X

14 3 7
                                    

CHAPTER 10

Brothers

Sumalampak ako sa sahig at inabot ang gitara na nasa gilid ng kama ko. Dinama ko ang matigas na kuwerdas niyon at napangiti sa mga bumuhos na alaala. Habang wala si Nic dito sa Soledad ay nag-aral pa akong mabuti na mag gitara at nang mag first year high school ay may tatlong kanta na akong sadyang inaalay para sa kanya.

Ang pagkahilig ko sa musika at pag awit ang naging kasama ko sa paglaki habang wala si Nic sa Soledad. Ang bawat himig ng kanta ay hiniling kong madama niya kahit nasaan man siya, ang bawat salita naman ay hiniling kong madinig ng puso niya.

Kinuha ko ang notebook na kulay purple sa ilalim ng kama ko at binuklat iyon sa pahina kung saan ang unang kanta para sa kanya. Noong una kong sinulatan yun ng kanta para sa kanya ay nangarap din akong ibigay sa kanya yun kasama ang video ko habang tinutugtog ang lahat ng kanta na ide-dedicate ko para sa kanya. Minasdan ko muna ang chords niyon at tinugtog na. Maraming bumuhos na alaala pati ang unang pagkakagusto ko sa kanya noong bata pa lang ako.

"He's always on my mind

from the time I wake up

'til I close my eyes"

Napangiti ako sa mga linya ng kanta na iyon dahil dama ko na bagay na bagay sa nararamdaman ko ito para sa kanya. Naalala ko noong first year high school palang ako ay agad ko siyang naalala sa mga kantang napapakinggan ko sa radyo. Lalo pa noong nakita ko si Nic sa cellphone ni Eli noon. Picture ni Nic yun na nakangiti habang nakataas ang dalawang kamay na parang tuwang tuwa. 

Nakahiga siya sa snow at ngiting ngiti doon. Minasdan kong mabuti iyon at kinabisado ang bawat detalye para sa una at huli kong pagkakakita doon dahil alam kong mahahalata ni Eli kung sakaling hihirit ako na titignan ko pang muli iyon sa susunod na araw. Masayang masaya si Nic sa larawan na yun. Ibang iba sa huling itsura niya noong huling beses ko siyang nakita noong mga bata pa kami.

Na-download raw ni Eli yun sa facebook ni Nic noong nag upload ito ng pictures. Tuwang tuwa si Eli kasi inaccept ni Nic yung friend request niya. Bahagya akong nakaramdam ng hindi maganda dahil sa pity party ko sa loob ng sistema. 

Aminado naman ako na hindi ako kagaya ni Eli na mayroong magarang cellphone para sa iba't ibang pagkakalibangan. Pinilit kong ngumiti kay Eli para malaman niyang sinusuportahan ko siya kahit pa ikasasakit ko yun. At mas lalong pumait ang pakiramdam ko nang ibinalita ni Eli na inaccept raw siya ni Nic sa facebook.

Agad akong nangarap na magkaroon ng isang magarang cellphone ng mga oras na yun, pero para saan? Mas marami akong kailangan at hindi kabilang roon ang pagkakaroon ng magarang cellphone. Baka kapag nakatapos na ako sa pag aaral ay makabili na ako noon. Kailangan ko munang paghirapan ang tagumpay bago ko iyon anihin.

Mapait man ang alala ay napalitan ko iyon ng isang masaya dahil palagi kong inaawit ang kantang ito na narinig ko minsan sa radyo at idine-dedicate ko para sa kanya. Alam ko namang walang pagkakataon na marinig niya iyon kaya naman isusulat ko nalang muna ang lahat ng kanta bago ako magpakilala sa kanya. Sabi ko sa sarili ko noon ay sususbok din akong magpakilala sa kanya isang araw. Ngunit ngayon ay hindi ko alam kung gagawin ko pa ba iyon.

Lumipat ako sa pangalawang kanta at iyon naman ang tinugtog ko sa gitara. Nakangiti akong tinugtog yun at inawit ang chorus part na iyon at pumikit.

"I love you more than you'll ever know

I love you more than you'll ever see"

Sa tinagal tagal ko dito sa Soledad, wala man lang akong nagustuhang iba, may mga nanliligaw at nagpaparamdam naman noon at hanggang ngayon, pero bakit ganoon? Wala talaga at kahit sa malayo lang nakukuntento ako. Kahit di niya ako kilala. Ayos na ako. Sumakit naman ang dibdib ko sa pagkakaalala ng mga nangyari kanina.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now