Chapter 1 - Who?

265K 6K 679
                                    

Acee's POV

Magkakilala ba talaga sila? bakit kaya? baka naman naging sila dati? 'Wag naman po please, maawa kayo sa'kin.

"Acee, aalis na kami!" Narinig ko si mama mula sa sala, aalis na pala sila. "'Dito ka lang ah!"  Agad ako tumakbo pababa ng hagdan at nakita 'kong naguusap sila. Huminto muna ako saglit at nagtago upang pakinggan ang pinaguusapan nila. Hihi, hindi naman ako ganon ka-chismosa. Shh.

"Ay, oo nga pala mars.." Nakita 'kong kinuha ni Tita Kacey ang phone n'ya mula sa bag n'ya. "..tumawag sa akin ang bunso ko. Sabi n'ya sa'kin, aalis muna siya ng ilang araw." Isa lang ang kilala kong anak ni Tita Kacey, at si Jaypee iyon. S'ya lang kasi yung naaalala kong palaging kasama ni Tita tuwing bumibisita sa'min kapag may okasyon. 

"Ah, si Jaypee ba? 'Pano 'yan? Walang kasama yung panganay mong anak doon sa bahay n'yo." I think she's referring to the other child of Tita Kacey.. at hindi ko pa s'ya nakikita sa 20 years 'kong nag e-exist sa mundong ito... sino ba yun? 

"Oo nga mars, eh." Napakamot s'ya ng ulo. "Tinawagan ko s'ya kanina. Sinabi ko sa kan'yang, dito na muna s'ya. Pwede naman di 'ba?" Napalunok ako ng sarili 'kong laway sa narinig ko.. ano daw?! D-dito m-muna s'ya? "Tsaka wala rin namang kasama dito si Acee." napa singhap ako.

"Ah, oo naman! Pwedeng pwede." bahagyang tumawa si Mama. "Para naman hindi sila ma-bored, di 'ba? May tiwala naman ako dyan sa anak mo no? Haha!" At pinalo n'ya pa ng mahina sa balikat si Tita Kacey. Kinabahan ako bigla, pinapaagaw na ba ako ni Mama?!

"O'sige, tawagan ko na muna s'ya ah!" Nagpipindot na s'ya sa doon sa phone n'ya. "..sasabihin ko lang na pumunta na s'ya dito agad." Nakangiting paalam n'ya kay Mama at inilagay na sa tenga n'ya ang phone. Nagulat ako nang biglang lumingon si Tita Kacey sa  direksyon ko. "Um, hija.." muli n'yang ibinaba ang phone n'ya. "..pwede bang.. dito muna ang anak 'ko?" Ngumiti s'ya na parang nagmamakaawa na din. "Kasi, wala rin s'yang kasama sa bahay ngayon, eh. Promise, hindi ka naman magsisisi." bahagya silang tumawa. Hmm?

"Ah.." I sarcastically smiled.. naalala kong binigyan ako ng regalo ni Tita Kacey.. ang sama ko naman ata kung hindi 'ko pag bigyang ang gusto n'yang gawin. "..O-okay po! Okay na okay lang sa'kin, p-para may makausap naman ako." Tumalon sila ng bahagya dahil sa galak siguro? Ibang klase din 'tong mga mama namin ng kung sino man ang anak ni Tita Kacey, haha!

"O'sige hija, ah!" Muli n'yang inilagay ang phone n'ya sa kan'yang tenga at tatawagan na ata niya ang anak niya. Lumabas na din ako mula sa kinatataguan 'ko kanina, nakita na din naman nila ako, eh! Umupo nalang ako sa sofa habang pinapanood sila.

Sino kaya yun? Lalaki o babae kaya s'ya? Mamaya ko na siguro tanungin si Tita pagkatapos n'yang kausapin ang anak n'ya sa phone. Hindi na ako mapakali dito sa kinauupuan 'ko kakaisip kung anong gagawin ko kapag nandito na s'ya.

"O-oo, baka bukas pa kami makabalik.." napansin 'kong tinaasan n'ya ng kilay si Mama habang nakangiting kinakausap sa telepono ang anak n'ya. Mga baliw ata 'tong sila Mama! "..pumunta ka na dito at kailangan na naming umalis ng amiga ko.. sige sige.. babush!" Ibinaba na n'ya ang phone n'ya at ngumiti muli nang binalingan kami ng tingin. 

Ay, bukas pa pala sila babalik? Kailangan ko talaga ng kausap.. pero paano? I'm such an introvert. I prefer to be alone though.. 

"Sige, hija. Alis na kami ah! Papunta na din s'ya dito maya-maya." Kaya naman naming magisa lang sa bahay eh. Bakit kayo ganyan sa amin! 

"Sige po. Ingat po kayo!" Magalang 'kong paalam sa kanilang dalawa nang palabas na sila mula sa gate namin. Tinitignan ko lang sila hanggang sa makaalis na yung sasakyang sinakyan nila.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now