XXXI

9 3 0
                                    

CHAPTER 31

Selflessly

Matagal bago ako nakabalik sa realidad at kung hindi niya pinitik ang noo ko ay hindi ako magigising sa kung saang dimensyon man ito. Parang hindi ko na gustong magising kung totoong panaginip ito.

"Stop staring. Baka anong magawa ko sayo." Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko.

"At a-anong gagawin mo sa akin ha?" untag ko pabalik. Ngunit ng binalingan niya ako ay parang tinakasan na ako ng inipon kong tapang sa katawan ko. Nakapanlalambot ang mga titig niya at ang ngiti niya ay sobrang... nakakahipnotismo.

"Like... kiss you?" he whispered.

Nanlaki ang mga mata ko at lumipad ang mga kamay ko sa dibdib niya. Awtomatiko nitong tinampal tampal ang dibdib niya. Tawa siya ng tawa sa reaksyon ko.

"J-jerk! Akala mo sakin cheap ako? Ang kapal ng apog mo!" hiyaw ko sa kanya.

"Alright baby. I didn't say that." Patawa tawa pa rin siya habang hinahanap niya ang palad ko.

Bakit lagi niya akong tinatawag na 'baby'? Bakit? Nang mahanap niya ang palad ko ay may binulong siya na hindi ko naintindihan.

"Anong binubulong mo jan?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at ngumiti sa akin.

Yumuko ako at nagtago na rin ng ngiti. Nanatili kaming magkahawak ng kamay at hindi ko alam kung paanong hinayaan ko iyon! Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari pero mas lalong hindi ako makapaniwala sa sarili ko.

Napatingin ako sa mga daliri naming pinagsalikop niya. Mahigpit ang hawak niya habang ang kamay ko ay parang patay lang na nakadikit sa palad niya. Wala akong lakas para suklian iyon kahit gaano ko pa kagusto dahil maraming bumabagabag sa loob ko. Mali ito. Kung ano man ang dapat itawag rito dapat ay habang maaga pa lang ay tigilan ko na.

"Boyfriend mo na ba yun si Quintos?" diretso ang tingin niya sa daan nang sinabi iyon kaya may lakas ako ng loob na titigan siya. Ang liwanag ng kahel na langit ay sumasampal sa mukha niya kaya kita ko ang pag aanino ng mukha niya sa banda ko. Kahit noon pa man ay napaka sarap niyang titigan. Hindi lang ako makapaniwala na ganito na ako kalapit sa kanya ngayon.

"Hindi. Kaibigan ko siya." Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Ayun naman pala eh. Nililigawan ka ba nun ha?" tanong niya uli habang nakatingin lang sa daanan. Napangiti naman ako.

"Eh paano kung, oo?" panloloko ko sa kanya. Binalingan niya ako at nanlalaki ang mga mata niya.

"Well, you don't look like a playgirl. Pero seryoso?" hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.

I just smiled at him kaya naman huminto kami sa paglalakad at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Nililigawan ka nga niya?" nag angat ako ng tingin sa kanya dahil sa tanong niya. Masayang lokohin si Nic sa ganitong paraan.

"Ano naman sayo?" I smiled cutely at him at hinawi ko ang kamay niya para makapaglakad na. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko siya.

"Wala na pala akong pag-asa." He said with much certainty. Mabilis akong napabaling sa kanya.

"A-ano?" para akong nabingi at nagwala na naman ang puso ko.

"Ang sabi ko ay wala na pala akong pag-asa." He said right to my face. Pag-asa saan? Hindi pa rin nagsi—sink in sa akin ang lahat, sobrang hirap iproseso ng nangyayari. Ayokong mag-assume pero hindi kaya manliligaw siya?

"Pag-asa saan?" naglakas loob akong kumpirmahin iyon.

"Sayo, malamang." Nag-iwas siya ng tingin at lumipad ang mga kamay ko sa aking labi. Nakagigitla ang bawat pangyayari. Kung kanina ay ayaw ko nang magising sa panaginip na ito, ngayon naman ay hinihiling ko nang magising dahil hindi ako makapaniwala sa lahat at alam kong may mali kung hindi ako magigising ngayon din!

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now