Chapter 16 - Scaredy cat

152K 3.8K 342
                                    

Nerd Noon, Artista Ngayon

written by: misseysi




CHAPTER 16

Clarize's POV

"Privacy for him, please!" Sinigawan 'ko ang ibang mga staff na talagang nangunguna pa talaga sa iskandalo. Grabe, hindi ko manlang alam na madami palang fans si Mark dito.

Si Marky ay isang mabait na lalaki, gentleman, cute, gwapo, artista, matangkad, maputi, brown eyes rin s'ya pero may pag ka weird din s'ya minsan.. Tulad 'ko? Char.

Oh diba? Almost perfect na s'ya.

"Ibalik mo na yung salamin mo, uy." Pangungulit 'ko sa kan'ya. Kahit kailan talaga!

"Dapat pala hindi ko nalang sinabing ako si Mark Flynn!" Bahagya s'yang tumawa at muling binalik ang shades at cap.

"Oo nga, ang shunga mo din talaga eh no? Ano pa bang purpose ng shades mo kung ipapakita mo din naman pala yung mukha mo." Umiiling ako habang habagya ding tumatawa. 

"Hahaha, oo na sige na!"





"Mark po.. I repeat.. Mark?" Rinig naming saad sa mic noong nag sasalita sa counter. Tatayo na sana ako upang kunin ang order namin.

"Ako na." Tumayo si Mark at pinaupo ako. 

"Hindi, ako na!" Saad ko atsaka tumayo. Umiling lang si Mark at tinignan ako habang naka ngiti ng bahagya. No choice, kung hindi umupo nalang at maging behave!


"Salamat." Ini-abot na sa akin ni Mark ang inorder n'ya para sa akin. Ngumiti lang s'ya at umupo habang hinahalo ang kape n'ya.

"So, kailan ka nga pala dumating dito sa Pinas?" Tanong 'ko sa kan'ya habang hindi 'ko pa nagagalaw yung kape na binigay n'ya. Hindi naman ako masyado mahilig sa kape.

"Kahapon lang." and he sip his drink. 

"Jusme, hindi mo manlang sinabi sa'kin na uuwi ka dito sa Pilipinas. Edi sana napag handaan namin nila Acee, hindi ba?" I smirked.

"Haha oo nga sana, eh. 'Pano naman kasi yung manager 'ko, pinapamadali ako. Kaya wala akong time mag skype, Viber or SMS." napa face palm s'ya at humigop ulit mula sa straw ng kan'yang kape at ganun din ako.  "Shh.. 'wag ka ngang maingay, baka mamaya may makarinig ng pinag uusapan natin." Ngumiti s'ya muli. Nakaka inlove, omgggg.

Acee's POV

Ang daya ni Aaron, bigla akong iniwanan kanina sa gitna ng kalsada, kitang ang ganda pa ng pinag uusapan namin kanina, eh. Pero, hindi n'ya sinabi sa'kin dati na crush n'ya pala si Clarize, ah? Hahaha.

KAYA PALA!!

Kaya pala nakipag kaibigan s'ya sa akin kasi kaibigan 'ko si Clarize! In that way, magiging close silang dalawa ni Clarize at magkaka tuluyan! 

Kaya pala palagi silang magkasama ni Clarize! --- Teka Acee, malamang lagi silang mag kasama kasi mag kaibigan din naman sila no?  --- Minsan epal din 'tong pag iisip ko, eh. 

Sa wakas, nandito na ako sa bahay. Dumiretsyo na ako agad sa kwarto 'ko upang mag palit na agad ng pang tulog..  Nagsuot ako ng pajamas at spaghetti strap na damit at nag messy bun style ako ng buhok. Ang init kasi, nandito na naman kasi si Jhay. Chatoooot!

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]On viuen les histories. Descobreix ara