Chapter 7 - Hati

144K 4K 631
                                    

Acee's POV

*BRUUUUUUU*

Narinig ko naman ang tiyan 'ko, shocks. Warla na yung mga bulate sa tyan 'ko. Sana hindi n'ya narinig yun. Nakakahiya!

Nakakadalawang hakbang palang ako nang nag salita si Jhay..

"Acee!" Lumingon ako kay Jhay na ngayon ay naka upo ulit sa harap ng lamesa. Inayos na muna n'ya kasi yung mga gamit n'ya sa kwarto bago bumaba para kumain. 

"Ano na namang problema? Ayaw mo na naman ba ng ulam mo? Nag order na nga-" Naputol ulit ang pagsasalita ko nang magsalita ulit si Jhay.

"Maghati nalang tayo dito sa Chicken Fillet at Rice." Aniya. Kung nagtataka kayo kung bakit isa lang ang inorder ko yan ay  sa kadahilanan na madaming bayarin sa paaralan at hindi kaya ng budget 'ko dito na umorder pa ng isa. Nahiya naman akong humingi ng pera kay Jhay no?

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong 'ko muli.

"Sabi ko tanga ka na nga bingi ka pa!" Sinupladuhan na naman ako!

"Psh! Bahala ka na nga d'yan! Iwan na kita, ah?" Naglakad na ako pa akyat sa hagdan -- nang bigla akong hinawakan ni Jhay sa braso at hinila n'ya pabalik sa upuan.

"Hati na tayo." Jhay tandaan mo.. walang tayo.

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Teka, kami dalawa? Maghahati sa iisang pagkain? KYAAAAAAA~

Gusto kong ikwento 'to kela Clarize kaso madami silang itatanong at baka malaman pa nila 'tong sikreto at kabaliwan namin dito sa bahay.

"Hati? Okaaaaay." With matching huge smile.

"Ikaw na maghati." Sabi n'ya at ibingay sa akin ang tinidor at maliit na kutsilyo.

"Maghahati nalang, di mo pa kaya?" Tanong 'ko habang nakatingin sa kan'ya.

"Ayaw mo? Edi matulog ka na, ako nalang ang kakain." Muli n'yang kinuha mula sa akin ang tinidor at kutsilyo ngunit kinuha 'ko ulit ito pabalik sa akin. 

"Oo na!" inilagay ko naman yung kalahating Chicken Fillet sa plato n'ya at kumain na. Katahimikan, awkward...

"Um, sabi sa'kin ni Clarize, binuhat mo daw papunta sa Clinic si Aelijah?" Dahil sa kadahilnang wala na talaga akong maitanong at muntikan na akong mabingi sa katahimikan namin -- tinanong 'ko na ang tungkol sa nasagap 'kong balita kanina.

"Oo. Selos ka?" Tanong n'ya habang hindi nakatingin sa akin at patuloy pa din sa pag kain.

"H-hoy! Hindi ah!" Parang nag tatanong lang naman, eh. Nakakainis talaga 'tong lalaki na 'to, nang aasar pa, eh. Halata namang nag seselos ako!

"Psh." Yan lang sabi n'ya and he chuckled.

"Oh and by the way.. may nabanggit nga pala si Aelijah sa'kin na childhood friends daw kayo." Sabi ko habang ngumunguya at tinignans'ya sa mga mata n'ya. 

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now