Chapter 69 - Happily Ever After (Finale)

98.1K 2.2K 618
                                    

Jhay's POV

"Ma, ayos na yan. Let's go." Anyaya ko sa mama ko na kung makapag kulay sa mukha parang pupunta sa isang mamahaling event. Tsaka isa pa, hindi naman Coloring Book ang mukha niya.

"Eto na, masyado ka namang atat na atat. Dyan lang naman tayo sa katabing bahay." Saad ni mama habang nakatuon pa din ang pansin sa salamin at nagl-lipstick na pulang pula.

"Exactly ma, dyan lang naman tayo sa katabing bahay pero kung makapag make up ka dyan parang a-attend ng isang galanteng party." Natawa siya sa sinabi ko habang ako inip na inip na dito.

"Pwede ba? Kailangan natin maging presentable kapag mamamanhikan ka anak." Sagot ni mama.

"Kanina pa 'ko naghihintay dito oh. Hanggang kailan pa ba yan, ma?" Tanong ni Jaypee na kapatid ko na nasa pintuan at inip inip na. Si Mama kasi yung unang naligo sa'min eh, siya din yung huling nagaayos. Angas no.....

"Wag ka na kasing magpaganda, ma. Maganda ka na. Hindi mo na kailangan niyan." Saad ko at kinuha ang red lipstick mula sa kaniya since tapos na rin naman siyang maglagay ni'to. "Let's go!" Niligpit ko na ang make-up kit niya at tinulak ko siya paibaba sa first floor ng bahay. Syempre hindi naman totally na tulak talaga, kundi dahan dahan lang. Sumunod din naman si Jaypee.

Pero bago pa kami lumabas ng bahay, sumulyap muna ako sa whole body na salamin namin ng ilang segundo upang tignan kung ayos ba ang pananamit ko ngayong gabi. "Tol, ayos na ba 'tong itsura ko?" Tanong ko kay Jaypee, binigyan niya lang ako ng isang thumbs-up. Naka formal kasi kami ngayon, ganito talaga kasi mga family namin.

Pumasok na ng kotse sila Mama at Jaypee at ganun din naman ako. Umupo ako sa Driver's Seat habang si Mama ang katabi ko, at si Jaypee naman ang nasa likod.

"Hay anak! I'm so proud of youu. Sa ilang mga taon din na hindi ka naalala ni Acee..." Eto na naman siya.. "...Sa ilang mga taon din na nagtiis kang makita si Acee na nasasaktan. Sa ilang mga taon din na hindi ka naaalala ni Acee pero patuloy mo pa din tinupad ang mga pangako mo sa mga magulang niya. Alam ko ang nararamdaman mo anak, kaya nga natutuwa ako para sayo at proud na proud dahil nagawa mo ang lahat ng iyon para sa taong mahal mo." Talaga nga naman si Mama oh, nag speech pa talaga dito sa loob ng kotse.

Hindi ko naman mapigilang hindi ngumiti habang minamaneho ang kotse. "Ma, ano ba yang mga pinagsasabi mo. Hindi ako sanay na pinagsasabihan mo ako ng mga ganyang salita!"

"Minsan lang ako matuwa sa'yo uy!" Saad ni Mama.

"Talaga ba, ma!?" Tanong ko, hindi sa pagmamayabang ha? Pero magmamayabang na din ako, ako palagi ang nakakakuha ng madaming medals sa aming dalawa ni Jaypee.

"Hahaha, kidding aside." Hays, si mama talaga kapag nagbibiro.. hindi ko alam kung biro ba yun o kung ano..

"O'sige kayo nalang mag usap ha." Saad ni Jaypee.

"Mag girlfriend ka na din daw kasi." Sagot ko.

"Tado, meron na akong girlfriend."

"Sa panaginip?" Singit ni Mama. Natawa naman ako dun, kahit kailan talaga ang saya pag tripan ng kapatid ko.

Acee's POV

Parang hindi ako makahinga ngayon ah? Ano bang nangyayari sa'kin? Hays. Nevermind. At isa pa, hindi ko alam kung bakit ba naghahanda si Mama ng mga pagkain ngayon, ano bang meron? Wala akong alam ah?

Umupo nalang ako sa sofa at nanood ng TV habang nakataas ang mga paa sa coffee table. Naglalagay ako ngayon ng Face Mask para naman mag whiten ang mukha ko no? Every night kasi naglalagay ako nito para mapangalagaan ang skin especially sa face, yes daming alam.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon