XXV

11 4 1
                                    

CHAPTER 25

Rich Boyfriends

Tuliro ako na bumalik doon sa loob ng gym at sinulyapan ko pa muli ang bleachers kung saan ang team niya. Nandoon na siya nakaupo at nakatingin lang sa court habang nag sstretching ang mga babae. Nahuli ko pang siniko ni Benji si Nic at may sinabi pero hindi bumaling sa akin si Nic.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas na ako ng gym. Pupunta ako ng canteen. My life should continue. Kahit na tinaboy niya ako kanina, lalapit pa rin ako para makuha ko iyong panyo ko. Hindi ko na muna iintindihin yung pagkakagusto ko sa kanya. 

Sa ginawa niya kanina hindi ko alam kung nabawasan na ba ang pagkakagusto ko sa kanya pero siguro naman kung patuloy niyang ipapakita ang kagaspangan niya ay aayawan ko na rin siya. Puppy love lang naman siya.

Sabi ng mga matatanda, ang puppy love ay natatabunan kapag nakahanap na ng true love. Mahahanap ko rin iyon in time. That way when the true love is there, hindi ko na kailangan maghintay o mangarap pa kay Nic na mapansin ako in a romantic way dahil alam kong malabo pa yun sa imburnal. Isa pa hindi rin naman kami bagay. Rich are for rich only, right!

Diretso lang ang lakad ko at patuloy kong nilulunod ang sarili ko sa mga negatibong isipin para lang tumatag ako. His voice keeps on echoing in my head, but yeah I am still alive. What doesn't kill you makes you stronger.

Iniwan ko doon sa bench sa likod ng gym iyong niluto ko para sa kanya pati ang dalawang energy drink at isang malinis na puting face towel. Nag iwan pa ako ng note doon. Pero ang laman lang naman noon ay apology dahil sa pagdisappoint ko sa kanya. Yun ang sinulat ko dahil gusto kong gawin lahat para gumaan ang loob niya sa akin para lang isauli na niya ang hinihingi ko.

Tapos nung sinabi ko how about my handkerchief ang sagot niya ay 'I don't care.'? How selfish. Tingin ko iba na talaga siya kumpara noon.

Tumayo si Asher nang namataan niya ako. Hinintay niya akong makalapit sa lamesa at saka siya nagsalita.

"Ang tagal mo makabalik, Lex. Lumamig na ang sabaw." nguso niya sa sinigang na hipon. Natakam naman ako. Paborito kong ulam.

My heart suddenly felt warm having Asher after the bitter incident at the back of the gym. I smiled at him.

"Sorry ha, nag CR pa kasi ako, ang daming nagbibihis sa loob kaya natagalan ako." I raised my brow at him as I hold a cute smile on my lips.

He raised his right brow bago nagkamot sa batok niya. Anong makati sa batok niya. Nakailang kamot na 'to ah.

"A-ayos lang naman, nag alala lang ako." nag iwas siya ng tingin pero umupo na rin siya nang nakita na umupo na ako sa upuan.

I am at fault, I should at least make him feel comfortable now. I smiled at him and he smiled back.

"Libre ko na lang ito. Pasensya na pinaghintay pa kita." I offered.

"No, no! Ako bahala dito, Lex. Wag ka mag-alala malaki ang allowance ko kaya kayang kaya ko ito!" umiiling pa siya sa akin dahil nakikita niyang determinado ako.

"No! Ang tagal mo kayang naghintay tapos nilibre mo pa ako ng meryenda kanina. I am poor pero may pera naman ako, Asher. Ano ka ba." natawa ako. ang mga mayayaman talaga, puro gastos nalang ang alam sa buhay.

"Ayos lang talaga, Alex." tumango siya as a signal of finality.

Hindi na ako nakaangal. Bahala ka nga Asher, ang kulit mo. Bibilhan nalang kita ng meryenda mamayang hapon pag uuwi na tayo. Humigop ako ng sabaw. Masarap pa rin naman kahit malamig na.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now