Chapter 14 - Ang Katotohanan

140K 5.7K 205
                                    

Jhay's POV

Kailangan na nilang malaman na hindi talaga totoo 'yun. Kahit kailan talaga kasi 'yang kaibigan ni Acee na madaldal, eh. Pupunta ako ngayon sa Gym upang sabihing hindi totoo ang mga narinig nila.

Habang naglalakad, may naririnig na naman akong bulungan sa paligid. Kailan ba mawawala ang mga ito?

"OMG! Si Prince Jhay, oh?" 

"Tara, sundan natin!!"

"Let's go!!"

"Diba may kasama daw s'yang babae sa bahay na tinutuluyan n'ya?!"

"Oo, ang pagkakaalam ko si Acee Furukawa daw yun."

"Hay! Talaga yung babaeng yun! Malalagot s'ya sa'kin 'pag nakita ko s'ya! "

"Oo nga! Sugudin natin s'ya!"

"Uy, alam n'yo na ba na girlfriend na pala n'ya yung babaeng yun? Nakakairita talaga!"

"GRRR, 'pag nakita ko talaga yun, masasabunutan ko talaga s'ya!"

"Nakakapang gigil. Gusto ko s'yang sampalin. Inagaw n'ya ang para sa'kin! Walang hiyang babae!"

Napa iling ako at napa buntong hininga. Minsan napapaisip ako, ano ang mas mahirap? Maging pangit o maging gwapo? 

Ang dami nang gustong kumalbo kay Acee ngayon, dahil lang sa issue na yan. Kaya nga ngayon sasabihin 'ko na sa kanila na hindi talaga totoo 'yun. Para hindi na nila saktan si Acee. Ayoko lang s'yang makitang nasasaktan dahil sa'kin.

"Uy!! Si Prinsipe Jhay, tara!"  Ayan na! Hinahabol na nila ako. Mabilis akong naglakad papasok ng Gym at pagdating ko doon ay marami na agad ang mga tao siguro dahil ata sa practice nila ng sayaw.

"OMG!! Bakit s'ya nandito?"

"Uy wait, mag rere-touch lang ako!"

Kinuha ko ang microphone mula sa babae na mukhang choreographer ng mga nag sasayaw. Halata sa mukha n'ya na namula s'ya but who cares?

"If you guys think that me and Acee Furukawa are dating, well.. that is not true." Nanlaki ng bahagya ang kanilang mga mata, ngumiti at nag tinginan sila. 

"Sinasabi 'ko na nga ba hindi totoo 'yun, eh! Hihi!"

"Pero.." muli silang natahimik at binaling ang kanilang atensyon sa akin. "Inaamin 'kong nakatira nga ako sa bahay n'ya for just one week." Napatakip ng mga bibig ang iba sa kanila. "Pero isang linggo lang naman yun kaya please.. 'wag n'yo na s'yang saktan lalo na kung dahil sa'kin. If you love me, do whatever I want you to do." Bahagya akong ngumiti sa harapan nila. Tumalon sila at mukhang pinipigilang tumili.

Binalik ko na ang microphone doon sa babaeng choreographer na ngayon ay nag niningning ang mga mata habang tinititigan ako. Umalis na ako sa loob ng Gym at muling bumalik sa klase namin. Sobrang tirik ng araw sa labas ng classroom..mabuti pa sa loob ng klase -- merong aircon.

Pag pasok 'ko sa loob ng classroom, bumungad kaagad ang mga tropa 'ko. Mukhang wala pa naman ang professor. 

Si Ken na ngayon ay kumukuha ng mga litrato doon sa mga models na babae sa loob ng klase na  mukhang gustong gusto naman.

Si Steven na nakikipag daldalan lang doon sa medyo nerdy naming kaklase. S'ya kasi ang nagtuturo kay Steven na mag salita ng diretsyo sa tagalog.

Si Matty... tsk! Itinatanong pa ba 'yan? Malamang kumakain pa din ng burger. Pero ngayon, maniwala kayo o sa hindi.. may coke na!

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora