Chapter 54 - Confined

118K 3.4K 410
                                    

Aaron's POV

Nasa way na ako papuntang ospital sa tito ko, kasi inutusan akong magbigay ng foods sa kaniya.Tinext nga din pala ako ni Clarize, na hindi pa daw umuuwi si Acee. Nasan na kaya yun?

Napahinto ako sa pagd-drive nang may makita akong nakahilata sa daan na babae. Madilim kaya hindi ko makita yung mukha niya. Nagulat ako kaya kinuha ko kaagad yung flashlight at binuksan ko kaagad yung pintuan, hindi ko naman siguro 'to nasagasaan? Sana hindi, hehez!

Binuksan ko yung flashlight ko, pero hindi pa ko nakakalapit sa kaniya mukhang kilala ko na siya. Hinarap ko nang maayos yung mukha niya sakin, para makita ko itsura niya. Fuck, sinasabi ko na nga ba, si Acee!

Putlang putla siya. 

Dali-dali ko siyang binuhat. Pero hindi pa ako nakakapasok ng kotse kasi may biglang humablot sa braso ko, kaya napalingon ako.

"Anong nangyari sa kaniya?!" Tanong ng lalaking naka cap. Humarap ako sa kaniya, habang buhat buhat pa din si Acee. 

"Sino ka!?" Tanong ko.

"Wala akong gagawing masama sayo. Sabihin mo lang kung anong nangyari sa kaniya." Aniya niya.

"Wala akong tiwala sayo. Dyan ka na pre." Pinasok ko na si Acee sa loob ng kotse. 

"Sasama ako." Lumingon ulit ako sa kaniya, hindi ko makita mukha niya since madilim at naka cap din siya.

"Bakit kita isasama?! Sino ka ba? Alam mo pre, kung naka shabu ka, wag ka nang mandamay." Papasok na sana ako sa loob, pero na tigil na naman ako. Anak ng--

"Alright then, sasabihin ko na kung sino ako." Jusko naman

"Nagmamadali ako pre. Diretsuhin mo nalang." Tinanggal na niya yung cap niya, at tinapatan ko siya ng flash light. Nanlaki mata ko nang makita ko siya.

"It's me, Jhay. So, can you please be quiet? I'm going with you." Binuksan na niya yung kabilang pinto na katabi ng driver's seat. Nagmamadali na ako, kaya pumasok na din ako sa loob. Wala nang time na makipagdakdakan.

Clarize's POV

"So, ayun po nag viral siya sa facebook. Umabot pa nga po hanggang sa ibang bansa. Hindi ko sure kung pumayag na siya sa binibigay sa kaniyang offer e!" Aniya ko.

"Ah, ano ka ba. Pumayag na kaya siya dun. Hindi niya pa ba nasasabi sayo?"

"P-pumayag na po siya?" Bakit hindi niya sinasabi samin?

Tinaas lang ng kuya ni Acee yung dalawang balikat niya na para bang sinasabing "ewan".

Magsasalita pa sana ako kaso biglang nag ring yung phone ko kaya kinuha ko kaagad sa bulsa ko.. Si Aaron pala.

"Clarize, nakita ko si Acee na walang malay sa daan. We're on our way na to hospital. Sunod nalang kayo." 

"WHAT!?" Sigaw ko, lumingon sakin si kuya Bry na umiinom ng juice.

"A-anong sabi?" Dahan dahan akong lumingon kay kuya. Sinabi ko yung sinabi sakin ni Aaron, kaya naibuga niya yung juice sakin. Anak ng tipaklong! 

"Ano kamo!?" Sabat ng mama ni Acee, napatingin kaming dalawa ni kuya Bry sa isa't isa. Patay!

Aaron's POV

"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ni Jhay. Ano kayang pumasok sa utak nito, at sumama sakin sa ospital!? Hayop na to, matapos saktan si Acee. 

 "Nakita ko nalang siya na walang malay sa daan. Sobrang putla pa! May alam ka ba kung bakit?" Tanong ko. Napansin kong medyo natahimik siya sa tanong ko at tumingin sa bintana.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon