II

37 9 12
                                    

CHAPTER 2

Chocolate Chip Cookies

That particular incident was one of  the many reasons why I don't want him to see me anymore or talk to me. Naalala ko kung pano ako umiwas na makipaglaro sa kanya noong mga bata pa kami dahil sa kahihiyan ko doon. 

Kapag nagsswing ang mga kaklase ko doon sa school playground, talagang nakatanaw lang ako madalas at kung kailan sila matatapos maglaro ay lagi akong nakaabang para ako naman ang sumunod.

Si Nic bilang nakatatanda samin, may mga tumatawag sa kanyang mga kaklase namin na Kuya. But I never called him that way. Pag nagsswing ang mga kaklase ko minsan siya ang nagtutulak sa mga iyon kaya naman masayang masaya ang mga kaklase ko. Oh that kuya figure in him.

Sabi ng mga teachers namin bukod sa matalino talaga si Nic ay matanda na rin ito samin ng ilang taon. If I am not mistaken Grade 3 na dapat sya noong naging kaklase namin sya kaya lang nagkaroon ng problema ang pamilya niya that is why he had to stop regular classes. Na-home schooled raw si Nic before mag Grade 1 kaya daw siguro advanced ang utak nito kumpara sa amin.

Noong nawala ako sa section 1 ay palagi akong gumagawa nang way para makita siya. My young heart could not find anything bad at looking at him from afar.

Madalas ako magpahuli sa paglabas ng classroom kasabay ang mga cleaners of the day pero di naman ako pinuna ng mga kaklase ko. Natutuwa nga sila kasi araw araw ko iyong ginagawa ng walang mintis hindi dahil masipag ako kundi gusto kong magtapon ng basura upang madaanan ang classroom nila Nic. At dahil mapagsamantala ang mga kaklase ko hinahayaan lang nila ako para naman makapagtakbuhan sila sa labas habang ako ang naglilinis ng mga kalat sa classroom.

Dahil ang room ng section 1 ay palaging malapit sa stairs at nasa pinakadulo, doon ako lagi nagdadaan dala ang trash bin ng classroom upang maitapon yun sa segregation area sa baba. May hagdan sa midway pero sinasadya ko talaga dumaan doon sa dulo para madaanan ko yung classroom nila.

Talagang sumusulyap ako para makita kung anong ginagawa nila. Niya.

May times na hindi ko nakikita si Nic dahil nga naaabsent siya or may mga activities sila sa ibang parte ng room. Or worse, nakauwi na siya.

Kaya naman nag wawalis ako after break time upang magtapon ng basura para mapadaan sa harap ng classroom nila at sure na makita siya. Tuwing uwian ay ginagawa ko din yun hanggang sa naging routine ko na hanggang mag grade 4 ako.

Noong nag grade 4 ako naka hiligan ko na ang pag gigitara dahil sa impluwensiya ng mga kapatid ko. Noong una ay palihim kong pinakikialaman ang gitara ni Kuya Eric kapag nasa school siya pero kalaunan nang mahuli niya ako ay imbes pagalitan, tinuruan nalang niya ako. 

That became my usual bonding with my brothers. It's good thing actually dahil pareparehas kaming mahilig sa musika.

Natuto akong patugtugin iyon ng maayos kaya naman nang malaman ni Papa na kumakanta din ako ay agad niya akong dinala sa malapit na parokya at doon pinag-audition para raw makasali sa choir ng simbahan. 

Hindi naman ako tumanggi dahil wala rin naman akong ibang pinagkakaabalahan. Agad akong nakuha sa choir bilang isa sa mga Soprano.

Nagkaroon ako nang mga kaibigan doon dahil sa lunch gathering na pinupuntahan matapos naming magserve sa misa. Doon ko nalaman na sakristan ang kuya ni Nic at talagang aktibo sila sa simbahan. Doon ko rin nakilala si Eli.

"Sino ba kasi ang hindi nagkokontrol ng boses sa inyo ha? Sinabe nang wag pangunahan ang mga nota." sigaw ni RJ na siyang tumutugtog at nagttrain samin bago sumabak sa misa.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now