Chapter 63 - Inlove with my bestfriend (Clarize)

142K 3.4K 785
                                    

Clarize's POV

Hi. Yep, i'm Clarize Delos Reyes ang bestfriend ni Acee Jade at Aaron. Kilala niyo naman ako, right? Syempre hindi dapat ako mawalan ng Love Story at dahil tinatamad ang author na gumawa ng bagong libro, isisingit niya nalang daw ang love story ko dito sa story na to. Ka-sad no? :--( palagi nalang akong sinisingit kaya palagi rin akong nasasaktan eh. :--(

Anyways, sobrang nasaktan ako sa dati kong mahal na si Mark, niloko at pinaasa lang ako nun. Huhu! Pero okay na, moved on na ako,  pakasaya nalang sila ni Jaime. Haha!

Ngayon inlove ako sa lalaking tumulong sa akin kung paano makalimutan si Mark at ang lalaking dumamay sa akin sa araw na kailangan ko ng karamay.

Ayaw ko talaga sa kaniya nung una ko siyang nakitang kasama si Acee. At nung una kong impression sa kaniya.

Pero nag kamali ako. Iba pala siya sa inaakala ko.  Mabait siya at sobrang maalalahanin. Kung paano niya kamahal ang pamilya niya, ganun din siya saming mga kaibigan niya. 

Hindi ko nga alam kung bakit sa amin pa talaga siya nakipag kaibigan. Eh ang dami namang mga lalaki sa school na pwedeng maging tropa, pero kami pa ang napili niya.

Pero nag papasalamat pa din ako kung bakit kami ang napili niya na maging kaibigan. Kung wala siya, paano na ako nung umalis si Acee? Kung wala siya, wala akong karamay sa lahat ng pinagdadaanan ko. Kung wala siya, edi walang lalaki ngayon ang nagpapasaya sa akin ng todo.

Pero lahat ng yun, hanggang panaginip nalang siguro. Kasi nagsabi ako sa kanila na "walang talo-talo", na walang magkakagusto sa tropa.  Bakit pa kasi ako nakipag -deal!? Akala ko kaya ko, hindi pala.

Hanggang kailan ko pa kaya matatago ang nararamdaman ko para sa kaniya?

I'm praying na hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito, kundi pati siya and I'm still praying na hindi ito One Sided Love. Pero bakit kasi I'm Inlove with my Bestfriend!?

Yep, kilala niyo siya. Kilalang kilala. Hulaan niyo nga?!

Uh-huh! Siya si Aaron Joshua Collins. Huhu, hindi ko alam kung paano 'to nagsimula pero bigla nalang tumibok ang puso ko. Eh sa araw araw ba naman naming pagsasama eh.

Aaaand as usual, papasok na ako ng school. Hindi kami sabay pumasok no, nagc-commute lang ako tapos siya nagk-kotse. Siguro natatanong niyo kung bakit hindi nalang ako nakikisabay sa kaniya sa kotse. It is because ayaw ko. That's all. Baka pagchikahan na naman kami nun. Hays, palagi nalang kaming pinaguusapan, couple daw kami. Well, syempre, choosy pa ba ako!? Syempre, gusto kong pinaguusapan kami ng ganon. Ang kaso lang, parang ang akward para kay Aaron,  feeling ko kasi wala siyang feelings para sa akin.

HUHUHUHUHU!!!

Nandito na ako sa school, mag kaklase kami ni Aaron. College na kami, kaya minsan busy at laging puyat.

"Yow!" umapir ako kay Aaron na nagbabasa ng libro.

"Late ka na naman." Saad niya. Nag peace lang ako sa kaniya at nag smile. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago."

Umupo na ako sa upuan ko at kinausap ang iba kong kaklase.

"Close talaga kayo ni Aaron no? Wala bang something between you guys? Parang may sparks palagi eh. Yiii!" aniya

"Huy! Ano ka ba! Wala ah? Mag kaibigan lang kami." sagot ko.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now