Chapter 67 - The End?

123K 3.2K 802
                                    

Acee's POV 

Nandito ako ngayon sa bahay. As usual, kasama ko si Jhay. Ang taray no? Hindi pa kami kasal pero live in partners na kami. Lol.

Kamusta na kaya sila kuya at mama sa US? Humiga muna ako sa kama habang si Jhay nasa sala nanonood ata ng TV. Naka receive ako ng message mula kay Clarize. Nakaka-miss 'to ah? Hindi na kami masyadong nagh-hang out. Huhu.

"Girl, punta ko ngayon diyan. Pero later pa naman. Hindi ka naman busy diba?"  - Clarize

Nag reply naman agad ako. "Sure, sige." Hindi na ako nakatanggap ng message at paniguradong papunta na yun dito. Christmas Vacation na ata nila kaya ang lakas ng loob pumunta dito. Sakto, tapos na din pagsh-shoot namin ng movie.

Bumaba ako papunta sa sala, nakita ko pa si Jhay na ginagamit lang ang laptop niya at hindi nanonood ng TV. Pinatay ko nalang yung TV. "Nagaaksaya ka lang ng kuryente eh. Palibhasa, hindi ikaw nag babayad." Umupo ako sa tabi niya. 

"Sorry na, galit ka kaagad eh." Pamatay yung ngiti niya, hays. Hindi nalang ako sumagot, napansin ko na busy talaga siya dun sa laptop niya. 

"Hoy, ano ba yan?" Sinilip ko kung ano ba talaga yung tinitignan niya dun? Mamaya may nags-stalk siyang ibang babae e. Ay, ang taray hahaha. 

"Tignan mo." Hinarap niya sa akin yung laptop. "Ang dami mo na talagang fans. 'Wag mo kong kakalimutan ah?" Tinarayan ko nalang siya. 

"'Wag kang mag-alala hindi na kita kakalimutan pa." Ngumiti ako at binatukan siya.

"Aray, bakit kailangan may batok pang kasama?" Tanong niya habang hinahawakan yung ulo niya. 

"Hahaha! Masanay ka na sakin." Nabasa ko yung mga messages na natatanggap ko galing sa kanila. Pati rin yung mga pictures ko kasama sila. Nakaka overwhelmed naman yung mga long messages nila sa akin hehe.

Habang tinitignan ang  mga posts at habang katabi ko si Jhay. May naisip na naman akong itanong sa kaniya.

"Diba arrange married na kayo ni Aja?" Tanong ko sa kaniya. Nag chuckle naman siya.

Tumango siya at ngumiti. "Yes. Pero hindi na matutuloy yun." Kumunot ang noo ko habang tinitignan ko siya. 

"Bakit? Paano?" Tanong ko.

"Remember when you went to states?" Tumango ako. Syempre alalang alala ko yun no. "And remember when you leave me?" Aray ah, grabe. Hindi ako sumagot at hinayaan ko nalang siya na mag kwento. "Yung time na yun, sasabihin ko na sana yung totoo. Sasabihin ko sana na meron akong feelings para sayo. Sasabihin ko na sana isang kasinungalingan lang ang lahat.  Hindi totoo ang mga nakita mo. Hindi ko ginusto ang mga nakita mo. Hindi ko ginusto na masaktan ka, kasi sino ba ang taong gusto masaktan ang taong mahal niya?" Naririnig ko yung tibok ng puso ko ngayon. "And that time, hinabol pa kita sa Airport. Pero wala rin pala akong napala. Kinabukasan..."

F L A S H B A C K

Jhay's POV

"Acee!" Sigaw ko. Wala na akong paki kung pag tinginan ako ng mga tao dito. "Acee may kailangan akong sabihin sayo! Mag usap tayo please." Dagdag ko pa. Sa sobrang daming tao, hindi ko na mahagilap ng tingin si Acee. Pero alam kong nandito siya at naririnig ako.

"Acee!! May kailangan kang malaman! Hindi totoo lahat ng mga nakita mo! Acee!" Sana narinig niya yung sinabi ko ngayon. Sana hindi pa siya nakakasakay sa eroplano.

Nang mawalan na ako ng pagasa, umalis na ako. Umuwi na ako. 30 minutes akong naglakad. Naglalakad lang ako ngayon kaya ang tagal ng oras. Kanina kasi, 10 minutes palang nasa Airport na ako, ganun ako kabilis tumakbo kapag may hinahabol na importante.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now