XII

14 5 1
                                    

CHAPTER 12

Handkerchief

"Tara magsimula na tayo at madali lang naman yung word problems natin eh. Isa isa tayong magsasagot tapos isulat na natin sa manila paper at pag -aralan kung paano natin irereport bukas!" si Asher na ngayon ay naglabas na ng math notebook niya. I can sense his overflowing confidence right now.

Asher is one of the best students of our section. Di na rin mahirap pakisamahan dahil friendly naman ito sa lahat, yun nga lang ay mayaman sila. Madalas man ako bawalan ni Kuya na makisalamuha sa mga kaklase kong mayayaman ay di ko pa rin nagagawa ng 100 percent. Halos lahat kasi ng mga kaklase ko ay mayayaman at may mga business pa sa Maynila.

Tumango naman ako at naglabas na din ng math notebook pati na rin si Devonne. Si Baby ay nakatanga lang saming tatlo kaya naman nagtoka na ako ng numbers na sasagutan.

"Ako na sa number 1, Asher ikaw sa number 2, Baby sa number 3 ka, Devonne ikaw sa 4, ako nalang uli sa number 5." matapos kong sabihin iyon ay siyang pagkakita ko kay Nic at naglalakad na ito palapit sa amin. 

Agad naman akong yumuko upang mag-iwas ng tingin at binalak na sagutan nalang ang word problems. Pero hindi ko talaga mapigilan ang mata ko sa pagtingin sa kanya. The heck!

"Excuse me, Baby, saan ang cr niyo?" sa baritonong boses na tanong ni Nic kay Baby ngunit nasa akin ang mariing titig.

Namangha ako sa boses niyang lalong nakahuhumaling. Ngayon ko lang talaga narinig ang boses niya matapos ang ilang taon. Hindi naman kami nag uusap ni Nic noon eh kaya naman labis na lang ang pagkamangha ko ngayon sa kanya.

Nagkumahog akong magsagot doon na parang napapaso upang di na siya intindihin, agad kong ibinagsak ang mga mata ko sa notebook ko at pinilit na di mag-angat ng tingin. At agad naman ng tumayo si Baby para sabihin kay Nic ang direksyon ng CR.

"Halika, samahan kita!" maligayang sabi nito ngunit agad siyang pinutol ni Nic.

"Hindi na, ako nalang ituro mo nalang kung saan." sagot naman nito. Napaangat ako ng tingin sa kanila pati na rin sina Asher at Devonne sa gilid ko. Napaawang ang bibig nito at halatang napahiya. Agad namang naagaw ni Asher ang atensyon ko.

"Alex, tulungan kita sa number 5 patapos na ako sa number 2 eh." si Asher na ngayon ay hinawakan ang braso ko para mapatingin ako sa kanya. Hinawi ko ang aking buhok at nilagay iyon sa likod ng aking tenga dahil halos makain ko ang ilang hibla sa sobrang pagtatago ng mukha. Tumango ako at ngumiti sa kanya bago napabaling kay Nic na ngayon ay malamig na ang titig sakin.

"Ah-- jan lang yun sa dulo tapos kaliwa ka! Malapit sa kusina yung common bath!" natatarantang sabi ni Baby at agad namang umalis si Nic. Muli ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala na si Nic sa malapit.

Inabala ko ang sarili ko sa pagsasagot ngunit ng makatapos ay nag usap kami ni Asher sa number 5. Pinaliwanag ko sa kanya kung paano ko nakuha yung akin na iba sa sagot niya. Inayos ni Asher ang upo niya at pinagpahinga ang braso nito sa backrest ng sofa nina Baby habang nagpapaliwanag ako sa kanya. Mataman itong nakikinig at saka tinuro ang notebook ko nang nakita niyang may mali sa computation ko. Oh change the signs nga pala after i-transpose!

"Salamat, Baby." si Nic na ikinagulat ko at nasa likod muli ni Baby. Something about his voice.. or mabye his call made me uneasy. Bakit ba kasi Baby ang palayaw niya?!

Napaangat ako ng tingin sa kanya at halos magyelo ako sa mas malamig na tingin nito sakin. Nasulyapan ko ang pagtingin niya sa likod ko kaya napatingin ako agad doon at nakita kong braso ni Asher yun na ngayon ay nagpapaliwanag pa rin kahit di na ako nakikinig. 

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now