Chapter 12 - Comfort

118K 4K 291
                                    

Acee's POV

Nakapasok na ako sa school kasama si Jhay. Well, palagi naman. Pero s'yempre hindi mawawala ang mga nagbubulungan sa paligid..

"Girl, tingnan mo oh! Nakakairita talaga yang letseng yan!"

"Oo nga! Nyeta talaga yang bruhang yan!"

"Gusto ko nang sabunutan yang si Acee! Nakakainis."

"Lahat nalang ba makukuha n'ya!? Mas maganda naman tayo dyan no!"

Tumingin ako sa gilid namin. Oh no, si.. Aelijah yung isa sa kanila! Pinagpalit niya kami dyan sa mga babaeng yan?! Mukhang puro paganda lang naman alam ng mga iyan, eh?

May bigla naman akong naalala..

FLASHBACK

"Kaibigan pa ba natin s'ya? Iniwan nalang n'ya tayo, eh. "

"'Wag na natin s'yang pansinin frenny. Kunwari hindi nalang natin s'ya kilala."

"Parang ang sama naman natin kung ganon."

"Masyado ka namang mabait, Acee. Ni hindi n'ya tayo pinapansin eh at pinagpalit tayo sa isang lalaki na crush mo pa!"

"Hindi ka ba n'ya pinapansin?"

"Oo."

END OF FLASHBACK

Bumaling ako sa ibang direksyon. "A-ah, Jhay.. pupunta na ako sa room 'ko. Bye!"

Hinintay ko s'yang mag salita para mag paalam din sa'kin..








Umalis na ako at pumunta na sa room. Nakakainis, hindi s'ya nagsalita at nag tuloy tuloy lang s'ya sa paglalakad.

Nandito na ako sa hallway ng school at meron pa din akong naririnig na bulungan at chismisan.

"Diba, yan yung girlfriend ng Prinsepeng si Jhay?!"

"That b*tch!!"

"Inagaw n'ya sa akin si Prince Jhay!"

HUWAAAAT?! MAY GIRLFRIEND NA SI JHAY? OMG!! Meron na pala s'yang ibang napupusuan.. Naglakad nalang ako habang nakayuko -- nang bigla naman akong may nakitang mga sapatos ng mga babae sa harap 'ko.

"Hey b*tch." Teka, a-ako ba yon? Inangat ko ang ulo 'ko.

"B-bakit?" Tanong ko. Kinakabahana ako, ako lang kasi mag isa ngayon, eh. Wala sila Clarize at Aaron. 

"Bakit?!" Ine-rapan n'ya ako and she chuckled. "Inagaw mo lang naman ang prinsipe namin!" Ano ba ang mga pinagsasabi nila?!

Anyways, sila ang mga bruhilda dito sa Hanford..

Si Chloe - Leader

Si Kate - The Mataray

Si Kathryn - The Assistant (Sunod Sunuran)

At si..

O_O ..may bago!

Si Aelijah - The spoiled brat?!

Oh no! "A-aelijah?!" Medyo pabulong kong sabi habang nakatitig sa kan'ya.

"Yes?" Tinarayan n'ya ako. Totoo nga ang balitang nasagap ni Clarize.

"Iniwan mo kami tapos nakipag kaibigan ka sa kanila?!" Napaluha ang mga mata 'ko nang sabihin 'ko ang mga iyon, dahil hindi n'ya alam ang pakiramdam ng ipagpalit sa iba.

"Mhm.. Oo, dahil traydor ka! Inagaw mo sa'kin si Jhay! Haliparot!" Pasigaw n'yang sabi sa'kin at nagulat ako dahil isang malakas na sampal ang inabot 'ko mula sa kan'ya.

Napahawak ako sa kanang pisnge 'ko dahil promise, sobrang sakit n'ya.. Ang sakit. Mas lalong napaluha ang mga mata 'ko.. pinilit 'kong pigilan ang mga iyon. 

"Malandi ka!" Sigaw n'ya sa'kin. Bakit walang tao ngayon dito sa Hallway?

"Hindi lang yan, Acee. Ito pa!" Malakas na sampal muli ang inabot 'ko, ngunit sa kabilang pisngi 'ko naman. Feel 'ko bumakat ang kamay n'ya sa pisngi 'ko!

Bigla nalang nila akong sinabunutan.. silang apat laban sa 'kin. Alam naman nilang wala akong laban sa kanila, kahit ni isa sa kanila hindi 'ko kayang labanan, silang apat pa kaya?

Napaupo nalang ako bigla at nanlambot. Sinabutan, pilit nila akong hinuhubaran sa Hallway at kinakalmot. Hindi ako makalaban.. umiyak nalang ako dahil sa sakit na inaabot ng katawan 'ko mula sa kanila.. "Tama na! Nasasaktan ako!" Hagulgol 'kong iyak habang pilit na dinidepensahan ang sarili 'ko mula sa kanila. 

Alam n'yo ba yung feeling na wala ka namang ginagawa sa kanila pero bigla bigla ka nalang nila sasaktan? Ang mas masaklap pa non, ni hindi ko naman sila ipinag gagantihan. Minsan, hindi 'ko malaman o maintindihan kung kanino ba kampi si Tadhana? Sa akin ba o sa kanila?

"Para sa'yo yan! Malandi kang haliparot ka!" May pa habol pa s'yang pag sampal.

"Hahaha oo nga!" Si Kathryn, feel 'ko napipilitan lang s'yang makisama kela Chloe. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha mula sa mga mata 'ko. Na saan na sila? Na saan na ang mga taong supposedly na nasa tabi 'ko?

Maya-maya lang eh parang biglang huminto ang pagsabunot nila sa akin. 



"Tama na." Familliar ang boses n'ya. Dinilat ko na ang mga mata 'ko at lumingon sa likod 'ko.

"P-Prince Jhay!" Ani Chloe at itinago n'ya ang mga kamay n'ya sa kan'yang likuran. 

"Jhay!" Pag tawag ni Aelijah dahil siguro nabigla sila. 

"Tigilan n'yo na nga yan. Masyado n'yo nang nasasaktan ang girlfriend 'ko." 

Oh shooocks,. kinilig ako ng matindi doon, ah? Pero masakit pa din magkabila 'kong pisngi.

"H-hindi, ang totoo n'yan eh s'ya ang nanguna. Sinaktan n'ya kami!" Pa awa effect pa si Chloe.. hays.

"O-oo nga! Totoo yung sinabi ni Chloe." Sumang ayon pa 'tong si Aelijah..

"Ah, talaga?!" Tinignan ako ni Jhay.. 'wag mong sabihing maniniwala ka sa kanila?

"Mga sinungaling kayo! Hindi totoo yan!" Sigaw 'ko habang pinipilit 'kong tumayo..

"Alam n'yo.. umalis na kayo dito. Hindi ako naniniwala sa inyo. Hindi yan gagawin ng girlfriend 'ko." Nanlaki ng bahagya ang mga mata 'ko nang tinulungan ako ni Jhay makatayo.

Inhale, exhale lang Acee! Hindi ka mahihimatay sa kilig.. kaya mo yan!

Natahimik lang sila at nag sesensyasan. "S-sabi ko nga." Saad ni Chloe at bumaling ng tingin sa'kin,"Hey b*tch, we're not done yet!" Ine-rapan n'ya ako at umalis na sila.

Humarap ako kay Jhay at yumakap ng saglit. "Wala naman akong ginagawa sa kanilang masama tapos bigla bigla nalang nila akong sasaktan!" Pagsusumbong ko. Nagiiyak pa rin ako sa balikat n'ya. "Pati si Aelijah, nakikisama na sa kanila. Yung akala kong mabait, yung akala ko.. kaibigan namin. Hindi pala!" Nagulat naman ako nang bigla akong hinimas sa likod ni Jhay.

"Sa susunod kasi, 'wag mo na silang hahayaang saktan ka."

Humagulgol pa rin ako at hindi na ako nagsalita. Hihintayin ko nalang na maging kalmado ulit ako.

"Salamat.." pumikit ako.. "..Jhay."

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now