Chapter 13 - Spread Out

119K 3.8K 187
                                    

Jhay's POV

Tumahan na din si Acee maya-maya lang at bumalik na din sa klase n'ya bumalik na din ako sa room 'ko. Nakita ko yung apat na babaeng nanakit kay Acee sa loob ng classroom, nagkukumpulan sila sa iisang gilid at mukhang merong pinag uusapan.

"Aja." Agad agad namang lumingon si Aelijah. Aja ang nickname n'ya.

"Yes, ano yun Jhay?" excited n'yang tanong.

"Sa susunod na saktan n'yo pa si Acee, ako na makakaharap n'yo talaga." Nawala ang ngiti sa mga mukha n'ya at napalitan ng inis. 

Psh, 'wag kayong magisip ng kung anu-ano ha. Ayoko lang s'yang makitang umiiyak at lalong lalo na at dahil sa'kin pa. Ewan ko kung baki... dahil siguro mas nasanay lang talaga ako na lagi s'yang naka-ngiti at tumatawa.

"Oh, hey! Prince Jhay!" Sabay sabay na bati nila Chloe, Kathryn at 

"Oh, Jhay. Bakit? Espesyal ba s'ya sa'yo? At kami?! Malalagot sa'yo? Haha!" Pang aasar n'ya pa sa sinabi 'ko.  "Tss. Whatever! Gustong-gusto lang talaga namin s'yang masabunutan. Ang landi kasi eh!" She chuckled.

"Psh."

"And Prince Jhay!!" Pag habol n'ya pa.. "Please, tell us na hindi mo talaga s'ya girlfriend. Hindi ba? Na kami ang mahal mo!"

"Psh, hindi mangyayari yun." Sagot 'ko at umupo.

"Talaga?! na hindi mo s'ya magiging girlfriend?!" excited nilang sabi.

"Tanga ka ba? Ang sabi ko.. hindi mangyayari na mamahalin ko kayo. Asa naman kayo no?" Isinuot 'ko nalang yung earphones 'ko.

"Ano pre, sabi ko naman sa'yo, eh." Rinig 'kong sabi ni Ken nang siniko ako.

S'ya ang nag sabi sa'kin na pinag tutulungan si Acee ng mga babaeng yun at kasama si Aelijah. "Oo na. Bakit ba may rumor na kami daw ni Acee?! Saan ba nang galing yun?!" Ang pagkakaalam ko, doon lang kay Aaron baluga 'ko yun sinabi. 

"Ay, oo nga pala pare, sinabi ng mga kaibigan ni Acee na kayo na daw. Ang pagkakaalam ko kasi eh madaldal daw yung kaibigan n'yang si Clarize, ang sabi niya ay.."

FLASHBACK

Ken's POV

Maaga ako pumasok ngayon para wala sanang tao, pero ang dami nang mga studyante sa Campus. Letse.

May nakita akong nag kukumpulan sa Gym. Pumasok na muna ako upang tingnan kung anong meron doon hindi pa naman pasukan, eh. Mhm.. let's see what is it haha! Pa-english effect pa eh, muntik na tumulo ang dugo sa nostrils 'ko. Sheteng malupet..

"Guys! Alam n'yo bang may girlfriend na pala ang prinsepe n'yong si Jhay?!" Sabi nung Clarize ata pangalan na kaibigan ni Acee.

*evil laugh* Hindi manlang sinabi sa'kin ni Jhay na may girlfriend na pala s'ya ha!

"HUWAAT?! SINO?" Pagalit na sigaw ng mga kababaihan..

Hinablot ni Clarize ang microphone mula sa isang choreographer.. "Si Acee.." 

"HA?! HINDI TOTOO YAN. HINDI TYPE NI PRINCE JHAY YUNG BABAENG YUN NO!" Muli nilang sigaw.

"Si Jhay pa nga ang nagsabi samin, eh."

Sheteng malupet talaga haha! Girlfriend na pala n'ya si Acee. Hindi manlang n'ya sinasabi, kaya pala kasama n'ya sa bahay yun mukha nag live in na ata wahaha!

Hahahaha. Ikakalat ko 'to sa room habang wala pa si Jhay.

END OF FLASHBACK

Jhay's POV

"Eh sira ulo ka pala pre, eh. Bakit mo pa pinag kalat?!" Pagalit 'kong tanong.

"Haha, kase.. ganito yon.." inilagay n'ya pa ang dalawa n'yang kamay sa magkabila 'kong braso.

"Baket?!" Tanong 'ko habang nakakunot ang mga noo. 

"Kasi.. gusto ko." Malupet. Ngiting aso pa s'ya.

"Sira ulo ka talaga!" Binatukan ko s'ya. Ang ganda kasi ng explanation, eh. Words of Wisdom!

Acee's POV

Huminga ako ng malalim... nandito na ako sa room.

"Sino ba nagkalat ng mga yon?! Eh hindi naman talaga totoo yun!" Tanong ko kela Clarize.

"Ay, ganon? Patawadin mo sana ako. Pero ako yung nag sabi, eh." She chuckled sarcastically.. 

"Hays! Ikaw talagang babae ka! Wala kang fries mamaya!" Pinandilitan 'ko s'ya ng tingin. 

"Kamusta ka? Ayos ka lang ba? Nabalitaan 'kong pinag tulungan ka nila Aelijah sa Hallway ah?" Nagaalalang tanong ni Clarize. "Pasensiya na ah, late 'ko na din kasing nalaman, girl!" 

"Pasensiya din, Acee. Hindi kita naligtas mula sa kanila. 'Wag kang mag aalala, nandoon naman boyfriend mo, eh. Haha!" Natatawang sabi ni Aaron. 

"Ayos lang.." I chuckled and after I said that napansin nila ang mga pasa at kalmot sa braso at binti 'ko.

"Mga hayop talaga sila!" Inikom ni Clarize ang mga kamay n'ya. "Pasensiya na talaga Acee! Ako talaga ang may dahilan kung bakit mo naranasan yan ngayon, eh." Naluluha n'yang sabi. 

"Okay lang, Clarize!" Naluluha din tuloy ako. "'wag kang iiyak! Kapag umiyak ka, iiyak din ako." Hinawakan 'ko s'ya sa magkabilaan n'yang braso. I pouted. 

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now