Chapter 34 - Halloween Part 10

113K 3.3K 538
                                    

Jhay's POV

Hiniga ko si Acee sa likuran ng kotse ko.. "Jhaayy, wuag mho kuong iwuwi swa bwahay... mwaaamoy awko nwi mwader.." Sabi ni Acee na lasing na.

"Haaay, sige na nga.. " Nang makarating na kami sa bahay.. yes, sa bahay namin ko siya dinala, sabi kasi niya, wag ko siyang i-uwi sa kanila eh.

Habang buhat ko si Acee, pumasok na kami sa bahay, tae! Gising pa pala sila mom!

"Sino yang buhat mo Jhay?!" Nang mapalingon ang mommy patungo sa amin. 

"Uh, ma.." Hindi pa tapos ang sasabihin ko nang pinutol niya 'to.

"Girlfriend mo baaaa? Ang ganda naman, bakit siya tulog at amoy.... alak?" Nilapitan niya kami habang tinitignan si Acee na natutulog sa braso ko. 

"Ma, friend ko lang 'to, siya yung anak ni Tita Andrea.. Remember?" 

"Ah.. Siya ba yun? Kay gandang bata." Aniya habang ino-obserbahan ang mukha ni Acee.

"Sige na ma, nangangawit na ako eh, dalhin ko muna siya sa kwarto ko.." Inayos ko ang pagkaka buhat kay Acee at magsisimula pa lamang sanang mag lakad papunta sa kwarto ko..

"Ha? Sa kwarto mo?" Pagkaka saad niya nang nagulat siya sa mga sinambit ko. 

"Yes, is there anywhere else I can lay this woman down?" 

"Ah, sige! Bahala ka. Basta, alalahanin ang limitations Jhay!" Saad niya habang binibigyan ako ng masasamang tingin. 

Dahan-dahan kong inihiga si Acee sa kama ko. Mabuti na lang at hindi masyado makalat dito sa room ko. Kumuha naman ako ng mga bagong damit sa cabinet ko at pumasok sa CR ng kwarto. 

I quickly went outside my CR, and wala namang nag bago. Nakahiga pa rin si Acee sa kama. Napapasingha na lang ako kasi ang baho ng room, amoy alak!

I guess I am not also allowed to take off her clothes, baka bigla pa siyang magising at isiping nire-rape ko s'ya. 

I called mom.

She immediately went to my room, and I asked if.. "Ma, pwede bang ikaw na magpalit ng damit  kay Acee? Sorry, medyo amoy alak pa sa room."

"Sige na, sige. Aba, saan ka ba matutulog?" Tanong niya sa akin habang nag sisimula nang asikasuhin si Acee.

"I still don't know. Ako na bahala doon, ma. Don't worry about me." Saad ko. 

"Fine. Bahala ka!" Kumunot ang noo niya. "Aba, na saan ba ang damit na pampalit ne 'tong si Acee?" Tanong niya habang naghahanap ng damit. 

"Uh, wala ba diyang damit na pang babae?" Tanong ko habang kumukuha ng air freshener. 

"Wala eh, yung akin lang." 

"Sige, yung sa'yo nalang ma." saad ko habang ine-sprayan ang buong kwarto.

"Pumunta ka sa kwarto ko, at pumili ka ng damit doon, yung sa tingin mong kakasya sa kaniya ha. At tigilan mo na yang pag spray mo, ang sakit na sa ilong."

"Ikaw na ma!" Sambit ko at ibinaba ko na din ang air freshener sa side table ng room. Bihira lang ako pumasok sa loob ng kwarto ni mama, at hindi ko masyado pamilyar ang mga gamit doon. 

"Aba, pinapapalitan mo na nga sakin ng damit tong si Acee eh, uutusan mo pa kong kumuha ng damit niya? Tinde mo tol."

Ang lupit ng nanay ko eh 'no? May pa '''tol tol''' pang nalalaman.

"Fine, ako na nga po eh, 'to!" Lumabas na ako ng kwarto at iniwan silang dalawa doon. 

I went straightly to her room and I am now deciding what clothes I will pick for her.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon