XVIII

10 4 0
                                    

CHAPTER 18

Glance

"Kilig na kilig Eli, ano na naman ang kinukwento mo kay Alex?" si Kuya Anton na nakalapit na pala samin pero nangingiti siya samin ni Eli.

Napailing ako kasi binalingan niya ako na parang nag aantay siya na sumagot ako sa tanong niya. Mas lalong nangamatis ang mukha ni Eli ngayon.

"Ah wala naman p-po, Kuya." maingat na sinabi ni Eli. At hinawi bigla ang buhok sa balikat na parang nainitan bigla. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Wala daw, sus si Nic na naman?" si Kuya Anton uli na seryoso ang mukha.

Eli turned redder this time. Di ko alam kung dahil ba tama si Kuya Anton o sa iba pang dahilan.

"Secret." she said playfully at Kuya Anton. I was shocked when I saw Kuya Anton's irritated face. Ewan ko ba, guwapo naman si Kuya Anton kaya medyo crush ko rin pero talagang mas grabe pag nagseseryoso si Kuya Anton. Parang kamukhang kamukha ni...

"Ah siya nga pala Alex, samahan mo ako sa kumbento sandali. Tawag ka kasi ni Father eh." si Kuya Anton na biglang itunuon sa akin ang buong pansin.

Lumingon ako muli kay Eli at nakitang nagtatanong na ang mga mata niya sa akin.

"Saan kayo pupunta? Ano daw ang pinapakisuyo ni Father?" usyoso ni Eli sa usapan.

"Halika Alex, sunod ka sakin." tinalikuran na kami ni Kuya Anton at di na lumingon sa amin. Humabol naman si Eli sa akin at sumunod pa. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko pero bago pa makapagtanong ay napabaling si Kuya Anton. He looks irritated now.

"Oh Eli, Alex na rin ba ang pangalan mo ngayon?" he asked Eli with so much sarcasm.

Eli flushed beside me and decided to stop walking and she immediately turned her back on us. Then she immediately walked away. I looked at Kuya Anton and he's still looked so irritated.

"Balikan kita, Eli. Wait lang." I shouted but she just raised her hand while walking away.

Mabilis ang lakad ni Kuya Anton kaya nagmadali din ako para makahabol na sa kaniyang mga malalaking yabag.

Nagpunta kami sa kumbento ngunit wala roon si Father. Akmang magtatanong palang ako pero binalingan na ako ni Kuya Anton. Naglakad siya papalapit sa akin at may inabot na isang paper bag sa akin.

"Sayo nalang, Alex." He handed me a pink paper bag and then looked away. Nanatili ang tingin ko doon ngunit nang mapansin ni Kuya Anton na hindi ko iyon kinukuha ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya ang hawakan niyon sa mga daliri ko.

"A-ano pong laman niyan?" I asked hesitantly.

"Wala, necklace lang yan na nabili ko doon sa abroad. Nagbago na isip ko eh. Kaya sa iyo nalang." He swallowed.

Ibig sabihin ay may iba talaga siyang pagbibigyan nito. Gusto ko mang magtanong kung sino ay tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo. Naglakad ako papunta sa wooden table ng kumbento at binuksan ko iyon doon.

Inside the pink paper bag was a small box in black velvet that says Kate Spade on it. I opened the box and I was shocked with what I saw inside of it. The necklace looked so expensive with its white gold lace with a knotted heart pendant.

"Bakit sa akin ibinigay ito? Saka sino talaga ang pagbibigyan niya nito?" I whispered to myself. Binalik ko iyon sa loob ng box at sa loob uli ng paper bag. Naglakad na ako palabas ng kumbento at naabutan ko rin si Eli na nagcecellphone sa patio ngunit hindi na kasing ligaya ng kanina.

The Heartbeats Of Distant MelodiesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum