Chapter 65 - The Revelation

145K 3.8K 1K
                                    

K I N A U M A G A H A N

Acee's POV

Nasilaw ako sa matinding sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto, haha ano daw? Basta matagal tagal din akong pumikit at yumakap ako sa unan sa tabi ko, since medyo inaantok pa ako.

Nang ma-realize kong hindi pala unan ang niyayakap ko ngayon. Dumilat ako at nakita si Jhay na katabi ko sa kama!! Kaya nanlaki ang mga mata ko at tinanggal ko ang pagyakap sa kaniya!!!

Tinulak ko siya at tinadyakan hanggang sa mahulog siya sa kama. Nagising siya ng bigla siyang nahulog sa sahig, tumayo naman agad siya at mukhang inaantok pa. "Manyak ka! Manyak!!!" Pinagbabato ko sa kaniya yung mga unan ko pero binabalik niya rin naman ito lahat, kaya binabato ko pa rin siya.

"Anong manyak!? Wala akong ginawa sayo no! Feeling 'to. Umusog ka nga, inaantok pa ako e." Umupo siya at aktong hihiga pero pinigilan ko siyang humiga, tinulak ko siya. Bigat niya ha!!

"Meron ka namang sariling kwarto, dun ka na matulog!!! Labas!!" tinutulak ko siya pero hindi ko siya kaya kasi talagang humihiga siya sa kama, ang bigat niya, argh!

"Ayoko pa ngang tumayo eh, hindi pa kumpleto tulog ko." Saad niya habang humihiga at nakapikit

"Sabing labas eh!!!" tinutulak ko pa din siya hanggang ngayon pero hindi talaga siya nagpapatalo, mukhang napuyat kagabi at hindi nakatulog ng maayos

"Tumigil ka nga diyan kundi hahalikan kita" Natahimik naman ako sa sinabi niya sa akin, pero naisip kong hindi niya naman gagawin yun no. He's sensitive, especially for me. Tinaas ko lang yung kilay ko

"Gawin mo nga? Alam ko hindi mo yun kayang gawin. Kaya labas na dito s---" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang dinampi ang malalambot niyang labi sa akin. H-hinalikan niya ako..?

Hindi ko namamalayan na tumatagal pala yung paghahalikan namin at nagtataka ako kung bakit hindi ko ba ito tinatanggal!! Then, habang nangyayari ang mga ito biglang may nag flash sa isip ko pero hindi ko maaninag, sumakit bigla ulo ko at tinanggal ko na ang labi ni Jhay sa labi ko.

"Lumabas ka na." Mahinhin at seryosong sabi ko sabi sa kaniya habang hindi nakatingin sa kaniya, ilang sandali pa ay lumabas na din naman siya.

Lalabas din naman pala, ang dami pang kaek-ekan. Awkward

Ilang sandali ko din iniisip yung mga nangyari kanina. Like, ugh? Nag kiss kami!? Hindi ako makapaniwala, pero nakakapag taka bakit biglang may nag flash sa isip ko na may dalawang taong masaya sa feeling ng isa't isa, pero hindi ko maaninag ang mga mukha nila.

Bumaba na ako sa sala, at nakita kong nag luluto na si Jhay ng tanghalian. Yes, tanghalian, tanghali na kami nagising. Taray naman nitong lalaking 'to, nagluluto.

Kunwari hindi ko siya nakita at dire-diretsyo ako sa cr. Nag hilamos na ako at nag toothbrush, para naman hindi ako bad breathe kapag nakikipag talo no, hahaha! 'Pag ka labas ko ng CR, dumiretsyo na ako sa sofa at binuksan ang TV.

Ugh, ayoko ng palabas. The Maze Runner. Eventho, well sabi nila maganda daw, kaso tinatamad akong manood ngayon e, trip kong manood ng Anime, ililipat ko na sana yung channel kaso biglang may umepal sa likod ko.

"'Wag mong lilipat!! Favorite ko yan!" Dali dali siyang naglakad habang nakatuon ang mga mata sa TV. Kumunot naman bigla ang noo ko

"Ayoko, manonood ako ng Anime!" Aktong pipindutin ko na ang button ng remote upang lumipat ang channel kaso aktong aagawin niya ang remote kaya hindi ko ito maituloy pindutin "Ano ba! Bitawan mo nga yung remote! Baka masira!" Saad ko

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Onde histórias criam vida. Descubra agora