XXXIX

9 2 0
                                    

CHAPTER 39

Miss

Days passed but I haven't called Miss Josie yet. I just kept her calling card. I love to sing but I feel like there are so many things that's hindering me.

Inaayos ko ang mga gamit ko sa lamesa at ipinapasok ko naman sa tote bag ko iyong mga bigay ng mga estyudyante ko pati ng mga co-teacher ko. It's five in the afternoon at handa na akong umuwi. I was startled when I heard the door open.

"Miss Alex?" a tall lean boy came inside the faculty and stood beside me at my cubicle.

"Yes?" I faced him properly and he looked so flushed. Ang dalawang kamay niya ay nakatago sa likod ng braso niya.

"Ha- happy Teacher's Day p-po, Ma'am." He handed me a heart shaped container Ferrero Rocher chocolates with three red roses above. Maingat ko iyong tinanggap.

"Sayo ba galing ito, Alfie?" I smiled at him. Tumango naman siya at yumuko. Parang nahihiya sa akin.

"Ah, ganoon ba? Okay, salamat! Naappreciate ko." tumango tango ako sa kanya at ngumiti. Tumalikod na siya at mabilis na umalis. Pero ilang sandali ay bumalik siya at humahangos.

"Ma'am, nalimutan ko po ito." Inilahad niya sa akin ang papel na kulay purple. Maingat ko iyong inabot galing sa kanya at umalis na siya ulit.

Binuksan ko ang papel na nakatiklop at bumungad sa akin ang mensahe niyon.

Happy Teacher's Day. Can we talk after your shift? I'll wait for you outside. – Franz Asher Quintos

For a while I forgot to breathe. Alam ni Asher na dito ako nagtatrabaho? Hindi kaya, sinabi ni Deb? Pero paano naman kaya? Naputol ang pag iisip ko nang bumukas ang pinto ng faculty at pumasok doon si Deb kasama si Fritz na nagtatawanan pa. Dala dala ni Fritz ang laptop at tote bag ni Deb habang si Deb naman ay may hawak na mga bulaklak at chocolates. Hindi nila napansin na pinagmamasdan ko sila dahil agad silang dumeretso sa cubicle nila. Mabilis akong tumayo at lumapit kay Deb.

"Deb, nagkakausap ba kayo ni Asher?" walang pasubali kong tanong sa kanya.

"Oo, bakit?" sumulyap siya saglit sa akin at nagpatuloy sa paglalapag ng mga flowers at chocolates niya sa table niya. Si Fritz naman ay inilapag ang mga gamit ni Deb sa ibabaw ng cubicle kung saan naka tuko ang mukha ko ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay kaya mabilis rin siyang umalis.

"Inabot ni Alfie sa akin ito oh. Tinanong ba ni Asher kung kasama mo ako rito?" ibinagsak ko yung papel sa ibabaw ng cubicle niya at natigil siya sa pag aayos ng gamit niya. Binalingan niya iyon at kinuha.

"Oh my,.." si Deb matapos basahin ang sulat ni Asher.

"Ano?" I raised my right brow at her.

"Tinotoo nya nga? Ibig sabihin..." she looked away and she looked like she's thinking of something.

"Anong sinasabi mo riyan? Ano ba? Sagutin mo kaya ang tanong ko Devonne!" iritado akong lumapit sa kanya.

"Yes, Alex. Matagal na kaming nagkakausap ni Asher and last week tinext nga niya ako matapos niyang hindi magparamdam ng sobrang tagal." She bit her lip.

"Oh tapos?" I sat on her chair.

"Tapos tinanong niya ako kung ikaw raw ba iyong nasa video na kumakalat sa facebook na kumakanta. I said, yes tapos tinanong niya ako kung may balita raw ba ako sayo tapos nasabi ko na... workmates tayo." Humina ang boses niya sa mga huling salita.

Sabi ko na nga ba at may kinalaman itong si Deb eh. I let out a violent sigh.

"Oh tapos ano iyong sinasabi mong tinotoo niya?"

The Heartbeats Of Distant MelodiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt