Chapter 35 - Hate messages

104K 3.3K 207
                                    

Nakauwi na ako sa bahay at umakyat na agad ako sa kwarto.

Nagpalit na ako ng damit pambahay, mukhang tulog pa si mama ah. Ang tahimik dtio eh.

Sinilip ko si mama sa loob ng kwarto niya. Tama nga ako, nandoon pa nga siya, natutulog. 

8am palang naman kasi eh. Mga puyat mga tao sa bahay. 

'Pano ako nakapasok? Kasi may secret lagayan kami ng susi sa labas, pero may password. Sosyal di ba? Hahahaha!

Sinuot ko na ulit ang salamin ko at nagipit na rin ako, ang init eh. 

Pumasok ako sa loob ng kwarto at humiga muna ako sa kama ko. Kinuha ko yung libro sa tabi ko at binasa. 

Habang nagbabasa ng libro.. naiisip ko yung kanina, natulog ako sa bahay nila Jhay omg. Nakakakilig. Ang swerte ko, ang daming may gustong maka tabi si Jhay sa kama, ako pa.

Bwiset, hindi ko na kinuha yung contact lens sa basurahan, kasi madumi na yun eh, bawal nang ilagay sa mata.

Hay salamat, natapos na rin yung Halloween.

Nakakabored, kinuha ko muna yung laptop ko, binuksan ko yung facebook ko.. Wow, ang daming '''notifications''' ba ang tawag doon?

Ang daming friend requests at new messages. Wow naman, sikat na ako hahaha

Tiningan ko yung mga friend requests muna, puro yung mga babae sa Campus, kilala ko 'tong mga to eh.

Mga may gusto to kay Jhay eh.

Kinorfirm ko na silang lahat, wala naman akong pake eh. Hahaha, inadd rin ako ng mga mean girls sa Campus.

Sunod, tiningnan ko yung messages..

Tae, puro hates.

'Hey you bitch, lumayo layo ka kay Jhay ha. "

'Slut. "

"Pakyu ka, aba may lakas ka pa ng loob na sumakay sa likod ni Jhay?!"

"Malandi kang babae ka. "

At marami pang iba, binasa ko lang yung latest. Kagabi lang sila nag message.

Sunod naman ay tiningnan ko yung notifications, yung una kong nakita is yung... picture namin ni Jhay?! Na buhat buhat ako?! Hala, sino nag picture ne'to?

Paniguradong madami na naman akong haters ne'to.

'Malandi talaga yan.'

'Nagpabuhat pa siya kay Prince Jhay ah.'

'Ang lakas ng loob mo! Pakyu ka!'

'Hoy slut, madami kami, isa ka lang, wala kang kakampi."

Bwiset, ayoko nang basahin ulit yung mga comments.

Sumunod na tiningnan ko is yung mga post nila sa wall ko.

Putek, puro bitch, slut, malandi, lang nakikita ko!

Gusto kong burahin na tong Facebook ko, kaso di ako marunong, kaya wag nalang haha

"Acee! Nakauwi ka na ba? Nandiyan ka ba sa kwar -" Bigla niyang binuksan yung pinto ng kwarto ko. Si mama pala. 

"Yes, ma. Sorry hindi ako naka uwi kagabi ah, napasaya eh, na kela Tita Kacey naman ako." Saad ko.

"Haha oo alam ko na, tinawagan ako ni Jhay." Ang sabi niya, ngumiti lang ako.  "Anong ngini-ngiti mo? Bumangon ka na diyan at mag almusal na tayo!" Haaay eto naaaa

--

Nandito na kaming dalawa ni mama sa lamesa at nag simula nang kumain. 

Naalala ko naman bigla yung pinapasabi sakin ni Tita Kacey.

"Ma, pinapasabi ni Tita Kacey, na aalis daw kayo next day." Saad ko abang kumukuha ng hotdog. 

"Oh, san daw ba kamo pupunta?" Tanong niya habang nag titimpla ng kape

"Hindi ko alam eh, yun lang sabi niya, tawagan mo nalang kaya." 

"Ah sige sige, mamaya ko na tawagan.. By the way, sa pasko, dadating daw si Kuya Nathan mo dito. "

"Talaga ma? Omg, excited na 'ko! "

Si Kuya Nathan, Kuya 'ko. Kapatid ko. Nasa Japan siya ngayon, kasama si Papa. Wala pa siyang girlfriend. Pogi. Matalino. Matangkad. Sikat Haha. 19 years old na siya ngayon. Close ko yun. Ayaw niyang may nananakit sakin, Haha sweet.

"Ako nga rin eh, excited na. Sana nga kasama pati papa mo! "

"Oo ngaaaa.."

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now