Chapter 18 - KISA

112K 3.8K 433
                                    

EDITED

*Recess*

Nandito kami ngayon ni Clarize sa Canteen. Bumili lang ako at saka umupo na din.

Habang kumakain kami, may epal na babae naman ang biglang lumipat sa lamesa namin, at ewan ko kung anong gagawin n'ya. Hindi ko nalang s'ya pinansin at patuloy oa ding kumakain. Napansin kong tinignan s'ya ng masama ni Clarize.

"Hey loser.. who told you na sumabay ka kay Jhay?" Sarap pagkukutusan ng mga 'to, eh.

"Wala kayong karapatan para idikta kung anong mga gagawin 'ko, kasi alam ko kung anong ginagawa ko." Saad 'ko. Oh shocks, bakit lumabas sa bibig 'ko!!!? Supposedly sa isip lang yun, eh.

"Ahh, so sumasagot sagot ka pa ha? Eto sa'yo." Nagulat ako nang sabunutan n'ya ako... at sa harap pa talaga ng maraming tao!

"Aray ko, Aelijah! Nasasaktan ako!" Saad ko habang pinipigilan ko ang pag subunat n'ya sa akin.

"Masakit? Ha! Actually lalakasan 'ko pa nga eh, wait." Mas lalo pa nga n'ya akong hinila upang sabunutan.
"Itigil mo 'to! Maraming nakakakita sa'yo, hindi ka ba nag iisip!?" Shocks, mukhang matatanggal na yung anit ko! Bigat ng kamay ng babaeng'to!

"Hoy babaeng mukhang frog or should I say ''ahas'', tigilan mo yan kung ayaw mong tadyakan kita sa mukha!!??" Pasigaw na sabi ni Clarize.

Actually, mas lalo pa niya akong sinabunutan ng malakas. Napaluhod na ako sa sahig.

"Itigil mo 'to! Maraming nakakakita sa'yo, hindi ka ba nag iisip!?" Sigaw ko sa kalagitnaan ng pangt-torture n'ya sa akin.

"Sampalin mo be" Sabi nung isang kasama nitong hindi ko kilalang epal na babaeng 'to!

"Ahh, sampalin pala ah? Oh eto sampal!" Rinig kong sabi ni Clarize at sinampal n'ya ng malakas yung kasamang babae ni Aelijah. Owwww!

Tinignan ko naman yung babae, may kulay ang buhok n'ya, ang kapal ng lipsticks at nakataas ang mga buhok na mukhang handa sa pag sasabunutan.

Nang nakita 'kong aktong sasampalin na niya ako, syempre, pipikit ako..

Nung pumikit na ako, parang wala naman akong nararamdamang sampal na dumampi sa pisngi ko. o.O?

Dinilat ko yung mga mata ko ng dahan dahan.. Naka yuko ako ah, so unang nakita ako ang paa, Ohhhh, naka rubber shoes siya, parang lalaki 'to, sino kaya 'to? Omh, My saviour!

Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo, nang nasa part palang ako ng tyan niya (syempre dapat intense *slow mo* XD) bigla naman siyang tumakbo.

HAYS! ANO BA YAN BAKIT KASI NAKA SLOW MOTION! HINDI KO TULOY NAKITA YUNG MUKHA NIYA, TYAN LANG NAKITA KO WUALA! HAHA

Hay, pero seriously, sino kaya yung knight in shining armour ko? =3

May kasama palang guard yung KISA (Knight in shining armour) ko, kaya sinama na yung tatlong babaeng hindi ko manlang kilala, sinabunutan ako. ANG OA, Shet lang!

Lumingon ako kay Clarize,

"Bes, nakita mo ba yung mukha nung lalaki?" Tanong ko.

"Oo."

"Omy, ano itsura?!"

"Ano eh. Nakasalamin siya, malaking salamin ah, 'tas kulay brown yung buhok niya, 'tas saradong sarado yung butones niya. Nerd ata yun eh, may pagka wierd sa kanya eh." Explain niya.

"Nerd?! Pero okay lang, niligtas pa rin naman niya ako doon sa mga babaeng yon, staka nerd rin naman ako eh, bagay kami" Aniya ko sabay tawa.

"Hahahaha, tuloy na natin 'tong kinakain natin." Sabi ni Clarize nang sumubo ng kanin.

"Sige, pero grabe, ang sakit talaga nung sabunot sakin nun." Sabay hawak sa bunbunan ko.

"Yaan mo na yun bes, gaganti tayo! Hahaha." Sabi niya habang ngumunguya.

Kala ko pa naman si Jhay na yung KISA ko. Hindi pala, and why am i hoping na siya yung nagligtas sakin, eh, wala ngang pake sakin yun, except dun sa sinabi niya sa gym na huwag na raw akong saktan ng mga babae =3 Hahahaha.

Kilig much?

After 5 minutes, bumalik na kami sa room at nagbasa muna ako ng libro ko, dahil may quiz kami mamaya, kelangan mag review.

---

Comment niyo nga ang naiisip niyong posibleng KISA ni Acee? Hahahaha. Nerd daw eh. HAHA!

(KISA: Knight in shining armour xD) Ang haba kasi eh

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now