Chapter 4 - Childhood Friends

152K 4.2K 161
                                    

Binilisan 'ko ang pag lalakad.. grabe pala, ang bilis n'yang mag lakad ha! Ang hahaba kasi ng mga legs, eh!

Hinawakan 'ko na s'ya sa kanang braso at aktong ihaharap sa'kin kaso bigla s'yang nag salita. "'Wag kang maingay, baka may makarinig pa sa'yo,"

"So?" Tinaasan 'ko s'ya ng kilay. 

"So then, if someone heared us that I lived in your house, baka ano... ah basta! Ayaw 'kong pag usapan ako sa school na nakatira ako sa inyo for one week." Ang arti naman ne 'to! Huhuhu. Kinakahiya n'ya ako!

"So?" Medyo humina na yung pag tataray 'ko sa kan'ya. Sabagay, baka malaman nga yun nang mga bruhildang mga babae doon at baka ma-bully na naman ako.

"Ano ba? Puro ka 'so?'! Tumahimik ka na nga dyan at pwede ba favor?" Aba, pinapatahimik mo 'ko pero humihingi ka sa'kin ng favor. Kapal din ng apog mo eh no? Hays. 

"Yes, ano yuuuun?" With matching puppy eyes. "Sige, gagawin 'ko lahat ng favor mo sa'kin!"

"Lumayo ka sakin ng.. kahit atleast one meter." halos madurog ata ang puso 'ko sa narinig 'ko.. 

"At bakit naman?" kumunot ang noo 'ko ng bahagya at medyo napalakas ang pananalita 'ko. Oops sorry, na carried away lang. 

"Sabi nang- 'wag kang maingay, eh! Kasi nga, baka may makakita sa atin na magkasabay tayo." Hindi s'ya nakatingin sa akin habang sinasabi ang mga iyon at nag patuloy na sa pag lalakad.

Sumunod pa din ako sa paglalakad n'ya. "Eh? Ayok- Hmmmm!" Naputol ang sasabihin 'ko nang huminto si Jhay at inilagay ang kamay n'ya sa aking bibig. 

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Ang puso 'ko! Tasukete, Jhay wa abunai! Watashiwa shini sou! Lumalakas na naman tibok ng puso ko! What am I going to doooo?!

Tasukete = HELP

Abunai = Dangerous
Shini sou = Seems like im going to die. 

Tinanggal ko naman agad ang kamay n'ya sa bibig 'ko. Well, gusto 'ko pa sana i-stay ang kamay n'ya sa bibig 'ko, ang bango kasi eh. Kaso.. hindi ko na din kaya! Huhuhu baka mahimatay na ako dito.

"Ano ba naman kasi eh? Oo na, oo na! Lalayo na 'ko mula sa'yo!" Nakakunot ang aking noo habang naka pout. Akala mo naman cute ka, Acee? Hindi maaawa sa'yo yan!

"Good." Huminto ako sa paglalakad at hinayaang makalayo si Jhay. Nang medyo malayo na s'ya, nagsimula na ulit akong maglakad. Huminga nalang ng malalim. 

~~~~~~~~~

Nag ring na ang bell, ibig sabihin lunch time na. Isa sa favorite na subjects nila Clarize ito!

Lumabas na 'ko mula sa classroom namin kasama sila Clarize at Aelijah. Bumili na muna kami ng pagkain at umupo na sa isang natitirang lamesa sa gilid sa tabi ng mga basurahan. 

Habang kami'y kumakain, naalala ko bigla yung chat namin ni Jhay last night.

"Um, Aelijah." pagsisimula 'ko ng usapan namin.

"Yeah?" Tumingala s'ya sa'kin at sumubo ng salad.

"Natanong ko na kay Jhay yung pinapatanong mo." nakangiti kong saad sa kan'ya at halos lumaki ang mga mata n'ya dahil sa excitement. 

"Oh, what did he say?" excited at nakangiti n'ya ding tanong sa'kin. 

"Sabi n'ya.. he knew you." sabi 'ko habang bakas sa bibig ko ang nanunuyang pag ngiti 'ko sa kan'ya. 

"Oh, hihihi! Ganon ba? Sabi 'ko na nga ba." Nagblush s'ya. Nakakainis, ang arti ng babaeng 'to ah? Hahahahaha joke lang, baka magalit sa'kin eh. Wala akong laban.

Napalingon ako kay Clarize na nakakunot ang noo at bakas sa kan'yang mukha na s'ya ay naguguluhan sa sinasabi ni Aelijah. Maski din naman ako.

"Um, c-curious lang ako.. 'Pano na agad kayo nagkakilala? I mean.. hindi ba't transferee ka lang dito?" tanong ni Clarize habang nakakunot ang noo. 

"Oo nga..." Sang-ayon ko naman sa tinanong ni Clarize habang tumatango, binalingan namin ng tingin si Aelijah.

"Oh, yeah yeah! I'm his childhood friend. We're very close to each other before and I have feelings for him until now, girls. Ngayong nakita ko na ulit s'ya, may pagkakataon na naman akong maka usap ulit s'ya." Aniya habang nakapatong ang kan'yang baba sa kamay n'ya.

Parang wala akong masabi,  nahu-hurt talaga ako. Nakakainis, ang daya-daya n'ya! Tama nga s'ya at mas nauna nga s'ya. Mukhang lahat ata ng mga lalaki ay magkakagusto sa kan'ya. Sooobrang layo ng itsura namin sa isa't isa, para kami ang nasa "The hottie and the nottie" na movie at ako yung 'the nottie'.

Pero sa dinami-rami ng mga lalaking nagkakagusto sa kan'ya, mas gusto pa rin n'ya si Jhay. Pero, no! I will not give up! Antayin n'ya lang.

"W-wow. S-so, kailan kayo nagkakilala?" tanong ko.

"Mhmm, my mom and his mom were besties since Highschool." Si Tita Kacey? Well, sino pa nga ba?

"Until now?" Tanong naman ni Claze kay Aelijah.

"Yep, but my mom's always at her work and she's a really busy person. So, she doesn't have free time to hangout with her besties." Oh, so her mom and my mom were also friends, am I right? Isama na natin ang nanay ni Jhay. Huwaaaat?! Ang tatlo naming nanay ay magkakaibigan? Shoocks, what a really small world!

Pero sisiguraduhin 'ko munang kaibigan din ni mama ang mommy ni Aelijah.

"So may kakikila ka bang Andrea Furukawa?!" Yes. I'm half Japanese pero minsan lang ako nagja-japanese language dahil hindi naman ako lumaki sa Japan. Nung 1 year old palang ako,  bumalik na kami dito sa Philippines. Pero naiwan doon si Papa kasi may business s'ya doon hanggang ngayon. 

"Hmm oo, familiar ang name n'ya.. Naririnig 'ko kasi si mama na binabanggit yun sa telepono, s'ya ata ang isang kaibigan ni mama." tumango ako. Napansin 'ko pa na mukhang pinag isipan n'ya pa na sagutin ang tanong 'ko.

"Ooh, so magkakaibigan pala ang mga magulang natin?!" Nagulat 'kong tanong sa kanila.

"Wait, mama mo yung Andrea Furukawa?" nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Aelijah habang nagtatanong.

"Oo." Sagot 'ko at tumango.

"Oy, teka lang naman. Out of place na 'ko, eh. Hindi 'ko talaga maintindihan!" ginulo ni Clarize ang buhok n'ya. "Si Tita Andrea at si Tita Kacey na mama ni Jhay ay magkaibigan? Weh?! Paano mo nalaman?" Singit na tanong ni Clarize sa amin.  

"Eh kasi..." Bawal 'kong sabihin yung nagyari kagabi kung hindi lagot ako kay Jhay nito.

"Kasi..?" Nakataas ang dalawang kilay ni Clarize habang hinihintay akong sumagot.

"Wala naman. Nabanggit lang sa'kin ni Mama at tignan n'yo ang epilyido ni Tita Kasey is Santos. Hindi ba't Santos din si Jhay?" 

"Porket parehas lang sila ng epilyido, mag nanay na?!" Tae naman o. Ayaw n'ya pang maniwala sa'kin. Bawal ko kasing sabihin sa kan'ya yung tungkol sa nangyari kagabi, kasi madaldal 'tong si Clarize. Baka kumalat sa school.

"Basta! Mommy n'ya nga si Tita Kacey! Kulit mo din eh no?" Napa face palm ako dahil sa kan'ya.

Nag ring ulit ang bell.. pasukan na pala. Mabuti nalang tapos na din kaming kumain. Tumayo na kami sa aming kinauupuan at naglakad na pabalik sa klase naming tatlo. 

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now