XLII

7 2 0
                                    

CHAPTER 42

Let Go

Alcohol. My breath smelled alcohol.

I woke up early in the morning with a throbbing head. It's still 7 in the morning as what the clock on the side table suggests. Agad kong iginala ang mata ko sa paligid at nakita kong walang tao sa kwarto. Hinawakan ko ang katawan ko at nakita kong nakasuot na ako ng jacket ngayon, it was Nic's jacket last night.

Bakit suot ko ang jacket niya? Ibigsabihin ba ay siya ang nagsoot nito sa akin? Nasapo ko ang noo ko dahil bahagyang sumakit ang ulo ko. Dahan dahan akong bumangon at naupo sa kama. Halos tawagin ko ang lahat ng santo sa sobrang pagpintig ng ulo ko.

Walang tao sa buong kwarto kaya tumayo ako at dumeretso na sa banyo habang papikit pikit pa ang mga mata ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang marinig ko ang lagaslas ng tubig sa loob niyon.

MAY TAO SA LOOB. Pumikit ako at pilit kong inalala ang huling nangyari bago ako nakatulog. Nasampal ko ang noo ko dahil naalala ko ang lahat ng pagkakalat na ginawa ko kagabi sa pool side! Tapos dumating si Nic. Tumakbo ako rito sa kwarto ni Deb nang naka bikini lang upang magbihis pero... sinundan ako ni Nic tapos nagkaroon ng confrontation at anong sabi niya? We're not siblings?

Hindi ko sigurado kung sinabi ba niya iyon o ano pero nasaan si Deb ngayon? Kuwarto niya ito kaya siguro naman ay dito siya natulog sa tabi ko.

Dahan dahan akong pumihit pabalik sa kama upang hagilapin ang phone ko pero hindi ko iyon makita. Agad kong naisip na baka si Deb ang nasa loob ng banyo kaya tinungo ko iyon at binuksan ko na ang pinto. My heartbeat stopped and my jaw dropped with what I saw inside the bathroom. Agad na tumambad sa akin ang bukas na bukas na shower curtain ng banyo ni Deb at nandoon si Nic naliligo. Walang saplot at nakatuko habang nakayuko sa pader. The water is falling happily and freely in his well-sculpted body. I gasped and his stares immediately darted at me.

"Oh my god! Bakit nandito ka pa?!" sigaw ko habang nagtatakip ng mata at mabilis akong tumalikod sa kanya. His naked image is still flashing in my mind kahit na nakapikit na ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang pumatong ang malamig at basang kamay ni Nic ang sa balikat ko. Pwede nang magluto sa mukha ko sa sobrang init nito ngayon!

"Magbibihis lang ako and we'll talk. He whispered and let me go. Ang mga paa ko ay nag unahang makalabas ng banyo. Padabog kong sinara ang banyo at tumakbo ako sa kama at pabagsak akong naupo sa gilid nito. Sapo ko ang dibdib ko at pilit kong hinahabol ang hininga ko. I cannot stop thinking about his naked image. I saw that thing! I saw his member standing proudly so how am I supposed to calm down at that!

Tinakpan ko ang mga mata ko sa kagustuhan na burahin ang imahe ni Nic. Ilang sandali pa ay lumabas siya ng banyo at nagpupunas pa siya ng buhok niya. Agad akong nag iwas ng tingin sa labis na pagkapahiya. He's wearing his jeans now but still topless. Naalala ko na naman agad ang nakita ko sa loob ng banyo minutes ago. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang tumingin sa kanya ng hindi ko naaalala iyon!

Dahan dahang lumubog ang espasyo sa gilid ko at narinig ko siyang nagsalita.

"We have to talk." He said calmly as he wore his shirt.

Pinilit kong huwag isipin ang nakita ko at tumingin ako sa paanan ko bago nagsalita.

"Anong pag-uusapan natin?" I said without glancing at him.

"Let's do that somewhere else. Not here. I have to show you something." He said suggestively. At agad akong napatingin sa kanya. Show me something? Agad ko na namang naalala ang nakita ko kanina. Hindi ko alam kung anong problema ng utak ko at paulit ulit ko iyong naalala at nawawalan ako ng focus ngayon. Pinukpok ko ang ulo ko sa pagkairita.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now