Chapter 9 - Canteen

125K 3.8K 398
                                    

RECESS

Kasama ko ngayon sila Clarize at Aaron papunta ng Canteen. Pagkatapos naming bumili ng pagkain umupo na kami sa isang table sa gilid.  Nagsimula na akong kumain at si Aaron din.

"Uy, girl! Tingnan mo oh--" May tinuro naman si Clarize sa katabi naming table. Lumingon ako sa katabi naming table.

Nakita ko lang naman si Aelijah kasama ang mga kaibigan ni Jhay at pati na din si Jhay kasama n'yang kumain. Jusme ang sakit, ah? Mas masakit pa doon ay nag tatawanan pa sila.

Kakalokaaaa! T_T Sa tingin ko, may gusto din si Jhay kay Aelijah. Shooocks! Ano ba naman 'tong pinag iisip 'ko!

Gusto ko nang mag give up, wala naman kasing gusto sa'kin si Jhay, eh. Sa ubod 'kong pangit na 'to? Hindi mangyayari yun no? Wala na akong pag asa!

Nakatingin ako sa kanilang dalawa, magkatabi kasi sila at ang sweet. Ang dami tuloy naka tingin sa kanilang dalawa at pinagbubulungan. Parang sinadya talaga ni Aelijah na pag selosin ako..

"Ang haliparot naman ng babaeng yan?"

"Bago lang daw yan dito sa Hanford, eh."

"Oh? Nako! Inaagaw na agad n'ya ang prinsipe natin dito!"

"Hindi maari! Akin lang si Prince Jhay!"

Ang dami kong naririnig na batikos tungkol sa kanilang dalawa. Tinignan ko naman si Aelijah na ngayon ay nakasandal sa balikat ni Jhay.. with matching yakap ng braso. Nagseselos talaga ako, potek talaga!

Nagulat naman ako nang bigla akong akbayan ni Aaron na katabi ko lang ngayon.. Halos nanlaki ang mga  mata 'ko sa nangyaring ito. 

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Bulong ko kay Aaron.

Imbes na alisin n'ya ang yakap, bigla n'yang hinigpitan ang akbay sa'kin.. Napasandal naman ako sa may dibdib n'ya banda kasi nakakangawit.

"Ah basta, makisabay ka nalang sa'kin.." Bulong n'ya sa'kin.

Napabuntong hininga ako. "Ano ba ang gagawin 'ko?" Tanong ko habang nakakunot ang noo at naguguluhan.

"Subuan mo 'ko." Aniya. Nakakagulat ah?

"Ano?!" bulong ko pa ring tanong sa kan'ya.

"Bilisan mo!" Pagmamadali sa akin ni Aaron. 

"Haha, o'sige!" ^_^  Kinuha ko ang kutsara't tinidor at kumuha ng kanin, isang buong kutsarang kanin at isinubo ko na sa kan'ya habang s'ya ay hindi nakatingin. Nagulat s'ya..

"O, eto pa yung ulam.." Sinubo ko yung napaka laking ulam, si Clarize ay nakatingin lang sa aming dalawa at pinipigilang tumawa at tinatakpan ang bibig n'ya.

"Hihihihi, masarap ba Aaron?" Paglalambing 'kong tanong sa kan'ya.

"O-Oo." tumango s'ya habang punong-puno ang bibig n'ya. Tumawa kaming dalawa ni Clarize nang malakas at hindi na napapansin ang mga tao sa paligid.

"T-teka lang! Dapat ako rin. Kaiangan din kitang subuan! Wait ka lang!"  Bago pa ako makapag salita nasubuan na ako ni Aaron ng sobrang laking kanin.. at sinubuan ako ng ulam.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora