Chapter 17 - Late

120K 3.6K 174
                                    

3rd Person's POV

"TIK-TILAOK" Ang sabi ng manok. 

*inserts upbeat background music*

New day na namaaan..

Ang mga bata ay nag lalaro sa labas..

Ang mga magulang ay nagluluto na ng almusal..

Ang mga studyante ay pumapasok na sa paaralan...

Habang si Acee.. ay natutulog palang.

*Basag ang background music*

Sakop na n'ya ang buong kama.

Tulo-laway,

Nakanganga,

Humihilik pa.

Mabuti nalang at magkaiba na sila ng kwarto ni Jhay. Hahaha nakakahiya ka Acee, super!

Acee's POV

Minulat 'ko ang aking mga mata ng dahan dahan at inunat ang katawan. "Ay, anong oras na ba?!" Lumingon ako sa orasan na naka sabit sa pader ng aking kwarto.

Nanlaki ang akin mga mata nang nakita ko kung anong oras na. Anak ng tipaklong! 7:30 NA! "Ay, letsugas. Late na 'koooo!" Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto, napalingon ako sa pintuan ni Jhay.

"Nandyan pa kaya si Yahj?" Bulong ko sa aking sarili. Dahan-dahan 'kong binuksan ang pintuan ng kwarto n'ya upang sumilip ng palihim.

Oh shooocks, ang hot.. -- ay ano ba naman yan, Acee! Your virgin eyes! Charot.

Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita at namula na parang ketchup ang pagmumukha ko. Natutulog pa si Jhay..

..at naka-topless s'ya. >///<

Malapit na talaga akong maloka sa bahay na to ngayong linggo.

Sinara ko na ulit ang pinto ng palihim..

..at kumatok na kunwari wala akong nakita.

Potek naman yan! Ang tagal magising ng mokong na yon, ah.

One more time.

*TOK-TOK*

"OY!!! BUMANGON KANA! LATE NA TAYO!!" Sigaw 'ko sa pintuan.

"Pwede ba, 'wag ka nang excited."

"BILISAN MO, GUSTO MONG MA-LATE SA KLASE?"

"Eh, late na tayo e? Wala nang magagawa."

"MAMI-MISSED KO YUNG FIRST SUBJECT KOOO!"

"Oo na, eto na. Taeng-tae e."

..at binuksan na nga n'ya ang pintuan. Nakabihis na s'ya, ay bakit ka nag bihis?

"Anong oras na ba?" Tanong n'ya pagka kita n'ya sa akin.

"Wala bang orasan d'yan sa loob ng kwarto mo?" Sagot 'ko at tinaasan ko ng kaliwang kilay.

"Psh. Nevermind. Tsaka bad breath ka, may panis na laway ka pa sa bibig mo." Pumunta na s'ya sa hagdan. inamoy ko naman hininga 'ko.. ah eh, ang baho nga. HAHAHA!

"Bilisan mo nga!!" Pagsigaw n'ya mula sa sala.

"Okay okay!" Pagbaba ko, inunahan ko na s'ya sa loob ng CR. "Ako muna ha?!" Pag papaalam ko.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon