Wahh iniwan mo kami ni aaron my loves.

A: what da? Anong aaron my loves!?

C: Hahahahahaha joke lang. Na mali lang ng type.

A: Mhm? Tsk tsk! Osige na, sasakay na kami ng taxi papuntang airport. Punta ka ng park ha? Babush.

Namali lang ba talaga ng type yung baliw na yun? Nakakaloka. Haha!

Clarize's POV

Nakahilata pa ako sa kama habang nag p-phone. Wala pa namang 7am e, 6:30 palang. So, naisipan kong manood muna ng Anime. Death Note yung pinapanood ko ngayon. Hays, crush ko talaga si L eh! Hihi. Pero sa anime lang yun, iba sa real life. Haha.

Pagkatapos ng isang episode, di ko matiis na manood pa ng isang episode. 6:50 palang naman. Wala pa dun si Jhay. Pagkatapos ng isang episode, pinanood ko ulit yung sumunod. Gusto ko kasi malaman kung ano susunod na mangyayari e! Haha. Nalaman na niya kung sino si L. Eto naa!

Biglang nag vibrate yung phone ko, bastos nanonood ako e. Nag text pala si Acee, tinatanong kung nandun na ba ako sa park.. tss, wala pa--

And then i realised, nakakailangang panood na pala ako ng anime. Mabilis kong tinignan ang orasan, sheteng malupet, 7:30 na! Masyado akong nag enjoy sa panonood. Bumangon na ako at nag ayos. Syempre, naligo ako.

Sinuot ko yung sleeveless na blouse, pantalon pati sandals. Dinala ko din yung hand bag ko. Paktay ako nito kay Acee.

Tumakbo ako ng mala flash papuntang park. Napahinto ako ng makita ko si Jhay na nag hihintay pa din sa upuan. Tinignan ko yung relo ko, it's already 8am. Pero nandito pa din siya.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya until he saw me, tumayo siya bigla. Siguro akala niya si Acee ako.

"C-clarize?" Tanong niya.

"Jhay.." Bati ko sabay ngiti. "Do you mind if i sit next to you?" Tanong ko.

"No, sure you can sit." Umupo ako sa tabi niya. Konti lang pala tao dito ngayon kapag gantong oras.

"Um. Siguro nagtataka ka kung bakit ako yung nandito imbes na si Acee.." Saad ko. Tinitignan niya lang ako. "Sorry ha? Na-late ako. Hihi."

"So, bakit nga ikaw ang nandito?" Tanong niya.

"Ah, oo nga pala. Hindi mo pa pala alam." Sabi ko sabay yuko.

"What do you mean? Anong hindi ko alam?" Ngumisi lang ako.

"Kasi.. may ano.. palibhasa kasi wala kang alam tungkol sa kaniya e." Sabi ko.

"Just answer my f***** question." Nagulat ako kasi pinagtaasan niya ako ng boses.

"Sorry, okay! May offer sa kaniya sa states. Tapos umalis ka kaagad kagabi, hindi mo tuloy nalaman na may anemia si Acee. So, dun siya magpapagaling sa US for a better treatment." Yumuko ako at tinitignan ang mga damo. "And today is her flight." Tumayo bigla si Jhay.

"What!? Anong oras?! Bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Pasigaw niyang tanong, kaya pinagtitinginan kami ngayon.

"7am sila dapat nandun. Pero siguro this time nandun na ang eroplano." Sabi ko. "Baka hindi mo na sila maabutan. Kaya sakin mo nalang sabihin kung ano ang dapat mong sabihin sa kaniya. Jhay. Kalma lang!" Tumayo ako at hinawakan si Jhay.

"How am i going to calm down!? Kailangan ko siyang makausap! Kailangan kong masabi sa kaniya ang lahat! F***!" Sigaw niya.

"Shh! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" Sabi ko.

"I don't care. I don't care kung pinagtitinginan tayo ng mga tao!" Hinahatak ko siya pabalik.

"Hindi mo na nga siya maabutan! Kaya sakin mo nalang sabihin instead of her. Yun ang utos niya sakin!"

"No. Ayoko." Tinanggal niya yung paghawak ko sa braso niya at tumakbo paalis.

Tae. Dapat di ko muna sinabi!

Tinext ko si Acee na susunod si Jhay sa Airport. Pero message failed to send. Hays, talaga nga naman oh. Na-expired pa yung load ko. Kaloka!

Acee's POV

It's already 8:30am, nandito na din yung eroplano. Tumayo na kaming tatlo at dinala ang mga maleta.

Kumain pa kasi kami habang nag iintay ng airplane. So yun, habang naglalakad palabas may biglang tumawag ng pangalan ko.

"Acee!" Lumingon ako at hinanap kung sino man yung tumatawag ng pangalan ko. "Acee! May kailangan akong sabihin sayo! Mag usap tayo please." Pero hindi ko siya makita kasi maraming tao, since pasakay na kasi ng airplane.

Pero habang tumatagal, napansin ko na nasa labas na kami. Natutulak kasi kami papalabas, nawala na din yung tumatawag sakin.

Sino ba yon? At anong sasabihin niya sakin? Wait... si Jhay.. yun.

--


Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now