XXIX

12 3 0
                                    

CHAPTER 29

Worry

"Kuya. Tayo sa kusina. Hayaan mo silang tatlo riyan." si Kuya Anthony na namulsa sa kanyang kulay abong short.

Tinalikuran sila ni kuya Eric at tahimik na nagtungo sa kusina kagaya ng pag aaya ni Kuya Anthony. Sumunod naman ang dalawa. Kinuha ko ang juice doon at nilapag sa lamesita.

"Tulungan na kita, Alex." si Asher na mabilis na tumayo at kinuha ang mga naiwan na baso doon sa lamesa

Hindi na ako nakapag protesta pagkat lumilipad ang isip ko doon sa tatlong kapatid ko na may pinag uusapan sa kusina na hindi ko na naman alam. Bahagyang sumikip ang dibdib ko sa isiping hindi ko alam ang maraming bagay sa mga kapatid ko dahil sila lang lagi ang nagtatanong ng tungkol sa akin. Ni minsan ay hindi ko sila natanong.

"Alex?" ang mababang boses ni Nic ang pumukaw sa akin sa pag iisip. Nilingon ko siya ngunit bago pa ako makapagsalita ay nilagpag na ni Asher ang tatlong baso sa lamesita. umamba itong kukunin ang pitsel sa kamay ko ngunit naunahan siya ni Nic.

"Maupo ka, Alex. Magpahinga ka muna." si Nic uli.

I watched him quietly as he put an orange juice in our glasses. But there is one glass he left empty. Kinuha niya ang dalawang nilagyan niya at binigay sa akin ang isa.

"Tss." Si Asher na busangot ang mukha sa gilid ko kaya nang inabot ko ang juice na galling kay Nic ay inabot ko rin ito kay Asher. Nagulat silang dalawa sa ginawa ko.

Just before I could hold on to the pitcher, ay marahang kinuha ni Nic iyon at sinalinan ang baso na wala pang laman. Matapos salinan ay inabot rin niya sa akin iyon. I looked at him and I saw how his brows are almost connecting sa sobrang pagkunot noon. Nagpigil ako ng ngiti pero nahuli niya iyon kaya napanis naman ang ngiti na pinigilan ko.

Matagal bago lumabas sa kusina ang mga kapatid ko kaya naman halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang lumabas silang magkakasunod. Nasa unahan si Kuya Eric at nakabuntot si Kuya Anthony at Kuya Cisco.

Ganoon pa rin ang bigat ng titig ni Kuya Eric sa aming tatlo pero tuwing napapasulyap siya kay Nic ay napapansin kong mas bumibigat iyon. Lumapit ako sa kanila upang tumulong pero pinaupo nalang nila ako sa harap ng hapag habang naghahanda sila doon ng mga pinggan at kubyertos.

"Sir Nic, kain ho muna tayo rito." si Kuya sa mababa at matigas na boses. Binalingan niya si Asher pero nang nakita ko na nahihirapan siyang ayain iyon dahil siguro hindi niya kilala ay ako na rin ang umaya kay Asher.

"Tara, Asher kain tayo." anyaya ko sa kanya saka nahihiyang lumapit sa hapag. Sumunod si Nic sa likod niya.

Umupo na si Kuya Eric sa kabisera at sa kanan niya ako. Katabi ko naman si Kuya Cisco at Kuya Anthony. Sa harap namin ang dalawang bisita, si Nic sa tapat ko at si Asher sa tapat ni Kuya Cisco.

"Pasensya na ser at ito lang ang makakain dito." magalang na sabi ni Kuya Eric kay Nic na ngayon ay inabot ang kanin na nasa hapag. Parang sanay na sanay na nakikitungo sa mga kagaya naming hindi mayayaman.

"Ayos lang po. Saka huwag na pong Sir. Nasa pamamahay niyo po ako." tumango si Nic at nilapag ang lalagyan ng kanin sa mesa. Kinuha naman ni Kuya Eric iyon at sinandukan ang pinggan ko ng tamang dami lamang.

"Siya nga po pala, salamat sa pagsabi sa mga kapatid ko nang nangyari kay Alex kanina. Paano mo pala sila nakita doon?" si Kuya Eric na matapos magsalita ay tumingin naman kay Asher.

"Kasama ko po ang mga kaibigan ko papasok sana sa engineering building pero tinuro siya ng mga kaibigan ko kaya nilapitan ko sila." sumubo si Nic ng pagkain niya at mataman akong pinagmasdan.

The Heartbeats Of Distant MelodiesOnde histórias criam vida. Descubra agora