XXIV

8 4 0
                                    

CHAPTER 24

Alone

Pumasok ako agad sa bahay at hindi ko na alam kung paanong nakapasok ako ng kuwarto nang hindi humahalik kay Kuya Cisco. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at dumapa ako para ibaon ang ulo ko sa kama at tumili ako nang napaka lakas.

Felicity. Today, I made a progress. Nakalapit ako kay Nic! Yes nakalapit ako sa kanya.

I remembered Eli for a while dahil mag iisang linggo na kaming hindi nagkita. After ng opening ng intrams ay di ko na uli siya nakita at hindi naman din kami nakakapag usap. Gusto ko ng magkuwento sa kanya tungkol kay Nic pero hindi ko gagawin iyon dahil ayaw kong masira kaming dalawa. Alam ko kung gaano niya kagusto si Nic at hindi ko wawasakin iyon dahil lang may gusto rin ako kay Nic. Sila naman talaga ang bagay na end-game eh. Sa ngayon akin na lang muna lahat ng kilig.

Mahirap ang sumunod sa mga utos ni Nic dahil nakakailang pero iisipin ko nalang na para lang iyon sa panyo para lumakas ang loob ko. Susulitin ko nalang rin dahil mas masarap siyang pagmasdan sa malapitan.

Kumalabog ang pinto ng kuwarto ko at natigil ako sa katitili at inayos ang sarili ko. Binuksan ko ang pinto at iniluwa noon ang dalawa kong kapatid.

"Anong nangyari sayo at tili ka ng tili jan! Ang pula pula mo!" si Kuya Cisco na galit ang mga mata sa akin!

Agad akong nag isip ng palusot.

"Hindi kuya kasi may lumipad na ipis kanina pero lumabas naman na sa bintana!" halos sumigaw ako sa pagsasabi noon para lang maniwala si Kuya Cisco.

Tumango naman siya sa akin at akmang lalabas na sana pero nagtanong pa ako kaya lumingon siya pabalik sa akin.

"Wala pa po si Kuya Anthony?"

"Nakita mo ba?" pambabara nito sa akin at nagmartsa na palabas ng kuwarto ko.

Anong problema ni Kuya Cisco? Sumalampak ako sa sahig at inilabas ko si Felicity doon sa lalagyan niya at nag strum ako doon. Ngiting ngiti ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Bukas siguradong makikita ko uli si Nic kasi sinabihan naman niya akong championship game na nila bukas. Hindi ko lang sigurado kung sino sino na ang maglalaro bukas dahil napanood ko lang naman ay yung laban nila ng team namin at ng engineering students.

Tumugtog lang ako ng isang kanta at itinabi ko na si Felicity sa gilid ng kama. For the first time in a while I feel like cooking the dinner. Palaging mga kapatid ko ang naghahanda ng dinner pero ngayon sa sobrang saya ko ay parang gusto kong gawin lahat ng gawing bahay. Agad akong lumabas doon at di ko nakita si Kuya Cisco, baka nasa kuwarto niya lang.

Nang tumuntong na ang alas siete ng gabi ay saka lang naka uwi si Kuya Anthony. Malaki ang ngisi na agad napanis nang natanaw akong naghahalo ng adobong baboy sa kusina.

"Asan Kuya mo?" kunot noong tanong niya.

"Sa kwarto niya ata?" nagkibit ako ng balikat saka ko tinikman ang sarsa ng adobo. Konting kulo nalang ayos na ito kaya tinakpan ko muna iyon at lumapit kay Kuya Anthony para humalik sa pisngi niya. Hinandaan ko rin siya ng isang basong may malamig na tubig.

"Ako nalang sa hugasin mamaya, Alex ha. Nahuli ako ng uwi ngayon kasi nagkatuwaan kami doon sa bahay ng kaklase ko." paliwanag niya matapos niyang lagukin ang isang baso ng tubig.

"Sige po, Kuya. Maghahanda na po ako dito. Si Kuya Cisco patawag nalang po." tinalikuran ko na si Kuya Anthony at naghanda na ng mga pinggan sa lamesa at saktong pag alis ni Kuya para magpunta sa kuwarto ay siyang pagpasok ni Kuya Eric na agad kong sinalubong at hinalikan sa pisngi. Ngumisi si Kuya at naupo sa sofa upang maghubad ng sapatos niya.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now