Chapter 47 - War

101K 3.3K 406
                                    

"Sino reresbakan niyo aber?" Lumingon kaming tatlo ng makita namin sila Aelijah with her backup girls.

"S-si ano.. si kwan.. " jusme, ano sasabihin ko sa mga to?

"Ikaw! Bakit? Hindi kami natatakot sayo oy!" Sabat ni Clarize na aktong babanatan na sila Aelijah. Tinaas niya rin yung sleeves niya.

"H-hoy Clarize!" Bulong ko sa kaniya. Aba nababaliw na ba siya? Nag ''shhh'' lang siya sakin.

"Ano!? Mga loser pala kayo e." Sabi ni Clarize. Nanlaki naman mga mata ko.

"Aba teka, lumalaban na kayo ah." Biglang tumakbo papunta samin ang mga backup niya at sinabunutan si Clarize, pero syempre lumaban si Clarize. Sinabunutan din nila ako. Pinagtulungan nila kami. "Sino loser ngayon? Hahahahahaha! Sa akin ang huling halakhak!" Abuh nakakapagtimpi na tong si Aelijah ah.

Two vs Four kami ngayon.

Naalala ko ang sinabi sakin ni Jhay. "Wag mong hahayaang saktan ka nila" tama! Hindi ko hahayaang saktan nila ako. Sinabunutan ko si Aelijah na sumasabunot sakin. Kinalmot ko yung braso niya, ganun din naman ang ginawa niya sakin.

Syet ang dami nang kalmot sakin ni Aelijah pati yung isa niyang kasamang si Chloe. Si Clarize mukhang hindi magpapatalo sa dalawa.

Nalilinis na namin ang sahig ng hallway haha. Nakahiga kasi ako at nasa ibabaw ko sina Aelijah at si Chloe. Ganun din sina Clarize. Huhu

"Para sayo to Acee. Inaagaw mo sakin si Jhay! How dare you!" Sigaw ni Aelijah.

"Ako pa talaga ang nangaagaw!?" Hindi ko na mapigilan na sabihin sa kaniya yun.

"Hm. Kung sabagay, boyfriend ko na siya ngayon. Wag ka nang umasa! Ako ang mahal niya hindi ikaw."

Aba nanggigil na ako. Mas nilakasan ko ang pagsabunot at tinadyakan ko siya sa may tiyan. "Ouch!' Pero syempre hindi siya magpapatalo. Muntik na niya akong makalbo sa sobrang lakas niyang manabunot at sinampal pa ako! Hindi lang sa kaliwa, sa kanan pa! Triple kill na to ah. "Aray!"

"Haliparot ka! Malandi! Nyeta ka! Mag paganda ka muna bago ka lumandi! Pwe!" Namumuro na to sakin ah. Kapag ako naging artista, who you siya sakin! Nilakasan niya pa yung pananabunot.

"Sino ka para sabihin sakin yan! Hindi ka naman perpekto!" Nilakasan ko din ang pagsabunot.

"Ako lang naman ang reyn--" naputol ang sasabihin niya ng may biglang sumigaw na lalaki.

"ENOUGH!" Huminto sina Clarize sa pagsasabunot pa din ang tatlong backup girls ni Aelijah. Pero ako hindi pa din hinihintuan ni Aelijah. Pakshet. "Enough na sabi eh." Lumakad papunta samin yung lalaki at himablot ang mga braso nila Aelijah.

Si Jhay.

Pumunta din naman si Aaron sa direksyon namin ni Clarize at pinipilit na ilayo kela Aelijah. Pero si hindi pa din umaawat ito. "Para sayo to Acee! Pwee!"

"Tigil na sabi eh!" Kinuha ni Jhay ang mga kamay ni Aelijah sa buhok ko.

"Hoy Jhay! Pagsabihan mo yang mga yan ah." Sigaw ni Aaron. "Wag na wag nilang subukang saktan tong mga to kundi masasapak ko yang mga yan kahit lalaki ako!" Sigaw niya pa rin habang pinagduduro sina Jhay na kasama sina Aelijah.

"Ano ba naman tong ginawa niyo. Alam niyo bang pwede kayong mareport sa Guidance at mapaalis dito sa school!?" Sabi ni Jhay.

"Sorry babe. Siya naman kasi nauna eh." Tinuro ako ni Aelijah.

"A-ano sabi mo?" Tanong ko.

"Babe, kinalmot niya ako dito pati dito huhu!" Tinuro niya yung mga kalmot ko sa kaniya. Aba eh mas madami nga yung kalmot niya sakin eh. Tinignan ko yung mga braso ko. May mga sugat. Yung iba nagdudugo. Huhu.

"Mga pakshet pala tong mga to eh!" Bulong ni Clarize. " Apat kayo! Dalawa lang kami! Sino ba dapat ang mas madaming sugat!? Hmp!" Sigaw naman niya kela Aelijah.

Nahuli ko naman si Jhay na nakatitig sakin, hindi pala. Sa braso ko. Tinago ko uli iyon sa likod ko.

"Alis na nga tayo dito! Nasasayang lang ang oras natin dito!" Sigaw ni Clarize sabay hablot samin ni Aaron.

Aelijah's POV

Hmp! Walang hiyang babaeng yun! This is not the last time, there will always be next time. Dahil sakin pa rin ang huling halakhak!

Hinila ako ni Jhay. Oo, ako lang. Iniwan niya sina Chloe. Nandito kami ngayon sa room. Walang tao ngayon dito kasi P.E namin.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag niyong sasaktan si Acee!?" Sigaw niya sakin. Mukhang mainit ulo e.

"At mas kakampihan mo pa talaga yang haliparot na babae na yan!" Hmp! "Kanino ka ba talaga kampi ha? Sa girlfriend mo o dyan sa haliparot na Acee na yan!?" Tanong ko.

"Una sa lahat. Hindi kita gusto maging girlfriend! Inarranged marriage lang tayo ng mga magulang natin!" Sagot niya sakin. Yep. Arranged Marriage kami. Wala e. Bestfriends kasi ang mga mommy namin, pati ang epal na mommy din ni Acee.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" Sigaw ko.

"Hindi pa ba obvious!?" Tumahimik muna ako at nakinig sa susunod na sasabihin niya. "Kay Acee."

"What!? Seriously!?" Lumapit ako kay Jhay at niyakap. "Bakit kay Acee pa!? Nandito naman ako para sayo!" Tinaggal niya ang mga kamay ko sa kaniya.

"Lumayo ka nga sakin. Nangangati ako eh." Hey. Fyi, naligo ako.

"Hmp! Susumbong kita kay mommy!" Lalabas na sana ako ng room. Pero nagsalita si Jhay.

"May lalaking mas deserving sayo. At hindi ako yun. Kaibigan lang ang turing ko sayo." What? What is he talking about. Siya ang destiny ko noh. Nagpatuloy na ako sa paglabas.

How dare he!? Nagmamahal lang naman ako ah. Pero bakit niya ako sinasaktan ng ganito. Bakit pa kasi ako nafall sa bestfriend ko dati!

Pumunta ako sa tambayan namin. Nakita ko sila nakahiga at mukhang namomoblema sa skin nila. Kasi madami din silang sugat. Mga letse talaga to. "Huhuhu!"

"Hoy mga buang. Ano na?" Tanong ko.

"Ayon. Patay tayo. Nahuli tayo sa cctv." Ano? May cctv dun? Omg. Lagot ako nito kay mommy. Baka ikahiya na ako nun. Teacher pa naman siya dito dibuh.

"Ano daw gagawin satin?" Tanong ko.

"Nagmakaawa kami na wag ipatalsik dito sa school. Kaya pinabawas ko nalang sa grades."

"Shunga. Baka malipat pa ako sa mababang section niyan eh. Edi hindi ko na makikita si Jhay!"

"Mas shunga ka. Eh kung ipatalsik tayo dito sa school. Edi mas lalong hindi mo siyang makikita!" Ay. Oo nga no? Hahaha!

Acee humanda ka sakin! We're not done yet.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now