Chapter 48 - Rehearsal

115K 3.5K 120
                                    

"Sumo-sobra na yang si Aelijah ha! Pati din yung mga kamukha ni kokey niyang backups." Sabi ni Clarize habang nilalagyan ni Aaron ng band aids ang mga kalmot sa kaniya. Mhm.. i smell something fishy.

Lalagyan ko na din sana ng band aids ang mga kalmot ko sa braso pero pinigilan ako ni Aaron. "Ako na maglalagay." Tapos na pala siya sa paglalagay kay Clarize. Ibang klase din tong si Aaron hays. Sobrang caring! ♥

Hinayaan ko nalang na siya ang maglagay ng band aids. Nandito kami ngayon sa isang room na walang tao. May P.E naman ang section ko ngayon. At sila Aaron at Clarize naman pinili munang hindi pumasok. Pero nag excuse naman sila, emergency lang.

"Hays. Nandito ka lang pala!" Lumingon kami sa likod kung nasan ang pintuan at kung sino man ang nagsalita. Nakita namin ang isang babaeng hingal na hingal "Miss Acee Furukawa, pinapatawag po kayo sa Music Room." Ano na naman.

Tinignan ko si Aaron na naglalagay ng Band Aids. Mhm, mukhang tapos na rin naman siya.

Nagpaalam na ako kela Clarize at Aaron at sumama na dun sa babae.

Nang nasa Music Room na ako. Kinausap ako ng Music Teacher, ay. Siya pala yung nagturo sakin nung rehearsal!

"Are you ready for tomorrow?" Tanong niya sakin. Hala ano ba meron?

"A-ano po bang meron?" Tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

"Huh? You forgot? Tomorrow na ang performance niyo." Sheteng malupet! Oo nga pala! Ano ba naman, nakalimutan ko!!!

"Wha- oo nga pala! Huhu sorry po, nakalimutan ko! Madami lang po kasing nangyari this past few days! Huhu!" Sabi ko na nagmamakaawa. "Bigyan niyo pa po ako ng time para mag rehearse! Please!" Lumuhod na ako.

"Uy, tumayo ka nga diyan!" Kinuha niya ang kamay ko at hinila patayo. "O sige na! Na practice mo na ba ang kanta for you?"

"Hindi pa po masyado. Pero kabisado ko na!" Sabay ngiti.

"C'mon let's go. I will guide you." Aya sakin ni Ma'am Keya.

"Yey!" Excited akong sumunod kay ma'am.

"First, the posture!" Inayos ni ma'am ang pagtayo ko. "Kailangan relax ang shoulder mo, straighten back and stomach in. Ayan, just like that!" Ngumiti lang ako. "And another important thing is breathing!" Tinuruan niya din ako kung paano mag warm up ng voice.

"And then, Do-Re-Mi-Fa-So-La-Ti-Do! Now, it's your turn." Nagpiano siya.

"Do-Re-Mi-Fa-So---*cough* *cough*"Di ko kinaya yun ah. Huhu

"Haha again." Inulit niya ulit.

"Do-Re-Mi-Fa-So-La-Ti-Dooooo!" Nawalan na ako ng boses sa part ng '''Do''' hahaha.

"Another." Inulit ko, at nakaya ko naman. Haha! "Very good!" Pumalakpak lang ako at ngumiti.

"Now, can you sing the song?" Tanong ni ma'am. Kinanta ko naman ang song na ibinigay sakin.

Get it Right by Glee

"What have I done?
I wish I could run,
Away from this ship going under
Just trying to help
Hurt everyone else
Now I feel the weight of the world is on my shoulders

What can you do when your good isn't good enough
And all that you touch tumbles down?
Cause my best intentions
Keep making a mess of things,
I just wanna fix it somehow
But how many times will it take?
Oh, how many times will it take for me to get it right, to get it right?"

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now