Chapter 5 - Selos

159K 4.4K 307
                                    

Pasukan na pala.

Naglakad na kami pabalik ni Aelijah at Clarize sa klase at umupo naman kami kaagad. Kinuha ko lang yung libro ko mula sa bag at magbabasa muna habang wala pa ang prof dahil may kausap pa sa labas ng klase, mukhang importate naman.

"Acee, punta lang kami sa Comfort Room." Paalam nila Clarize at Aelijah, tumango lang ako at muling binaling ang atensyon sa binabasa 'ko.

Yumuko ako at nag basa ng tahimik.

"Pst!" May narinig akong nag 'pst' somewhere.. Pero hindi ko nalang s'ya pinansin, baka may tinatawag lang s'yang iba. 

"Pssssssssst!" Mas lalong lumakas at humaba ang pag '''pst''' n'ya kaya mas lalo akong nadistract. Hindi ko ulit s'ya pinansin at nagpatuloy pa sa pagbabasa. Kitang may nag aaral ng mabuti dito, eh. Papalagpasin 'ko nalang yung ginagawa ng kung sino man iyon.

"Psssssssssst! Hoy babaeng nag babasa sa harapan 'ko." Pabulong n'yang tawag. Ako ba yung tinatawag n'ya? Whatever. Tumingala ako at may nakitang naka ngiting lalaki habang kumakaway sa harapan 'ko.

"Ako ba ang tinatawag mo?" Ang gwapo n'ya at ang mestizo n'ya din. Tinignan ko s'ya sa diretsyo sa mga mata n'ya. Shocks, mukhang may lahi ata ito? Dahil may pagka blue eyes s'ya.

"Yup! What's your name?" Tanong n'ya habang sa'kin lang nakatingin. Tinitignan 'ko din ang mga tao sa paligid bago ako sumagot. Baka mamaya pag usapan na naman kasi ako. 

"Bakit? Hindi pa nga tayo friends eh." Syempre pa-choosy ako, baka pinagti-tripan din ako ng isang 'to, eh. 

"Ikaw na nga tinatanong, ayaw mo pa?" He chuckled jokingly.

"Nahiya naman ako no? Okay sige. I'm Acee." 

"Aaron." Inangat naman n'ya ang kamay n'ya upang makipag shake hands sa'kin.

"Nice to meet you." Nakipag shake hands din naman ako.

"Nice to meet you too." Natatawa n'yang sabi.

"Ano ba kailangan mo?" Minsan lang ako maging suplada.

"Wala naman, I just like you to be my friend." Psh, eh, bakit ako pa?

"Bakit naman ako yung napili mong gawing friend? Ang dami daming mga magagandang babae d'yan oh?"

"Mhmm, 'cuz you're quiet and you are the only one who doesn't have to talk with." With matching killer smile. Halos mapaluwa mata 'ko doon ah?

"A-ah, Ha-ha, ganon ba?" sarcastic 'kong tanong.

"Yup." maikili n'yang sagot.

"Teka nga lang, bagong lipat ka lang ba dito sa section B? Parang ngayon lang kita nakita dito e." kumunot ang noo habang tinitignan s'ya ng maayos. Bigla bigla nalang kasi s'yang sumulpot.

"Well ganon na nga pero transferee lang ako dito. Ayoko na doon sa dati kong school kasi wala naman akong kaibigan. So nagpalipat na ako ng school at dito magbabagong buhay na 'ko hahahaha!" Natatawa n'yang saad.

"Ah hahaha, ganon ba?" nakangiti 'kong sabi. "Ganyang mukha mawawalan ng kaibigan? Ako ba pinagloloko mo?" Bulong 'ko sa sarili ko habang tinitignan s'ya mula ulo hanggang paa. "Alright, friends na tayo. Mukha ka namang mabait eh." Ngumiti s'ya sa narinig n'ya. Mukhang sincere naman yung pakikipag kaibigan n'ya at mukhang nagsasabi ng totoo.

Akala mo naman Acee, kinaganda mo na yan? Hahaha!

Biglang pumasok si Clarize sa klase kasabay ng prof at umupo na sa tabi ko. Si Aaron naman ay ibinalik ang atensyon n'ya kay sir Danny na ngayon ay nag sasalita na sa harapan.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now