Chapter 22 - Bully

106K 3.8K 296
                                    

EDITED

Mag isa lang akong naglalakad papunta sa school.

"Hays, ano ba yan wala akong kasama, boset." Bulong ko sa sarili ko.

"Awww, siya lang mag isa, kawawa naman." Sabi ni Aelijah. "Nasaan yung sinasabi mong sayo ha? Nasan si Jhay? Akala ko ba sa inyo siya nakatira?" Sabi niya. Kasama niya ngayon yung mga tropa niyang babae.

"Umali-" Naputol yung sasabihin ko.

"Wala kasing sayo Acee, akin lang si Jhay!" Sambit ulit niya. Legal Wife lang ang peg?

Ngayon ko lang napansin na nagpa kulay pala si Aelijah ng buhok -- kulay red

"Bakit ka nakitingin sa buhok ko? May dumi ba? O baka naman INGGIT ka lang?" Saad niya.

"Tss, hindi ako maiinggit sayo kahit kelan." Bulong ko ulit sa sarili ko

"Anong sabi mo?" Sabay sabunot sa buhok ko.

"Aray! Masakit! " Napa upo ako.

"Ha! Girls, sampalin, tadyakan, sabunutan niyo siya, kahit anong gusto niyong gawin, gawin niyo sa kanya! " Ano? Kelangan ko ng makatakas, ang dami kaya nila! Hindi ko sila kaya.

Mabilis akong gumapang, kayalang naabot pa nila yung bag ko.

"Hep! Hep! Hep! Anong balak mong gawin ha?!" Tatakas malamang.

Sabay sabunot ulit sa buhok ko. Napapikit naman ako, dahil sa sinag ng araw

"Aray!! Tama na!" Hinahawakan ko yung kamay nung sumasabunot sakin.  Bigla naman niya binitawan yung buhok ko.

At tinadyakan ako sa tyan.

"Oww! " Napaluha naman ako, natanggal rin yung salamin ko.

Tinadyakan rin niya yung hita ko! Aruy! Juice ko!

Sinabunutan ulit ako patayo, at sinampal sampal.

Malamang, hindi ko maitayo yung isa kong paa dahil tinadyakan nga ako. Tuloy-tuloy ang pag agos ng mga luha sa pisngi ko.

Kinuha rin nila yung bag ko, 'tas itinapon sa malayo, pero kaya ko pa naman yun kunin.

"Tama na please!" Umiyak lang ako, sobrang sakit.

"Nasan ang taga pag tanggol mo? Wala diba?" Sabi niya habang nakasabunot sakin.

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng mga luha mula sa mata ko.

"Tama na Aelijah." Kilala ko kung kaninong boses yun ah.

"Jhay? Bakit ka andito? "

"Papasok malamang. "

Kinusot ko naman yung mga mata, ang daming luha e. Napansin ko naman na hawak hawak ni Jhay yung bag ko.

"Tara!"

Yumuko siya at kinuha ang salamin ko, sabay hawak sa kamay ko, at saka sabay takbo.

"Oww! Hindi ko matakbo yung isang kong paa! Masakit!" Hindi naman siguro ako bubuhatin ne'to, maarte 'tong lalaking to e.

Nagulat naman ako sa sumunod na ginawa ni Yahj.

Binuhat niya ako, juice colored.

Ohmy.

Ang lakas nang tibok ng puso ko, ano ba naman yan.

Halata rin sa mga mukha nung mga bruhang mga babae, na nagulat rin sila, dahil ang alam namin na hindi niya ako bubuhatin dahil maselan tong si Yahj.

Pakiramdam ko ngayon parang buhat buhat ako ng Super hero.

omg

Nakatitig lang ako sa kanya.

Nang nandito na kami sa school. Akala ko ibibigay na niya yung bag ko, hindi pa pala.

Dumiretso kami sa Clinic.

Ang dami ngang nakatingin samin e, siguro curious sila kung bakit ako buhat buhat ni Yahj, o baka naman.. nagseselos sila. Hahaha!

Naramdaman ko naman na sumakit ulit yung hita ko nung ibinaba ako ni Yahj.

Maharot na hita. Hahahah

Ika ika na akong maglakad. Inalalayan ako ni Yahj na maglakad papunta sa nurse.

"Ano pong maitutulong ko?" Tanong nung nurse.

"Masakit po yung hita niya. "

--

"Kaya mo bang maistrech ang hita mo hija? "

"H-Hindi po. "

"Sige, mamasahihin ko nalang ha? Hindi mo na kailangang uminom ng gamot dahil wala ka namang sakit" Hahahahaha Patawa si nurse masyado jusme

"O'sige po." Sabi ko naman.

Tinignan ko naman si Yahj na naka upo -- gamit gamit yung phone niya.

-

Nang medyo kaya ko nang maglakad, lumabas na kaming dalawa.

Binigay na niya sakin yung bag ko pati yung salamin ko.

"Salamat ah. " Sabi ko kay Yahj

"Wala yun. Sadyang mabait lang talaga ako. "

"Hehe, Yabang mo. "

Ang gentleman man talaga ng crush ko. Hindi niya talaga ako iniwan sa Clinic, kahit nabobored na ata siya.

Binuhat pa niya yung bag at pati salamin ko. At last but not the least, Binuhat pa niya ako.

How gentleman he is? Huh?

Kaya crush na crush ko yun e.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now