Chapter 60 - Pretending No More?

137K 4.5K 1.2K
                                    

Thank you for 1M reads! Enjoy reading!

Clarize's POV

It's been four months since pumunta si Acee ng US. Siguro 2 months na akong walang balita sa kaniya. Busy na din kasi kami ni Aaron sa studies namin since we're in college na. Pero syempre sa Handford pa din kami nag aaral. Taray no? Elem-College yung school. Haha!

Akalain mo yun? Magiging close kami ni Aaron ng ganito, as in super close. Na minsan sa kanila na ako tumitira hahaha keme! Pero oo, minsan natutulog ako sa kanila.

Si Mark ayon, masaya na sa buhay niya. Kasama niya na si Jaime. Balita ko, nagl-lived in na ata sila. So? Paki ko? Hahaha di siya kawalan

At dahil walang pasok ngayon, nandito ako sa mall. Ako lang mag isa. Okay lang, sanay naman na akong mag isa.

May gagawin daw kasi si Aaron ngayon kaya di niya ako masasamahan. So sad haha :(

Pumasok ako sa National Bookstore para tumingin ng mga libro. Habang tinitignan ang bawat isa sa mga libro, may pumukaw sa mga mata ko na Magazine. Napa double look ako at napatitig dito.

Nilapit ko yung mga mata ko para mas lalo ko pang marecognize yung pagmumukha nung babae. At hindi nga ako nagkakamali!

Si Acee nga 'tong babaeng to! Kinuha ko yung magazine at dumiretsyo sa cashier atsaka binayaran.

Lumabas na ako sa national bookstore at pumunta sa starbucks. Syempre nag order ako, kakahiya naman kung nakiupo lang ako haha!

Inilapag ko yung magazine sa table at tinitigan na naman yung pagmumukha ng babae. Ang engot ko, may nakalagay pala na pangalan ni Acee sa cover, titig na titig pa ako kanina sa mukha niya jusmiyo

Binuklat ko na yung magazine. Nabasa ko pa dito yung mga information about kay Acee. Nakasulat din ang karanasan niya sa bully at ang pagiging nerd niya.

Tapos ngayon, she is the cover girl of this famous magazine. Ang sarap lang ipamukha at ingudngod kay Jhay 'tong magazine. Haha! Charot, sa totoo lang naaawa ako kay Jhay. Feeling ko-- ay hindi pala. Sigurado ako may gusto siyang sabihin kay Acee na importante, ang kaso wala na. Pumunta na ng US si Acee.

Kung hindi ka naman shunga diba? Pwede namang mag send ng gmail o kaya naman message sa facebook. Ang dami daming ways. Pero malay niyo nag send na siya, di ko lang alam.

Hindi ko na tinapos yung pagbabasa ng magazine. Sumakay na ako ng jeep papunta kela Aaron, sayang pera ko kapag sa taxi ako sumakay.

Bumaba ako sa kanto at naglakad ng mabilis sa bahay nila Aaron atsaka pumasok. Kilala na ako dito kaya pwede na daw ako pumasok ng walang paalam. Parang bahay ko na din daw to. Lol, feeling girlfriend. Ew hahah

"Look what i've found!--" Sigaw ko nang makapasok ako sa kwarto niya. Pero nanlaki mata ko nang makita ko siyang nag bibihis, mabilis kong sinara ang pinto at napahawak nalang sa noo ko. Nagbuntong hininga ako.

Hays. Kahit kailan talaga Clarize! Mabuti nalang tapos na siyang mag bihis sa pang ibaba. Jusmiyo, kinabahan ako dun ah.

Bigla bigla nalang bumukas yung pinto na pinagsasandalan ko, kaya muntik na akong mapahiga sa sahig kaya napapikit ako. Mabuti nalang nasalo ako ni Aaron-- teka? Nasalo ako ni Aaron!?

Dumilat ako at tumingin sa mga mata niya kung saan nakatitig din sakin.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko huminto ang oras nang magkatinginan kami sa mga mata. Tae, ano ba 'to!?

Umayos na ako ng pagkakatayo "Bakit di mo naman sinabing bubuksan mo yung pinto?!" Tanong ko

"Malay ko bang nadiyan ka!" Sabi niya at naglakad pababa ng hagdan. Sumunod naman ako sa kaniya.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon