Chapter 19 - Interview

120K 3.4K 132
                                    

Uwian na namin. Lumabas na ako ng room kasama si Clarize, paano kasi kasabay ni Aaron ang mga bagong tropa niya.

"Girl, sasabay ako kay Marky.." Aniya Clarize habang naglalakad sa hallway.

"Ah, sige." Sige, iwan mo akong mag isa rito!

"Sigi! Ba-bye. Ingat ka ah!" Hays, iniwan nga talaga ako ng bruha.

"Ingat ka din!" habang naka ngiting kumakaway sa kaniya papalayo.

Hindi ko na rin namalayan na gabi na pala, sumulyap ako sa relo ko. 7PM na pala! Oh my.

Habang naglalakad ako mag isa sa daan, nakita ko naman si Jhay na bumaba mula sa harapang hagdan ng bahay namin.

Siguro naman wala nang makakakita sa amin? Wala nang tao sa daan eh. Tahimik at nakakatakot.

"Jhayyyyy!" Bulong kong pasigaw. Syempre hindi narinig ni Jhay, kaya nga bulong eh.

Habang ako'y humaharot mag isa dito sa daan, bigla akong kinalibutan, may kakaiba akong sensasyong nararamdaman. Hoy! Alam ko iniisip ninyo! Hindi ako natatae ah!

Naramdaman ko na parang may sumusunod sa paglalakad ko. May naririnig akong foot steps na papalapit sa'kin. Alam 'kong hindi ako yun, imposibleng une-echo tunog ng takong ko? Basta ang alam ko lang... MAY KASUNOD AKO!

Mabilis akong lumingon patungonsa likod ko.. pero.. pero.. WALANG TAO! Oh shit, oh shit.

Takbo Acee, takbo

Tumakbo ako papalapit sa bahay namin, nakita kong nasa hagdan pa rin si Jhay. Mukhang patayo na siya nang makita akong tumatakbo papalit!

"JHAAAAY!" Inabutan ko pa si Jhay sa hagdan at aksidenteng napayakap mula sa likuran niya!

Tinanggal ko naman agad ang pagkayakap ko mula sa kan'ya. Shems, nakakahiya!

Na realize ko rin na naka shirtless siya! Those back tho! Hmmm... sherep.

"Woaaah, Jhay! Who's this?" Bigla naman akong nagising sa katotohanan nang may narinig pa akong ibang boses.

Shocks, may kasama pala si Jhay dito!

"She's my.. uhh.. friend." Uyyy! Nag isip paaa. Siguro nag dalawang isip pa siya kung ipapakilala niya ako bilang girlfriend or live-in partner. Hihi!

"Oh, I see. Ito ba 'yong kasama mo sa bahay?" Tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa na tila ba hinuhusgahan kaagad ako. In fairness, maputi siya, maganda ang mga mata, naka bonet na gray, t-shirt na black at pantalon.

"Hindi mo pa ba siya nakita dati?" Tanong ni Jhay doon sa lalaki.

"Hindi pa pre, eh. Pakilala mo naman ako." Aniya habang nagl-lip bite at nagpapapukaw pa ng mga mata na para bang nagpapa-pogi.

"Acee, he's Ken-"

"Ang pinaka gwapo sa campus natin." Singit ni Ken daw ang pangalan.

".. and Ken she's Acee.. Oh, masaya ka na?" Tinignan niya si Ken with poker face.

"Nice to meet you Acee!" Nakangiti niyang bati at inilahad ang kaniyang kanang kamay para i-shake hands ako.

"Nice to meet you too!" Nakipag shake hands din naman ako.

"Ang tagal! Tara na sa loob!" Aya ni Jhay. Nauna na siyang pumasok. Tinignan ko si Ken ng naguguluhan-face-look, kung bakit parang ang sungit na naman ni Jhay but he just shrugs.

"Bakit pala ikaw lang mag isang naglalakad sa daan, Acee? Delikado na, dapat nagpa sundo ka na kay Jhay." Ani Ken habang papasok sa bahay.

Kinilig naman ako dun, pero an realize 'kong imposibleng kaya kong magpa sundo sa lokong yun. Maglakad nga lang papasok, sobrang layo na namin eh.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now