IX

18 3 6
                                    

CHAPTER 9

Assignment

Days passed by like a whirlwind that I never thought I would last this long. For the past years, I remained tough and persistent in finishing my studies. Magmula nang mamatay si Papa, naisip ko na wala na akong masasandalan kaya kailangan ko nang mag-ayos sa pag-aaral. True enough, that you'll reap what you sow.

Mahirap man mag-aral mag-isa, nakayanan ko pa din sa kakaunting tulong ng mga kapatid ko. Palagi nilang iniinsist na sila na ang magpapaaral sakin but I used to refuse their offer. Magmula nang mamatay si Papa, kinintal ko na sa utak ko na hindi ako dapat maging pala-asa sa mga kapatid. 

Mahirap maging working student pero mas mahirap makita ang mga kapatid kong naghihirap. Kuya Eric stopped studying when our father died and chose to work to earn for our living. Sabi ni Kuya Eric kaming tatlo nalang daw ang mag-aral at siya na ang bahala samin pero di pumayag sina Kuya Cisco at Kuya Anthony. 

Naghanap rin sila nang kanya kanyang trabaho at sila na ang gumagastos sa sarili nilang pag-aaral kagaya ko. Yun nga lang ay naiwan na kay Kuya Eric ang lahat ng bills sa bahay.

Noong una ay hindi sang-ayon ang mga kapatid ko sa desisyon ko na magtrabaho habang nag-aaral pero kalaunan sa kapipilit ko ay wala na rin silang nagawa. Palagi kong sinasabi na kaya ko nang maging independent.

I am now on my 10th grade at dito sa school ay nagkikita na kaming muli ni Eli. Senior high school na si Eli ngayon kaya naman kahit madami na siyang ginagawa kumpara sa akin ay tinutulungan pa din niya ako. 

I gained friends in junior high but no one can beat Elijah Marielle Fuentes as my bestfriend. Nag enrol lamang si Eli dito sa school last year for her senior high school at ako naman ay nakapag enrol dito years ago dahil sa scholarship na rin.

When I entered highschool, I became more eager to achieve higher grades and have achievements. I really want to prove that I become better each year. After all, education will be my key to sucess. At sa lahat nang bagay na nananakaw, alam kong talino lang ang hindi naaagaw.

I was able to maintain my good grades years ago kahit pa maraming nangyari sa pamilya namin. Doon ko napatunayan na hindi naman talaga ako boplaks. Nalihis lang ng landas noong elementary.

Kung dati ay nagkikita lang kami ni Eli every sunday, ngayon ay araw araw na dahil nagsasabay na kami papasok at minsan naman ay pauwi. Pero dahil busy nga siya madalas ako magpatiuna sa pag-uwi dahil naiiwan siya kasama ang mga groupmates niya sa klase.

Kagaya ngayon, galing ako sa classroom niya pero sabi niya ay mauna na ako dahil may assignments pa raw sila ng groupmates niya kaya nauna na ako. Dumaan muna ako sa canteen at bumili ng pagkain doon bago sana umuwi. Nang makabili na ay naglakad na ako palayo nang marinig ko ang tawag ng mga kaklase ko.

"Alex! Alex! teka lang, wait!" humahangos sa paghabol sakin si Baby. Ang kaklase kong mayaman na mukhang magpapagawa na naman ng assignment sa akin sa World Lit namin.

Agad ko naman siyang nilingon nang marinig ko sya. Her voice sounds like money to my ears. Nakagawian ko na din gumawa nang assignments ng mga kaklase ko dahil pinagkakakitaan ko rin at kapag saturday at sunday naman ay nagduduty ako sa coffee shop na malapit sa school namin bilang isang waitress.

Hindi ko na din malaman kung paano ko pa nagawang pagsabay sabayin ang lahat pero siguro dala na din ng kahirapan kaya naging madali nalang sakin ang maliliit na paraan para makamit ang pangarap. Wala man masyadong gastusin sa school ay nag iipon pa rin ako para sa projects, sa pagdating ko nang senior highschool at college upang di na umasa kay Kuya Eric na namamasukang helper lamang doon sa mga Divinagracia.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now