VI

12 3 1
                                    

CHAPTER 6

Summer

Mabilis na natapos ang araw na iyon na para bang isang mabilis na sasakyan na hindi humihinto kahit parahin. Ganoon naman talaga na kapag masaya ka, parang hindi papayag ang tadhana na makita mo nang pangmatagalan ang bahaghari. Sooner you'll realize that everything has its time whether you like it or not.

If time would really be fast, I would wish to grow up quickly and prove that I can do better than watching you from a distance. One day I'll prove that. But what if it is really just better to remain in this distance?

Nawala ang mga isipin ko nang bigla akong binalingan ni Eli isang linggo matapos ang Sunday service sa simbahan. As usual, nasa kumbento kami at nanananghalian kasama ang iba pa naming choirmates.

"Patapos na ang March ah ang bilis no?" si Eli na ngayon ay nakatingin sakin.

"Oo mabilis nga, bukas kami luluwas nina Papa pa-Maynila eh doon muna kami uli magbabakasyon kina Lola." sabi ko sabay baling sa pagkain ko sa pinggan.

"Tatapusin mo ba uli ang summer mo doon Alex? Sabi mo kasi sakin palagi mong tinatapos ang summer doon." si Eli habang nginunguya pa ang pagkain sa bibig..

At dahil pinaalala nga ni Eli yun eto ako at pinag iisipan kung paano ako magsasabi mamaya kay Papa na two weeks nalang ako sa kina Lola ngayong summer. Hindi ko pa alam kung papayagan ako ni Papa pero siguro kung kay Kuya Eric ako mauunang magsabi baka naman pumayag si Papa since may taga bantay naman ako habang sina Kuya Cisco at kuya Anthony ay na kina Lola.

"Ah, hindi ko pa alam kung tatapusin ko ba doon." maikli kong sabi at sumubo muli nang kanin na may sarsa ng Caldereta.

"Dito kasi sa simbahan Eli, masyadong maraming gawain pag summer. Maraming beses ang pag awit. Minsan pa dumadayo kami noon sa ibang lugar para mag choir sa ibang simbahan. Masaya yun kasi libre naman at marami pang napupuntahan." nangniningning ang mga mata ni Eli sa pagkukwento.

Tahimik naman akong nakikinig kay Eli nang mahagip nang tingin ko ang bagong pasok na lalaki sa pinto ng kumbento. Si Kuya Anton yun kasama si Nic. Hindi nila nalingon agad ang hapag dahil sinalubong sila ni Father sa bukana palang ng pinto.

"Oh Anton, Nic! nandito pala kayo. Anong sadya mo?" si Father na galak na galak sa kaharap.

Malapit lamang ang hapag kapag nilingon mo sa kaliwa galing sa bukana ng pinto. Kaya naman kahit nandito ako sa upuan sa lamesa ay rinig ko ang pinag uusapan nila. At nang mabanggit ang salitang 'Recognition' ay agad akong naalerto sa kinauupuan.

"Ah Father nagdala po kami dito ng handa ni Nic kasi nagcelebrate siya ng recognition ngayon doon samin. Nagpaluto si Mommy tapos sabi magdala daw po kami dito." si Kuya Anton na nakangiting bumaling kay Nic bago uli kay Father.

"Ah kaya naman pala. Congratulations Nic ha! Mukhang marami ka uling naiuwing medalya. Pagbutihin mo pa, halika tuloy kayo!" si Father na tinapik ang balikat ni Nic na halos naaabutan na ang tangkad ni Kuya Anton.

Iginiya sila ni Father sa hapag kaya naman kaming mga kumakain doon ay nagulantang. Hindi naman kami pinapaalis ni Father pero nang lumapit sina Kuya Anton, Nic at Father napansin kong nagmadali sa pagkain ang dalawa naming ka choir kaya ginaya ko na rin sila.

Nilapag ni Kuya Anton ang isang bilao ng palabok at iba't ibang lalagyan ng mga panghimagas sa harap namin kaya naman napaangat ako ng tingin sa kanila. Hindi ko sadyang magtagpo ang mga mata namin ni Nic kaya naman agad kong ibinaling ang tingin ko sa pinggan na ngayon ay wala nang laman. Hindi kaya?

Lumingon ako sa tabi kong si Eli na ngayon ay pabalik balik ng tingin kay Kuya Anton at kay Nic na ngayon ay wala nang imik.

Oo alam ko Eli ang iniisip mo. Nagulat din ako nung una kong nakita na magkasama sina Kuya Anton at Nic sa isang Recognition ni Nic noon. Kaya nung nag choir ako dito ay di na ako nagulat dahil nahinuha ko agad ang koneksyon nila sa isa't isa at talaga naman na aktibo sila sa simbahan.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now