Chapter 8 - Page

137K 4.1K 240
                                    

*KRIIIING KRIIIING*

"Mhmmm..." Umunat ako at hindi pinansin ang alarm clock.

*KRIIIIING KRIIING*

"Ano ba yan!" Tinakpan ko ng unan ang tenga ko.. hindi ko masyado abot yung alarm clock, eh!

*KRIIIIIIING KRIIIIIIING*

"ANO BA!" Bigla kong kinuha yung alarm clock at agad Ibinato sa dingding. Pero-- syempre charot charot lang. Sayang naman yung alarm clock ko!

Sa movies ko lang nakikita yung pagbato-bato ng mga alarm clocks, poor clock. Pero, sa totoo. Hindi naman talaga! Psh. Sayang naman kaya yung alarm clock no? Bumili ka pa kung ibabato mo lang.

Anyways, bumaba na ako at agad nag hilamos at nag toothbrush.
Tulog pa ata ang lalaking yun. Umakyat muna ako at pumasok sa kwarto 'ko..

Binuksan ko ang laptop ko na bigay ni Tita Kacey na mama ni Jhay. Someday, mama din tawag ko kay Tita Kacey! Haroooot!

Anyways, binuksan ko na ang Facebook ko. Wala naman masyadong ganap dito! Hindi naman kasi ako kilala sa Campus. Ni-search ko naman ang page na sinasabi ni Aaron -- The Canadian Guy. Hahaha!

"Aa..ron...Co..llins." Saad 'ko habang tinatype ang pangalan n'ya.

May nakita naman akong Aaron Collins doon kaya pinindot ko iyon.. ang nakalagay ay... binasa 'ko muna ng mabuti.. 

Aaron Collins..100k likes..

Grabe naman 'tong lalaking 'to! Hindi manlang n'ya sinabi sa'kin na sikat pala s'ya. Teka s''a ba 'to? Oo, s'ya nga!

Pero diba sabi n'ya.. lumipat s'ya sa Hanford para mag bagong buhay dahil wala s'yang kaibigan sa dati niyang school. Pero ang dami n'yang fans. Paano yun? Wala manlang nakakakilala sa kan'ya doon?

Gumagamit s'ya ng electric guitar sa profile picture n'ya... Tinignan ko pa ang iba n'yang mga litrato doon, yung ibang nakikita ko ay nag-gigitara naman s'ya ng acoustic guitar.

Gitarista pala 'tong si Aaron?! Hindi halata ah? Hahaha! Nakita ko naman ang ibang mga comments sa litrato n'ya.. Mukhang mga taga ibang bansa 'to eh..

"Aaron! C'mon! Notice me please!"

"I really love you mah babey"

"He's really cute OMG."

"MARRYYY MEEEEE"

"Ily babe. I'm your #1 fan!"

Tapos may mga iba pang mga comments. Ambot! Sikat pala si Aaron?!

Nag buntong hininga ako at isinara ko na ang laptop. Bumaba na din ako papunta sa sala. Nakita ko naman na umiinom si Jhay ng kape doon sa dating lamesa kung saan 'ko s'ya natapunan.

Dumiretso na ako sa kusina upang mag timpla din ng kape at kumuha ng tinapay... Syempre, nag ingat na talaga ako. Haha! Ayoko na maulit yung nangyari kahapon. Lintek talaga!

Tinitignan ko si Jhay habang umiinom.. nagulat ako nang bigla s'yang lumingon.

"Anong tinitingin tingin mo?" Tanong n'ya nang napansin n'yang nakatitig ako sa kan'ya.

"W-wala." Binaling 'ko naman sa iba ang tingin 'ko... Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na sabay kaming naga-almusal ngayon. 

Naligo na din s'ya pagkatapos n'yang mag almusal.. sumunod din naman ako. Nauna na rin s'yang maglakad habang ako ay nag aayos palang.. Tinali ko nalang ang buhok ko at isinuot na ang salamin 'ko.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now