Chapter 30 Halloween pt. 7

97.5K 3.3K 191
                                    

EDITED. May binago po ako sa part na to kasi may mali e. Haha!

AARON'S POV

Eto na, Halloween party na! Excited na 'ko! Btw, kahapon pala, hindi ko napansin na wala na pala si Acee.

At yun nga, nandito ako sa kwarto, nag aayos lang. Vampire nga kasi ako. Naglagay ako ng Foundation...  ng pulbos, nag lipstick na kware dugo, naglagay rin ako ng pangil.

Sinuot ko na rin yung costume ko... at ready na 'ko.

Anyways, it's 4am in the morning... 5:30 magsisismula yun, ang aga nga eh.

CLARIZE'S POV

Kakatapos ko lang maligo, inaantok pa nga ako eh. Nakakainis nga eh, hindi ako sinasama nung dalawang yun, madaya.

Anyway, eto na nga, nag bibihis na 'ko... Isa akong witch eh Hahaha.. Syempre, magandang witch no. Chos.

Nang matapos na akong magbihis at mag make up... Syempre dapat maganda ako, Charot! Nacu curious nga ako eh, ano kayang susuotion ni Acee... Mhmm..

Nang matapos na kong mag bihis, sumakay na 'ko ng Jeep..

Tae, ang daming nakatingin sakin.. May mga nagpapapicture pa, konti lang naman kami sa Jeep eh, madaling araw palang naman.

AELIJAH'S POV

Tapos na 'kong mag suot ng costume, btw, si Princess Peach ng Super Mario yung gagayahin ko... walang may pake .

Naglagay na ko ng wig, at korona, pati yung dress ko...

Duhh ako ata ang pinaka maganda mamaya sa party Mwahahaha, I expected na si Acee ang pinaka pangit na costume..

Pagkatapos kong mag suot, sumakay na ko ng kotse.

JHAY'S POV

Hays T^T Inaantok pa 'ko, parang ayokong dumalo, pero parang gusto ko.. Haha! Im confused.

Naligo nalang ako para hindi na ko antukin, at nag bihis na.

Batman ang costume ko, no one cares. Hindi na ko nag lagay ng maskara. Panget

Nang matapos na kong mag ayos, sumakay na ko sa kotse..

ACEE'S POV

Nang matapos na akong maligo.. nagbihis muna ako ng pang alis.

Tinawagan ko na si Ate Shane, dun sa binigay niya saking number kahapon.

"Uy Acee! "

"Ate Shane!"

"Tara na dito, wala na si Aaron.. "

"Okay po, takbo nalang po ako.. "

"Sige dalhin mo na yung costume mo.. "

"Sige sige po! "

After that, pumunta na ko sa bahay nila Ate Shane...

Nag doorbell na ako sa gate, madaling araw palang. 4:20 palang eh.

Lumabas yung kasambahay nila, na si Aling Adelia "Pasok na po kayo. "

Pumasok naman ako..

"Nasa taas po si Ma'am Shane.. "

"Sige po, salamat. "

Tumakbo na ko sa taas.

"Tara na Acee. "Sabi ni Ate Shane... "Upo ka na " umupo naman ako...at inayusan na ako ni Ate Shane.. yung parang kahapon lang naman na make up.

"Pwede bang bunutan yang kilay mo be?" Napalingon ako kay ate shane.

"Masakit po ba yun? " Curious lang kasi ako, never pa 'kong nakapag ayos sa pagmumukha ko. Lalo na sa kilay ko argh.

"Siguro, oo, para sa baguhan lang. Pero, kaya mo yan, masasanay ka rin. " oh no, kinakabahan ako. Sabi ko na nga ba, da 't hindi na ko sumali dito e.

"Tanggalin natin yang salamin mo ah... " tiis ganda muna tayo ngayon haha.

"Sige po. "Pagkatapos niyang tanggalin ang salamin ko, sinimulan na n'yang bunutan ang kilay ko.

Nakakaisang bunot palang, napasigaw na agad ako. Oh no, nakakahiya. Nakita ko si Ate shane na tumatawa.

"Hahahaha, pasensya na kung masakit. First time mo lang kasi eh. Haha sorry! Sge, try pa natin. Tiisin mo lang, para gumanda ka pa lalo!" Napa buntong hininga nalang ako, at tumango na lang ako.

Maya maya inayos na niya rin aking buhokskie.

"Ayaaan, bagay sayo. " Yung buhok ko, parang nakaipit siya na parang bun style, tas yung bangs ko sa dalawang gilid naka baba, ganun parang ganun..

Ang ganda ko na, Charot!

Pagkatapos akong ayusan ni Ate Shane, nagbihis na 'ko...

"Gusto mo, pahatid na kita sa kotse namin... " Aya sakin ni Ate Shane.

"Haluh, 'wag na po! Nakakahiya..."

"Nako, nahiya ka pa! Okay lang yun nuh.. "

"Hindi na po! Haha. Salamat po! Alis na po ako " Sabay ngiti, ang bait talaga ng Ate ni Aaron..

Lumabas na 'ko ng bahay, nang makalabas ako...

"Ay, wala pala akong perang dala, 'pano ako makakasakay. Katangahan." Naala ko naman yung sinabi ni Ate Shane...

"Nako, nahiya ka pa! Okay lang yun no. " Naalala ko bigla sinabi ni Ate Shane. Pumasok ulit ako, medyo nahihiya Hahaha.

Naabutan ko si Ate Shane, pataas palang ng hagdan.

"Ate shane! " Sabay lingon niya.

" 'O! Acee! Napabalik ka? "

"Ate Shane, bigla kong naalala, wala po pala akong pamasahe... um..."

"Hahahahah, ikaw talaga! Tara, ipasakay na kita sa kotse. Tara, baka ma-late ka na! 4:50 na oh! " Tumawa lang ako at sinundan ko na siya.

Nang nandito na kami sa kotse, tinawag niya na rin yung driver nila, Si Mang Jayson ata.

Nakakahiya naman >\\< Ginising pa niya si Manong.

"Ate Shane, tanong ko lang po, ano pong kotse yung sinakyan ni Aaron? "

"Ahh, kotse niya sinakyan niya, akin yan eh. "

"Talaga po?! May sarili yung kotse?! Wow. "

"Hahaha! " Tumawa lang din ako,  grabe ang yamaaan ~ "Sakay na !"

"Salamat Ate Shane ah! "

"Ayos lang yun! Ingat kayo ah! "

Sumakay na 'ko sa kotse...

"Neng, alam mo ba tahimik lang yan palagi si ma'am Shane. Palagi siyang nasa loob ng kwarto.." Saad ni manong.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Bata palang yan si Shane, driver na nila ako dito. Madalas talaga siyang mag isa. Parehas lang naman sila ni Aaron." Sagot niya habang nakatingin sa daan.

"Ah, matagal na po pala talaga kayo dito ano po. Mhm, bakit kaya manong?" Tanong ko ulit.

"Palagi kasing busy parents nila sa trabaho. Hindi manlang sila mabisita. Kaya nga parang tatay na din nila ako. Minsan,natutuwa ako sa mga yan. Kasi kahit palaging wala yung mga magulang nila. Alam na nila kung paano maging independent." Aniya niya. Ngumiti lang ako.

Matagal din kaming nag usap ni manong Jayson hanggang sa makarating kami sa venue.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now