Chapter 15 - The Long Lost Friend

135K 3.8K 193
                                    

Clarize's POV

Talaga 'tong babaeng 'to!! Napailing na lamang ako at ngumisi. Pero kung sa bagay, hindi na nga kami nag uusap ni Marky. Wala na nga pala kaming koneksyon sa isa't isa ngayon.

I wonder kung anong itsura ni Marky ngayon? Hmm. Siguro super gwapo na n'ya, since naging artista na s'ya sa ibang bansa.

Tsaka oo nga pala! Hindi naman pala mag jowa sila Jhay at Acee, eh. Wala talagang pag tingin si Jhay kay Acee. Kawawa naman ang bestfriend 'ko.. Pero infairness sinabi n'ya ang totoo na nakatira nga s'ya sa bahay ni Acee!

Tatlong araw nalang pala, aalis na si Jhay sa bahay ni Frenny.. haaays, matatapos na ang sarap buhay ni Acee.

Dalawang oras ang nakalipas nang mag ring ang bell ng klase. Uwian na din, finally!

..May bibilhin pa pala ako sa bookstore.
Nandito ako ngayon sa Hallway. I mean, kaming tatlo nila Aaron at Acee.

"Guys, hindi ako makakasabay sa inyo maglakad papauwi, may bibilhin pa ako sa Book Store ngayon." Pagpapalam 'ko sa kanilang dalawa. They pouted at ganoon din ako.

Importate din kasi ang mga bibilhin ko kaya kailangan ko nang bilhin as soon as possible, may deadline din kasi.

"Ha? Ah, osige!" Saad ni Acee habang kumakaway.

"What book?" Tanong ni Aaron.

"Hmm, an Accounting book. Kailangan ko kasi for our Research." I smiled.

"Nice." Tumango lang s'ya. Sumabay na din ako maglakad palabas ng school.

"Uh, Aaron bakit nga pala ang tagal mo kaninang makabalik sa room?" Biglang tanong ni Acee. Napalingon ako kay Aaron.

"Ha? Ah, nabunggo ko kasi yung isang teacher doon sa ibaba ng room natin habang paakyat ako sa hagdan. Yung bading na teacheeer?" Aniya habang kumakamot ng ulo.

"Ah. Di ba't, masungit yun? Haha." Saad 'ko. Masungit talaga ang teacher na yun.

"Ay si Sir Difreso!" Saad ni Acee habang tumatawa. "Oo nga, ang sungit ng professor na yun kaya! Naging teacher ko yun dati, eh." Sabi ni Acee.

"Haha oo ayun ata. Kinurot ba naman ako sa tyan?! Nakakainis at sabi pa, "..sa susunod, tingnan mo ang dinadaan mo.'" Ina-arte pa n'ya kung paano sinabi nung teacher haha!

"Hahahaha!" Tumawa nalang kaming dalawa ni Acee.

Ilang minuto ng pagkekwentuhan at tawanan nang makarating din ako sa book store.

Eto ang paborito kong bilihan ng libro, bata pa lamang ako.

Noong nandito pa si Marky.. sabay kaming bumibili ng libro dito. Yup, isa din s'yang book lover tulad ko.

Nandito na 'ko sa Book Store, kinuha ko yung mga kailangan 'kong libro at kumuha na din ako ng mga gamit para sa kapatid ko.y mga school supplies din dito.

Grabe, ang dami pala nito. May listahan pang ginawa ang mokong!

Nang matapos akong kumuha ng mga gamit at libro. Punong-puno na ang braso ko at ang bigat!! Wala bang basket dito?!

Kaloka, hayaan ko na nga lang! Malapit na din naman ako sa counter, eh.

Nakatingin ako sa mga kinuha 'kong mga gamit upang i-check kung may kulang o wala.. nang biglang may nakabunggo akong isang lalaki, kaya nahulog lahat ng mga dalahin 'ko.

"Ay, sorry miss. Hindi ko sinasadya!" Nagulat n'yang sabi at humarap sa akin.

Familiar yung boses n'ya pero hindi 'ko matandaan kung sino, nalilito ako!

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang