XLVI

8 2 0
                                    

CHAPTER 46

Contented

Naconfine si Asher sa ospital nang gabing iyon at buong gabi ko ring sinisi ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. Naging mabuting kaibigan si Asher sa akin at alam kong utang na loob ko rin sa kanya kung nasaan ako ngayon dahil siya ang naging lakas ko sa mga panahong mahina ako.

Buong gabi kong inisip ang mga sinabi niya at hindi niyon nilubayan ang isip ko kahit pa nag umaga na. Dumagdag pa ang media na nagkalat ng nangyari kagabi at napakaraming netizens ang nagreact sa facebook. Sobrang gulo ng utak ko.

"Lex, please kumain ka na. Wala ka nang agahan, o tanghalian. Ayoko namang kargahin ang patay na katawan mo sa morgue." Biro ni Deb sa akin. Hindi ako natawa at hindi ko rin siya tinapunan ng tingin.

Wala akong gana matapos nang nangyari kagabi. Tinawagan ko si Deb upang magpasundo sa ospital at dito niya ako dinala sa bahay niya. Hindi naman na ako nagprotesta dahil masyado akong nanghihina.

"Alex, it's 8 in the evening and you still haven't eaten anything." Miserableng tumabi si Deb sa akin. Sinandal niya ang noo niya sa balikat ko. Parehas kaming nagulat nang tumunog ang doorbell ni Deb.

"I'll pick it up." She smiled at me at tumayo na papunta sa pintuan.

Gusto kong bumisita kay Asher sa ospital ngunit wala pa akong lakas ng loob matapos ng lahat ng sinabi niya sa akin. Mabigat pa rin ang loob ko sa lahat ng rebelasyon kagabi.

"Alex." Madame Josie entered the room. Her empathetic eyes met mine. Agad siyang lumapit sa akin upang maupo sa tabi ko. Niyakap ako ni madame Josie.

"Iha, tumawag ako sa phone mo pero hindi mo sinasagot kagabi pa. Mabuti nalang at sinagot ni Deb ngayon kung hindi ay mababaliw ako kung saan ka hahanapin." Mahinahong sabi nito sa akin at tumingin siya kay Deb.

"Gusto mo bang puntahan si Asher, anak?" my eyes watered again upon hearing his name. Hindi ako sumagot sa kanya. Niyakap niya ako at tumulo ang luha ko.

"Nak, makinig ka sa akin." Hinarap niya ako sa kanya at nagtama ang paningin namin.

"Sometimes we think that we have power to control things that will happen just by avoiding it. Nak, it's not always the case. Minsan kahit iwasan pa natin ang isang bagay na mangyari kung tadhana talaga ang magdidikta na mangyayari iyon ay wala talaga tayong magagawa." I stared at her and she continued.

"No matter how many times you put shield on your heart you just can't stop it from feeling. And no matter how high we put the walls on just to protect the people that matters to us, things will still materialize when it's meant to happen." Hinaplos niya ang pisngi kong natuyuan ng luha. Napapikit ako roon at naramdaman ko ang haplos nang isang ina.

"Anak, alam kong mahal ka ni Asher, pero kung hindi talaga siya ang laman ng puso mo, huwag mong pilitin ang sarili mong alisin kung sino talaga ang nilalaman niyan. Kailangan nating maging totoo para hindi natin pagsisihan ito sa dulo." Tinuro niya ang puso ko. Tinignan ko iyon.

"Thank you, madame." Yumakap ako sa kanya at nag umpisa na naman akong maiyak. People like her is really what I need right now.

"Alam mo, masarap ka palang tawagin na anak. Pwede mo rin akong tawagin na mama kung gusto mo." Mahinhin ang paghalakhak niya at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Sa dinami dami ng napagdaanan ko para naman akong napayakap uli kay Mama.

"Kumain ka na muna, at sasamahan kita kay Asher ngayon din. Alam kong marami kang gustong sabihin sa kanya." Hinagod niya ang likod ko saka siya kumalas sa yakap ko. Tumayo siya at sumunod ako sa kanya palabas ng kuwarto.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now