XLI

6 2 0
                                    

CHAPTER 41

Siblings

"Aray! Ano ba!" napadaing ako dahil may nabunggo ako sa paghatak sa akin ng kung sino. Saka ko lang natanto na si Deb pala iyon kaya tinampal ko ang kamay niya.

"Maaga kaming nagsimula dahil maaga silang nagsipagdating, akala ko hindi ka na dadating!" tatawa tawa nitong sabi sa akin hawak ang baso na may lamang alak. Naka soot siya ng black two piece bikini at nakasabit sa balikat niya ang mesh cover up niya. Hantad na hantad ang morenang balat nito at ang makurbang katawan.

"Lasing ka na agad? Akala ko ba ay ikaw ang host? Bakit inunahan mo pa ang mga bisita mo?" inagaw ko ang baso sa kanya at inilapag ko sa lamesa sa malapit. She wailed at what I did and tried to chase her glass again but I pulled her away from it.

"Malalaki na yang mga yan saka I own this house no, I have the right to be wasted!" tawa siya ng tawa habang sumisigaw sa akin. Natigil kami sa paglalakad dahil pinasadahan niya ang suot ko. Hinatak niya ang neckline niyon upang sumilip sa loob at tinulak ko sya. Agad nag init ang mukha ko sa ginawa niya. Mas lalo siyang natawa.

"Hindi ka naka bikini! Halika nga." Hinatak na naman niya ako kaya nabunggo bunggo na naman ako kung kani-kanino. Hindi ako nakapag protesta dahil useless din makipagtalo sa langong Devonne Claire Cuneta.

"Deb, mga kaklase lang ba natin ang nandito o may iba pa?" tanong ko dahil napansin kong marami akong hindi kilala sa mga nakikita kong tao.

"Well, technically it's our reunion but this party is so open for everyone!" maligayang sabi niya at nang makarating kami sa taas ay pumasok kami sa kuwarto niya. Tinulak niya ako paupo sa kama niya at nagtungo naman siya sa closet niya. Bumalik siya sa akin dala ang tatlong set ng bikini na puro may tag pa.

"Those are unused. Pili ka ng iyo jan di ka bababa ng di mo nasusuot ang isa sa mga iyan!" banta niya sa akin. Tinignan ko ang mga iyon at bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakahalukipkip siya at namumungay ang mata sa akin. The effect of alcohol is washed over her face. The choices she gave me are the printed two piece bikini, one piece blue bikini at ang white two piece bikinis na may mesh cover up din kagaya sa kanya.

"i won't swim, Deb but I'll wear this for you." Umiiling iling kong dinampot iyong puting bikini at pumasok sa walk in closet niya. Sinuot ko iyon sa ilalim ng romper ko at lumabas rin ako.

"Alex, ano yan! Hubarin mo yang romper mo! Mag bikini ka na! Out of place ka sa soot mo! Nakakahiya!" sigaw niya sa akin pero di ko na pinansin iyon at lumabas na ako ng kwarto niya. I won't roam around your house wearing bikini only!

Nang makababa ng hagdan nila ay may kasambahay doon na nag iikot at dala ang mga champagne flutes na may alak na laman. Kumuha ako ng dalawa at mabilis kong nilagok iyon ng magkasunod bago ko naramdaman ang init na humagod sa lalamunan ko. Hindi na bago sa akin ang mga alak pero hindi rin mataas ang tolerance ko sa mga alak. Kumuha ako ng ikatlo at hinawakan ko iyon habang naglalakad papuntang pool.

Maingay ang paligid at mas marami ang mga namamataan ko na hindi ko kilala. Pagpunta ko sa pool ay mas maingay dahil sa videoke na ginagamit ng mga lalaki at babae. Ininom ko uli ang hawak kong alak. Nagkalat ang mga water beds na binili namin kagabi sa pool at nandoon naka sampa sina Baby at Beth. 

Nabigla ako ng makita ko si Carlos na isa sa mga makukulit na kumakanta ng Dancing Queen doon sa gilid ng pool. Sumasayaw sayaw ito na parang siraulo habang kumakanta pa. Mas lumaki na ang katawan nito at mas tumangkad rin kumpara sa pigura nito noon. Pumapalakpak sa kanya sina Baby at Beth na napaliligiran ng ilang mga lalaking kaklase namin na nakikitawa rin. Natigilan ako dahil nakita kong naghalikan si Baby at si Beth! What the hell was that?

The Heartbeats Of Distant MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon