Chapter 52 - Realized

118K 3.6K 641
                                    

"Bakit kasi mag isa ka lang dun? Nasan ba yung mga kaibigan mo?" Aniya ni kuya ng makauwi na kami sa bahay, gamit niya yung motor niya e. Yep, si kuya yung nag ligtas sakin kanina. Akala ko si KISA ulit. Hays haha

"Nagpaalam na kasi ako, kasi nga kasabay kitang umuwi diba. Hindi ko nga alam kung nasan yung guard, walang dulot!" Sabay tawa ng konti haha.

"Haha. Sa susunod, wag ka nang mag isang maghintay. Mag pasama ka sa mga kaibigan mo." Sabay gulo ng buhok ko.

"K." Aniya ko. Sa kaniya ko lang nagagawang sumagot ng ganyan. Haha!

"L, M, N, O, P, Q-" Pfft.

"Edi nye, bro. Libre moko!" Sabi ko.

"Edi nye ka din. Ayoko." Sabi niya, ano ba yan.

Kumain na kami at nagwentuhan kaming tatlo nila mama. Madami dami din kaming pinagusapan.

"Kuya, punta tayo mall bukas. Sakto wala kaming pasok. Please?" Pagmamakaawa ko.

"Ano naman gagawin natin dun?" Tanong niya.

"Wala lang, bonding na din natin. Ma, gusto mo sumama?" Lumingon ako kay mama na kumakain.

"Ah, hindi na. Kayo nalang dalawa. May lakad kami bukas ng mga amiga ko e, " Aniya niya.

"Ay, taray!" Sabi ko sabay subo ng pagkain. Tumawa lang si kuya. Yay, excited na ako bukas!

"Bry, ingatan mo yang kapatid mo ah, tanga pa naman yan." Sabi ni mama, habang ngumunguya. Yep, Bry short for Bryan. Haha di ko pa ata nasasabi e.

"Grabe ka ma! Masyadong realtalk! Hmp!" Sumubo ulit ako ng pagkain.

K I N A B U K A S A N

"Bilisan mo, lil sis. Hindi ka pa din nagbabago, napaka bagal mo pa rin." Sigaw ni kuya nakabihis na. Palibhasa, bilis maligo e.

"Wait lang, eto na!" Hindi na muna ako nag salamin ngayon, tiis ganda kuno. Haha! Bumama na ako nang makapag ayos na ako.

"Huwaw, dalaga na talaga si lil sis Acee. Hahaha!" Naka pantalon lang naman ako na high waist tapos hanging blouse.

"Tara na bro." Sabay akbay sa kaniya. Ginamit namin yung motor niya papuntang mall. Grabe, ang init sa philippines.

Nang nasa mall na kami, diretso agad ako sa Penshoppe at tumingin tingin kung anu-ano, sale kasi sila e. Huhu. Ngayon lang ako nagkaroon ng interest sa mga damit na katulad nito. Nahawa kasi ako kay ate Shane e. Haha!

Mayaman 'tong si kuya Bry. Yan pa ba? 10k sahod niyan kada buwan eh. Kaya ang lakas ng loob kong magpalibre sa kaniya hahaha!

Yumakap ako sa may braso ni bro habang naglalakad papuntang Mcdo nang may bigla akong may nakabungguan. Lumingon ako kung sino yun. Jusko

Si Jhay, kasama niya si Aelijah. Bakit palagi ko nalang siya nakikita. Nakita niya din ako, kaya nagkatitigan kami. Palayo na kami ng palayo sa isa't isa, tumingin na din naman siya sa ibang direksyon at ganun din ako.

Hindi ko aakalaning magkikita pa kami hanggang dito.

"--Bunso, ano? Nandiyan ka pa ba?" Rinig kong tanong ni kuya.

"H-ha? Ano ulit tanong mo?" Tanong ko.

"Tinatanong ko kung ano gusto mong orderin?" Tanong niya habang nakatingin sa menu sa may cashier.

"Kahit ano nalang. Kung anong oorderin mo, yun nalang din akin." Sagot ko, at umupo na.

Bakit ba palagi kaming pinagtatagpo, pilit ko siyang kinakalimutan pero masyadong makulit si tadhana. Tanggap ko namang wala na akong pag-asa e.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon