XXXV

12 3 0
                                    

CHAPTER 35

Heartbeats

The blazing heat of the sun penetrates my skin and I suddenly regretted how late I am to go home. Suot ko pa rin ang sando ko dahil kahit pinahiram ako kanina ni Nic ng tshirt ay panay ang tanggi dahil una nahihiya ako sa iisipin ng mga kasambahay nila pag nakitang nagpalit ako ng damit. 

Pangalawa, nahihiya din akong makita ako ng Mama niya na suot ang damit niya. At pangatlo ang mga kapatid ko na magtataka kung saan ako nakakuha ng damit na hindi sa akin. Hindi ko alam kung galit ang mga kapatid ko sa akin o kung hinahanap ba nila ako pero alin man doon ay parang wala na akong pakialam.

Ang napag usapan namin ni Nic ay ihahatid niya ako sa bahay upang maligo at magpapalit ako ng mas maayos na damit para sa pupuntahan namin. He still hasn't said anything yet kung saan kami pupunta pero the thought of going somewhere with him really makes my heart race right now. But let me tell you, I declined the offer no matter how much I wanted to go with him.

"Bakit ayaw mong sumama sakin? Saglit lang naman tayo hanggang maayos na ang pakiramdam mo." Patuloy niya akong pinipilit sumama sa kanya kung saan pero isa lang ang isinasagot ko.

"Ayaw ko. Isa pa may kailangan akong asikasuhin." Iniisip ko ang trabaho ko. Wala pa rin akong naiisip na dahilan ng pagreresign ko, pero siguro kailangan kong magpakatotoo nalang. After all maraming aplikante ang shop na kailangan ng physically fit, mabilis rin akong mapapalitan doon at hindi na ako mamomroblema kung papakawalan ba nila ako o hindi.

"Sasamahan kita. Ayaw mo ako samahan eh." He insisted. Tumango na lang ako dahil pagod na akong makipag usap sa kanya habang nagkakagulo ang lahat sa loob ko. Hindi ko alam kung sinong maabutan ko sa bahay pero kung hindi man pumasok sina Kuya Anthony at Kuya Cisco ay alam kong pipigilan nila akong umalis ng bahay. Or puwede ring pagalitan nila ako. Or puwede naman ding magalit din ako sa kanila pabalik para hindi ako mapagalitan.

Yes, that's it. Bakit mo papantayan kung kaya mong higitan?

The car pulled over from where he usually parks it. Bago ko pa mabuksan ang pinto ay napagbuksan na niya ako. He smiled at me but I didn't smile back. I found it hard to smile especially when I cannot calm the storm within me. Siguro kung maayos lang ang lahat ay baka ngumiti na ako pabalik.

"Ang suplada talaga." I heard him chuckle.

Napairap ako sa kawalan habang nagpipigil ng ngisi. Stop playing your old tricks on me, Nic.

"Wait for me here. Wag ka ng umalis rito ha." I said calmly.

"Yes, baby!" nagsalute pa siya sa akin. Napailing nalang ako habang nakangisi. Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako papunta sa bahay.

Nasa malapit palang ako at naririnig ko na ang sigawan nina Kuya Cisco at Kuya Anthony. Hindi galit ang sigawan nila pero halatang nasa magkalayong parte sila ng bahay habang nagtatanungan.

"Ano? Nahanap na ba? Wala pang balita ang mga kaklase ko eh." Boses ni Kuya Anthony iyon. Dahan dahan akong lumapit sa porch at iniwasan kong makalikha ng ingay. Pabalik balik ang lakad ni Kuya Anthony at Kuya Cisco sa sala. Sapo ni Kuya Anthony ang noo niya habang si Kuya Cisco ay panay ang pagmamasid sa kanyang cellphone.

"Hindi na kasi dapat pinilit ni Kuya eh. Nabigla rin iyon si Alex." Si Kuya Cisco.

"Alam mo naman yan si Kuya pagdating kay Alex, talagang minsan sumosobra na. At para iasa niya si Alex kina Lola ang laking suntok sakin non, Cisco! Kung kinakailangan pati ako huminto para hindi na magtrabaho si Alex, gagawin ko. Tangina." Pagalit na hinawi ni Kuya Anthony ang buhok niya at padarag na bumagsak sa high chair.

The Heartbeats Of Distant MelodiesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα