Chapter 23 - Flash Back

108K 3.6K 186
                                    

EDITED

Nandito na ako sa hallway papuntang room namin. Nakakainis, hindi na kami sabay ni Yahj. How sad.

Paika ika lang ako habang nag lalakad, muntanga lang. Hahaha! Ok lang yan!

Wala nang maiinggit sakin huhu, Hahahaha joke lang.

"Look oh, si Nerdy Acee girl oh!" Rinig kong sabi nung babae

Sikat pala ako dito sa school, Sikat na nerd! Awts. Pero okay lang yun.

"Yeah i know right. "

"Balita ko, umalis na raw si Prince Jhay sa bahay nila" Haluh, 'pano agad nila nalaman?! Ang bilis ah.

"Oh?! Paano mo naman nasabi?! "

"Be, narinig ko lang."

Palayo na ako nang palayo, hanggang sa hindi ko na sila marinig.

Haluh, kanino naman kaya niya yun narinig no? Nevermind.

Pumasok na ako ng room..

Nakita ko yung dalawa kong kaibigan, Si Clarize at si Aaron.

"Hi!" Bati ko.

Namiss ko tong si Aaron ah, masyado kasi akong busy, kaya hindi na ako nakakasama sa kaniya.

"Uy, hello! Kamusta?" Tanong ni Aaron.

"Hehe, Eto nabugbog nung mga Mean Girls!"

"Ang sasama talaga ng mga yun!" Aniya niya.

"Ano bes, gusto mo resbakan na natin?! Ngayon na?! Ano? Sabihin mo lang!" Saad ni Clarize.

"Ano ka ba! Gaga! Madami kaya sila! Dalawa lang tayo!" Sabi ko.

"Hahahahaha! Okay lang yan!"

"Sige ikaw nalang. Salamat sa pagtanggol!"

"Sabi ko nga joke lang e. "

"Hahaha!" Tawa ni Aaron.

"Ikaw, Aaron? Baka may girlfriend kana ha? " Tanong ko.

"Sus, wala pa!" Sagot niya.

"Hahaha, ganun ba? Sino nga ba yung crush mo?" Sabay taas ng kilay  at tumingin kay Clarize, Hahaha naalala niyo ba?

"Si Clarize diba?"

"Ha? H-hindi ah. Bakit mo naman nasabi na si Clarize yung crush ko?!" Aniya ni Aaron.

"Diba sabi mo dati, crush mo yung kaibigan ko? Eh, iisa lang naman kaibigan ko e" Nagb-blush naman si Clarize hahahaha.

"Hoy, hindi noh, naputol kasi yung sasabihin ko nung time na yun."

"Ay, ganun ba? Sino nga ba?"

"Atin atin lang 'to mga pre ah.." nako, pa intense pa e.

AARON'S POV

Flashback

Nang pauwi na kami ni Acee bigla niyang natanong kung sino ba yung crush ko.

"Nagka crush ka na ba sa Campus?" Bakit naman niya natanong? Hm. Lol.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. Hahaha! Sige na. " Tch. Anong klaseng sagot yun? Hays. Nevermind.

Nag puppy eyes siya hahaha! Ang cute talaga ng mga mata ng babaeng 'to!

"Crush ko yung kaibigan mo-"

"Aaron, umuwi ka na daw ngayon na, sabi nang mommy mo!" Bigla namang sumingit si Nanay Adelia, Matagal na rin namin siyang kasambahay. Parang ko na nga yang tunay na nanay.

"Nandyan na po! Hold on!" Ano na naman ba kailangan ni Mommy! "Acee, kelangan ko nang umuwi, sige bye! Ingat ka! "

"Okay, bye!" Paalam rin niya.

Sumunod na 'ko kay nanay Adel, pero teka lang! Naputol nga pala yung sinabi ko kay Acee, baka isipin nun si Clarize crush ko!

Ang totoo niyan ang dapat kong sasabihin is...

'Crush ko yung kaibigan mo.. dati.' It means, she's Aelijah.

Yes. Crush ko siya. Actually dati pa, nung hindi pa ko masyadong marunong mag gitara, o hindi pa ako sikat sa ibang bansa. Crush ko siya simula noong Grade 3 pa 'ko. Tagal na nuh? And yes, matagal ko na siyang kilala. Small world nga naman.

Ang totoo rin niyan, kaya ako natagalan kanina noong bumili ako, dahil sumisilip pa 'ko sa room ni Aelijah, staka nakita ko pa nga yung crush ni Acee na si Jhay.

Hays. Kawawa naman kami ni Acee, haggang tingin nalang. Hahaha. Saklap bro.

END OF FLASHBACK

"Oh, masaya ka na?" Tanong ko.

"Ah kaya pala! Crush mo pala yung babaeng yun! Sana pinalitan mo nalang yung babaeng yun, malandi yun e. Nilalandi niya asawa ko! Hahaha!" Sabi ne 'tong si Acee.

"Atsaka kaya pala matagal ka ring bumalik galing tindahan, pasimple ka pang sumisilip. Hays!" Dagdag pa ne 'tong si Clarize.

"Hahahaha! Walang magagawa, inlove eh " </3

ACEE'S POV

"Parehas tayo ng pinag dadaanan pre!" Sabay akbay ko kay Aaron sa likod.

"Bigti na tayo pre!" Saad ni Aaron.

"Wag muna pre, buhay pa mga mga minamahal ko! Hahaha. Mauna ka nalang kung gusto mo! Wahaha peace!" Ginulo niya lang buhok ko.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now