Chapter 20 - Burp

108K 4.3K 428
                                    

"Hoy, ano ba? Diba hindi naman tayo nag or-" Naputol sasabihin ko nang nagsalita si Jhay.

"Nag order ako."

"At bakit ka naman nag order aber?" Tanong ko habang naka taas ang isang kilay

"Alam ko naman kasi na hindi ka magluluto, so nag order nalang ako, para may makain naman tayo dito sa bahay mo, kahit ako na ang nag order" Aniya niya. Sus. 

Kilig much lang ang peg?

"Okay, payn!" Sabi ko. Aarte pa ba ako? 

-

*Buuurp* Hindi ko sinasadyang mapalakas ang dighay ko. Mehged. 

"Ohmy, grabe nabusog ako sa pizzaaaa." Sumandal ako sa upuan.

*Buuuuuurp* Narinig kong nabusog si Jhay. HAHA ang lakas ah.

"Excuse" Bulong niya, pero syempre narinig ko dahil magkatabi lang kami, tapos ang tahimik pa.

*BUUUURP* Dumighay ulit ako. Pero syempre yung mas malakas sa kaniya. Haha!

Nakita ko naman si Jhay mula sa gilid ng aking mata, na tumatawa siya pero konti lang.

*BUUUUUUURP* Ang pag dighay naman ni Jhay..

Natawa naman ako, Sumunod ay, ang pagtawa ni Jhay..

Nagtawanan lang kami doon, na parang mga baliw na nakatakas sa selda..

Nagtawanan lang kami. hanggang sa inantok na kami.

"Hays, grabe! Inaantok na 'ko!" Ang sabi ko kay Jhay.

"Hahaha, Ako rin e!"

"Sige, tulog na tayo, bukas na natin 'to ligpitin." Tumaas na kami, para matulog.

Nang papasok na kami sa pintuan, bigla ko naman narinig na nag salita si Jhay..

"Goodnight and sweetdreams."

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya no.

Humarap naman ako bigla sa kanya, napatitig lang sa likuran niya, hindi lang makapaniwala na sinabi niya yun, at sakin pa ha.

Nakahinto lang si Jhay eh, siguro hinihintay yung isasagot ko. Char!

Ayaw namang bumuka ng bibig ko..

argh

Humarap naman si Jhay sa akin,

"Why are you looking at me? I mean, in my back?" Ts, in my back pang nalalaman eh. Haha!

"W-wala! Sige, G-goodnight and Sweetdreams din!" Tumalikod na ako ng mabilis! Shocks.

Humarap na muna ako sa pintuan for 10 seconds.. sobrang bilis kasi nung heartbeat ko eh.

Ewan ko kung nandyan pa si Yahj sa likod ko, humarap naman ako ulit kung saan ang direksyon ng kwarto ni Yahj. Wala na nga si Jhay, pero naka bukas pa yung pintuan niya.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.. humiga muna ako sa kama at nag isip isip. Minsan naman pala, nakikisakay rin pala si Jhay sa mga kalokohan ko..

Ang nagustuhan ko lang talaga kay Jhay is yung other side niyang mabait at maloko, pati rin yung funny side niya.. kaya pala ang daming fans nito ni Jhay sa school eh. Parang artista na. Ano kayang feeling 'pag sikat ka no?

Siguro, yung ibang mga sikat, ayaw na nilang maging sikat dahil baka iniisip nilang marami sa kanilang nagagalit o tawagin na rin natin itong 'Haters'

Pero, syempre insecure lang sila, dahil silang mga mga sikat nakilala, eh sila, wala manlang kumikilala sa kanila dahil sa ugali nila, hindi pa naman nila alam ang totoong ugali neto eh. Judgemental ka ghorl?

Yung ibang sikat, sinasabihan silang 'malandi' ito, porket kasama lang ang mga lalaki, malandi na? Hindi ba pwedeng nakikipag kaibigan lang, dahil ayaw niyang makisama sa ibang babae dahil nga naa-out-of-place siya rito?

Sana ay may maka relate nang aking iniisip.. Makatulog na nga. Antok lang to, eh. Hays.

Wait lang, parang may nakakalimutan ako eh.. Ano bang meron bukas? Sabado na bukas eh, Ano bang MERON BUKAS?

Hay nako. Makatulog na nga.

---

A/N: Yo. Tulungan niyo naman si Acee, ano bang meron bukas? Mhm.

Comment kayo dali. Vote na rin kayo, para masaya na ako.

At pagpatuloy niyo lang ang pagbabasa. Salamat ng madami.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now