Chapter 11 - She Failed

121K 3.8K 255
                                    

Acee's POV

SA WAKAS! Uwian na!

Naglakad na kami nila Aaron at Clarize papalabas ng school.  "Uh, guys! Hindi ako makakasabay sa inyo ngayon, may bibilhin pa kasi ako." Pag papaalam ni Clarize.

"Ah, sige." Sabi ko. "Ingat ka, gabi na!" Habang kami ay nag lalakad sa Hallway, nagulat ako nang may biglang .. humatak sa braso 'ko. 

Inangat ko ang ulo 'ko upang makita kung sino ang epal na lalaking humablot sa'kin. Pero mas nagulat ako nang makita kung sino iyon.

Si Jhay.

Shocks, baka nalaman na n'ya kaya s'ya na andito! Sobrang kinabahan akooooo!

DUG

DUG

DUG

DUG

"Mag usap nga tayo." Pagalit n'yang sabi habang tinitignan ako sa mata.

"Bro! 'Wag mo namang masyado higpitan ang pag hawak sa balikat ng bestfriend 'ko." Nabigla ako sa sinabi ni Aaron..

Bestfriend? Matalik na kaibigan? Minsan lang ako magkaroon ng bestfriend na lalaki. Hahaha charot!

"Wala kang pakialam. Girlfriend ko s'ya.Bahagyang nanlaki ang mga mata 'ko dahil sa sinabi n'ya... O.M.G! 

Girlfiend ko s'ya.

Girlfriend ko s'ya.

Girlfriend ko s'ya.

>////////< Kinilig ako ng sobra doon, ah? Pero syempre, hindi ko ipinahalata. Nagulat din si Aaron. "A-ano?" Pero hindi na n'ya sinagot yun dahil bigla akong hinatak ni Jhay papalabas ng Campus.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Tuloy-tuloy pa rin s'ya sa pag lalakad. "Ano ba! Nasasaktan ako, Jhay!" Nang nakarating na kami sa bahay, tinanggal na n'ya ang mahigpit n'yang hawak sa balikat 'ko at muntik pa akong matumba dahil sa lakas ng pwersa. 

"Ano 'to?!" Nabigla ako nang may inilabas s'yang litrato na naglalakad kami papunta ng school. "Hindi ba't sinabi 'ko naman sa'yo na 'wag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol dito?"

Eto na nga ba ang sinasabi 'ko. Lumakas na naman tibok ng puso 'ko, kinakabahan ako at nahihiya. Yumuko nalang ako dahil hindi 'ko kayang tumingin ng diretsyo sa kan'ya. 'Cuz I think I failed him.

"Bakit mo pa pinag sigawan?" Hindi n'ya naman ako masyadong tinataasan ng boses. "..at talagang  sa Canteen pa! Paguusap na naman ako sa Campus ne 'to! Alam mo namang ayaw ko 'non diba?! Ayokong pinaguusapan ako at lalong lalo na ayokong pinag uusapan 'ka." Kumalma ang boses n'ya sa bandang dulo.

Hindi 'ko alam kung anong ir-react 'ko sa sinabi n'yang yun. Nakakalokaaa!!! 

"H-hindi ko naman si-sinasadya, eh." Mahinang sagot ko. Feel 'ko babagsak ang luha 'ko lalo na't nakayuko ako. Ayoko talaga nang pinag sasabihan ako, eh. Naiiyak talaga ako kasi I think I'm so stupid at palagi nalang akong mali.

"Bakit ba napaka clumsy mo, ha?! Pati bunganga mo, ang clumsy din. Sagutin mo nga!" Ayokong sagutin yun, ayokong mag salita dahil naiiyak na ako.

"Dapat kasi hindi na ako dito pumunta! Dapat nag paiwan nalang ako sa bahay! Ayoko dito! Ayaw kitang makasama sa iisang bahay!"

Sabihin mong na- carried away ka lang, Jhay! Please.. dahil nahihiya na ako sa sarili 'ko sa mga oras na 'to. 

"E-edi umalis ka! H-hindi naman kita kailangan d-dito, eh." Mahinang mahina 'kong sabi dahil nahihiya ako.

Hindi ko namalayan, bumagsak na pala ang mga luha sa pisngi ko. Hindi sila humihinto, tuloy-tuloy lang silang dumadaloy. Ayokong mapansin ni Jhay na umiiyak ako! Tahimik lang akong umiiyak dito, sana hindi ako humikbi! Ayokong marinig ni Jhay iyon.

Pero hindi 'ko na napigilan, napa hikbi na ako sa iyak. Ano ba naman yan? Tumalikod ako at pinunasan ang mga mata ko pero.. nabigla naman ako nang hatakin ako ni Jhay paharap at.. niyakap ako.

Feel 'ko nararamdaman ni Jhay ngayon ang lakas ng tibok ng puso 'ko sa dibdib n'ya. "Tumahan ka na.." Umagos ang mga luha mula sa mga mata 'ko. Ngayon 'ko nalang ilalabas ang mga 'to, ngayon 'ko nalang ilalabas lahat ng sama ng loob 'ko sa lahat ng pang aapi nila sa'kin. Napaka hirap ma-bully... tulungan n'yo naman ako...

"Bakit ka ba umiiyak? Tahan na!" Hindi 'ko s'ya sinasagot at sinulit ang mga oras na nakayakap ako sa kan'ya habang ina alala 'ko ang mga ala-alang hindi dapat alalahanin.. feel 'ko ligtas ako tuwing malapit sa akin si Jhay..

Jhay's POV

"Bakit ka ba umiiyak? Tahan na!" Ayoko talagang nakakakita ng mga babaeng umiiyak. Ayoko, as in at lalo na si Acee.. Niyakap ko nalang s'ya upang tumahan na. Feel 'ko ibang dahilan kung bakit s'ya umiiyak.. dahil ramdam 'ko through her cry ang lahat ng sakit na nararamdaman n'ya through her life. 

Maya-maya lang, tumahan na s'ya.

"S-sorry, nabasa 'ko pa ata ang polo mo. Nakakahiya.." Psh, nahiya pa talaga s'ya sa lagay na yan? Haha! Bakit? Dati ba hindi ba s'ya nahihiya?! Natatapunan pa ako nang mga inumin. Tsk! Nasanay na din naman ako.

"Hays, for the first time nahiya ka." She just smirked. 

"Jhay, sorry na please? Hindi 'ko naman kasi talaga sinasadya yung nangyari sa Canteen, eh. Kinikiliti kasi ako ni Aaron.." Sagot n'ya. Aaron pala pangalan nang lalaking yun.

"Naghaharutan pa kasi kayo eh, ayan tuloy." I said to her coldly.

"Psh, hindi naman eh. Pinipilit kasi nila ako na sabihin ang tungkol dito." nakayuko pa din n'yang sabi.

Napabuntong hininga nalang ako.. "..kasi naman yang mga kaibigan mo, eh. Let them know their limitations."

Hindi naman talaga ako galit sa kan'ya, sinasabi ko lang sa kan'ya na 'wag laging maging clumsy. I mean, kasi diba?! Hindi kasi s'ya nag dadahan dahan sa mga pinag gagagawa n'ya at ni hindi n'ya inaalaman ang mga consequences.

"Sorry na kasi.. anyway, anong sinabi mo kanina? Anong girlfriend mo ko?" Nakakunot ang noo 'ko habang nag tatanong. 

Ay, hayooop. Oo nga pala, bakit ko ba yun sinabi? Kasi, wala na akong mapalusot sa mokong na Aaron na yun. "Ayaw mo?"

"Ha ha ha ha -- Ewan ko sa'yo." Panunuya n'yang pag tawa at ine-rapan ako.

"Psh, wala kasi akong mapalusot sa lalaking yun."

"Ah, he he -- Ganon ba?" Pagkatapos n'ya sabihin yun. Naghikab na s'ya. "Tulog na ako ah? Goodnight!" Tumakbo s'ya na patalon talon habang naka ngiti.

Parang kanina lang umiiyak s'ya, ngayon naman masaya s'ya. Minsan hindi 'ko talaga maintindihan ang sira na yun, eh. Napailing nalang ako habang nakangiti. Ewan ko kung bakit ako ngayon nakangiti. Nakakatuwa kasi yung baliw na yun, eh.

Binaba ko na muna ang bag 'ko at kinuha ang camera.

Umakyat na ako at napabaling ang tingin sa kwarto ni Acee, hindi n'ya sinarado ang pintuan ng kwarto n'ya. Balak 'ko sanang isara ito ngunit napansin 'kong hindi din naka patay ang ilaw nito. Tulog na agad s'ya, hindi pa nga s'ya nagbibihis eh. Naka uniform pa. Tinanggal na rin n'ya ang salamin n'ya.

Tumingin ako sa camera na hawak ko..

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora