XXI

11 4 0
                                    

CHAPTER 21

I can't

Ilang sandali akong nakatunganga sa kinatatayuan ko dahil hindi ko maisip kung paanong pumayag si Nic sa gusto ko. Wait? Pumayag naman siguro siya diba kasi kinuha niya yung pagkain? Pero... Sisimulan ko na ang araw araw na pagbuntot sa kanya kinabukasan para makuha ko na agad ang panyo ko. Hanggang hindi ko nakukuha ay hindi ako titigil.

Kumakain na kami ngayon ni Asher sa canteen at nilibre na naman niya ako. Sa ganito lang mapilit si Asher.

"Alex." he called me when he noticed that I am spacing out.

"Uh, Asher?" I tried to sound interested kahit pa lumilipad ang utak ko sa ibang bagay.

"Ayos ka lang?" ngumunguya pa rin siya. He always checks on me.

"Oo naman no!" tumawa pa ako ng bahagya at sumubo uli ng pagkain ko.

"Tulala ka kasi kanina eh, naalala ko yung kahapon. Sorry kung gusto kong malaman kung bakit naabutan kitang umiiyak sa harap ng table nina Nic kahapon." he stopped eating and gave me all his attention.

"W-wala lang iyon. May kasalanan kasi ako kay Nic eh kaya ayun." yumuko ako. Ayokong pinag uusapan namin ito dahil hindi ko nga alam kung kaya na bang sabihin kay Asher iyon. Sana ay tumigil na siya sa pagtatanong.

"Anong kasalanan mo sa kanya?" patuloy niya.

Hinilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko at hinawi ko ang mahabang buhok ko. Pagod ko siyang binalingan.

"Wag na natin pag-usapan muna Asher. Please."

Dahan dahan naman tumango si Asher sa akin at nagpatuloy nalang sa kinakain niya. Hindi na uli siya nagsimula ng usapan dahil nanahimik nalang rin ako sa pagkain. Nang matapos na kaming kumain ay tinanong niya ako kung gusto ko raw ba manood ng laro sa gym. Tapos na raw ang laro ng basketball ng Psychology at AComm. Volleyball naman raw ang maglalaro ngayong ala una. 

Junior at senior muna uli bago ang Psych at AComm. Pumayag naman ako kaya nagpunta kami ulit doon. Magkatabi lamang kami ni Asher pero iba ang hinahanap ng mga mata ko.

Natapos na ang laro ng volleyball ng junior at senior at gumaan naman ang pakiramdam ko. Kaya lang nang mag alas tres ay nag aya na akong umuwi dahil ayaw ko nang manood ng laro ng college. 

Naglalakad na kami sa soccerfield ng nakita ko si Nic na mag isang nakaupo lang sa madadaanan naming bench. Agad na naman akong kinabahan. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa pagkalabog ng puso ko kahit wala naman dapat ikakaba.

Nang malapit na kami sa kinaroroonan ni Nic ay nakipagpalit na ng pwesto si Asher sa akin at nilipat ako sa kabilang gilid. Gulat akong lumingon kay Asher na ngayon ay madilim na ang ekspresyon. Sa huli ay nilagpasan lang namin si Nic pero lumingon ako pabalik sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin pero iniwas din nito ang tingin at tumitig sa kawalan habang nakakunot ang noo nito.

Nang makarating na kami sa hanging bridge ay hinawakan ni Asher ang kamay ko kaya napatitig ako sa kanya.

"Alex, ayokong mag iba ang tingin mo sa akin. Pero gusto ko lang sabihin na nandito lang ako para sayo. Wag ka sana mahiya na magkuwento sakin dahil kaibigan mo ako." tipid itong ngumiti sa akin kahit kunot nang bahagya ang noo niya.

"Salamat Asher kasi lagi kang nariyan para sakin." tumango ako at ngumiti rin sa kanya.

Kinurot niya ang pisngi ko kaya nagtawanan kaming dalawa. Naglakad na ako palayo nang may ngiti sa labi ko. Tumanaw uli ako sa kabilang dulo at nakita ko si Asher na naglalakad na palayo.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt