XI

16 4 4
                                    

CHAPTER 11

Great Day

Matapos ang hapunan ay nagprisinta na akong maghugas ng mga plato ngunit agad namang inagaw ni Kuya Eric iyon at sinigurong ayos lang kung siya ang gagawa. Nakahanap siya ng tiyempo na kausapin ako bago pumasok sa kwarto at magpahinga.

Mataman niya akong kinausap bago ako nagpunta sa kwarto upang magpahinga para sa pasok kinabukasan.

"Alex, kung ano man ang hirap natin ngayon ay sana wag kang susuko kasi alam kong mararating mo ang pangarap mo. Nandito lang ako para sa inyong tatlo nina Cisco" si Kuya Eric na nagsimula na sa pagkausap sakin. Pagod itong ngumiti sa akin.

"Opo naman kuya, nag-aaral po akong mabuti, alam mo naman po yan diba, para po sa inyo nina Kuya yan." nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko ngunit sinikap kong ngumiti sa kanya.

"Kung ano man ang dahilan bakit ka umiiyak kanina sa kwarto mo ay hindi ko alam, pero gusto ko lang sabihin na Kuya mo ako, at mapagkakatiwalaan mo ako sa mga damdamin mo. Wag na wag mo lang sasabihin na tama nga ang mga Kuya mo at dahil sa boyfriend mo yun." sabi ni Kuya Eric na naniningkit ang mabilog na mata.

Tumindig naman ang balahibo ko doon dahil parang nakita ko si Mama sa kanya. Not just in his looks but also the way he speaks. Sa aming magkakapatid, si Kuya ang naiibang mukha sa amin. Sa aming tatlo ay halong mukha nina Mama at Papa pero si Kuya Eric ay mukha lang ni Mama ang namana.

Ngumiti ako kay Kuya to assure him that I have no boyfriend but it is true that it is for the guy whom I adore since i was a kid. I held his hand and smiled at him.

"Kuya, promise po wala po akong boyfriend pero di ko po itatanggi na kaya ako umiiyak ay dahil sa isang lalaki." I paused because I noticed my brother's reaction. His unbelieving expression mixed with shock, I smiled and managed to continue.

"Crush ko lang po yun Kuya. Alam ko naman pong malabo na mapansin ako nun pero Kuya, crush lang po talaga yun." I smiled and stopped talking. Si Kuya naman ay nakakunot na ang noo sa sudden confession ko.

"Crush mo pero inaalayan mo ng mga kanta? Grabe kang bata ka ha! Effort na effort ka at tinutugtog mo pa." si Kuya na umiiling iling pa.

"Kuya, crush ko po yun nung elementary pa. Wala naman na akong ibang naging crush, k-kaya napa-effort?" alangan kong sabi ko sabay taas ng kanang kamay.

"Sino bang crush mo ha?" si kuya na ngayon ay nakaangat na ang kilay sakin. Natatawa naman ako ngayon sa kanya dahil mukhang di niya palalagpasin ito gaya ng mga nanligaw sakin noon na kung di niya pinapagalitan ay tinutukso niya para layuan ako.

Maamo ang mukha ni Kuya kagaya ng kay Mama pero kung mata lamang ang titignan mo sa kanya ay tila iba ang mahihinuha mo roon. His messy hair suited his facial features very well na kung titignan mo kaming magkakapatid ay hindi aakalain na magkakapatid kami. Tumikas na rin ang pangangatawan nito dahil sa pagbabanat ng buto at kagaya namin, ay matangkad rin siya. 

Maraming pumupuna sa kaniya noong bata pa ako kapag karga niya ako. Napagkakamalan kaming mag-ama dahil sa kaunting pagkakaiba ng itsura namin.

"Ang hirap naman nyan Kuya. Secret po eh!" sabi ko sabay ngisi kay Kuya.

Agad namang piningot ni Kuya ang tenga ko habang tumatawa ako sa reaksyon niya. Sumuko na ako at sasabihin ko na sana kaya lang ay pinutol niya ako.

"Aray, Kuya. Ouchieeee!" tili ko kahit di naman masakit ang pingot ni Kuya. Umiiling iling ito nang binitawan ako.

"Kahit sino okay lang, wag lang ang mga Divinagracia dito." si Kuya na pinandidilatan ako gamit ang mga matang seryoso.

Ngunit natutop ko ang aking labi dahil nanginig ito sa sinabi ni Kuya Eric. Bakit?

The Heartbeats Of Distant MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon