Chapter 66 - Jhaycee or Aceriel?

110K 3K 585
                                    

Sorry guys sa tagal ng update, busy kasi ako sa ministry hehe.

Acee's POV

Habang nakikipag halikan kay Jhay, may biglang nag vibrate sa bulsa ko.

Si Gabriel.

Shocks.

Tinigil ko muna yung paghahalikan namin "Wait, i'll just answer the call." Tumayo ako mula sa kama at sinagot ang tawag ni Gabriel.

"Where are you?" Tanong niya, kumunot ang noo ko at inisip kung ano ba sched ko ngayon. Oo nga pala, may date kami ngayon!!

"Oh--yes.. Im on my way, it's traffic!" sabi ko. Argh, ano ba gagawin ko? Kinuha ko nalang yung bag ko sa kama at nagpaalam kay Jhay "Jhay, may kailangan lang akong puntahan. Magpahinga ka lang diyan." lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse.

Pag pasok ko sa kotse napaisip ako.. bakit parang ang sama ko... parang iniisip ko lang kalagayan ko? Lord, bigyan mo naman ako kasagutan kung ano ang gagawin ko.. Nagsimula na akong mag drive papunta sa A's Restaurant

Huminto ako sa parking lot ng mga kotse at nakita si Gabriel na naghihintay habang nakatuon ang sarili sa phone niya.

Isang oras na ata akong late. Alam ko naman kasi yung feeling nang nag hihintay at nagiisa, masakit. At ayoko namang gawin yun kay Gab. Pumasok na ako ng A's Restaurant, dahan dahan lang ako naglakad papunta sa kaniya habang inaangat niya ang ulo niya at nakangiti nang makita ako. Ngumiti na din ako, pero hindi kita yung ngipin.

Umupo na ako sa harap niya "Sorry, i'm late, there was just emergency on the road while i'm on my way here.." saad ko. "Did you order already?" Tanong ko kaagad, baka kasi kung saan pa mapunta yung usapan.

"Don't let me be a fool, Acee. I'm not stupid enough not to notice what you're doing." Hindi ko na alam kung saan titingin. Sasabihin ko naman talaga yung tungkol dito pero hindi pa ngayon.. "Just tell me the truth." Seryoso niyang sabi sa akin habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"W-what do you mean?" Nagpanggap nalang ako na hindi ko alam ang mga sinasabi niya. Alam kong masasaktan siya 'pag sinabi ko.... pero baka mas masaktan siya kapag hindi ko pa sinabi kaagad.

"I know it's not true that there's an emergency on the road... why don't you just tell me the truth?" Saad niya..

Kung gusto niya talagang sabihin ko.. sasabihin ko.. ng tagalog. Hindi ko ata kayang sabihin ng english. Kung tagalog, hindi niya maiintindihan atleast sinabi ko, diba? hehe.

"Ganito kasi yan.." Huminga muna ako ng malalim "Mayroon akong amnesia. Hindi ko naalala lahat except sa family ko. Hindi ko naalala mga kaibigan ko, maski yung boyfriend ko noon, na kasama ko sa nangyaring aksidenteng yun. Pero ang masaklap, yung boyfriend ko ay yung tinuring kong first love nung highschool at heartthrob sa campus. Si Jhay. Kaya ako na-late kasi kanina lang bumalik lahat ng ala-ala ko. Iniisip ko kung paano ka? Paano yung panliligaw mo sa akin? Paano yung pag tulong mo sa akin sa lahat ng oras na kailangan ko ng tulong o ng karamay.. Ayaw kitang paasahin o kaya naman lokohin. Hindi ko sinasadya lahat ng nangyaring 'to. Pinilit kong mahalin ka, pero ibang tao pa rin ang tinitibok ng puso ko at hindi ikaw yun." Hiningal ako sa bilis ba naman ng pananalita ko. "You happy? I said it." Saad ko. Ano ba naman 'tong ginagawa ko.

"I need to apologize for not telling that i can understand Tagalog. I understand everything you said.." ngumiti siya pero kaunti lang, at yung hindi kita ang ngipin. Ngumiti siya pero kita sa mga mata yung sakit e. "It's funny 'cause maybe that's the purpose for not telling that i can understand Tagalog language"

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now