XXXIII

7 3 0
                                    

CHAPTER 33

Numb

When I woke up, I saw the worried face of Kuya Anthony and Kuya Cisco towering over me. I may looked like a dead body now by the way they looked at me.

I tried to get up and smiled at them. Hindi na kumikirot ang ulo ko at parang wala namang nangyari. Nagising ako nang mag aalas singko na. Gusto kong itanong kung paano ako napunta rito dahil hindi ko kilala kung sino ang nagdala sa akin. It was the voice of a different man kaya alam kong hindi isa sa mga kapatid ko ang nagdala sa akin rito.

"Can you walk now?" alalang tanong ni Kuya Cisco.

Tumango lang ako ng marahan at mahinang nagmura si Kuya Anthony. Hinila niya palabas si Kuya Cisco at alam kong may pinag uusapan na naman sila na hindi ko alam. Sumenyas naman si Kuya Cisco na maghintay lang ako sa kama bago sila nawala sa paningin ko.

Ibinaba ko na ang mga paa ko sa sahig at naramdaman ko agad ang malamig na tiles sa talampakan ko. Hinagilap ko ang bag ko ngunit hindi ko iyon makita. Lumabas ako sa kurtina at nagulat ako dahil may lalaking nakaupo at nakayuko na nakayakap sa bag ko. My bag looked helpless at his embrace but he looked adorable sleeping there. It was Nic..

"Nic." Tumalungko ako sa harap niya at bumulong. Nagising naman siya at para siyang nakakita ng multo sa laki ng mata niya. Agad niyang nilapag ang purple na backpack ko sa gilid na upuan at maingat akong hinawakan sa braso upang mapatayo.

"A-are you feeling better now?" he whispered and looked at me with much worry and pain in his eyes.

It took me long to answer dahil naalala ko ang sagutan namin kaninang umaga. I was too harsh but then he took care for me when I passed out. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.

"You got me so... so worried." He hugged me softly at napapikit ako doon. Inatake ng mabangong amoy niya ang ilong ko at hindi ko mapigilan ang mangiti. Agad naman napawi iyon nang maalala ko kung anong mga pinagsasabi ko sa kanya kaninang umaga.

"Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" pagkukumpirma ko habang nakayakap pa rin siya. I didn't try to push him away because... basta.

"Yes." He said lowly.

"Pero, paano ang klase mo? Hindi mo pinasukan!" I exclaimed and pushed him a bit.

He just sighed and looked me in my eyes. Para na naman akong nawawala sa mga mata niya. Nasa ganoong posisyon kami ng pumasok ang dalawang kapatid ko kaya agad ko siyang naitulak palayo. Palipat lipat ang tingin ng mga kapatid ko sa amin at tanging gulat lang ang nakita ko sa mga mukha nila.

"Salamat, pre." Si Kuya Cisco nang makabawi.

"Ihahatid na namin siya. Pero gusto mo ba uli sumama sa hapunan?" anyaya ni Kuya Anthony.

"Hindi na po, nakakahiya." Mababa ang boses ni Nic nang sinabi iyon.

"Sige na." I held on to his arm and he looked at my hand before looking at me. Marahan niyang tinanguan ang dalawang kapatid ko.

Lumabas kami ng clinic at maging ng school ng napapagitnaan ako ng dalawang kapatid ko at si Nic naman mag-isa sa likod. Panaka naka ko siyang nililingon at naabutan ko siyang nanonood lang sa likod naming magkakapatid.

"Magbihis ka muna, Alex. Kami na muna ang bahala rito. Pasok ka Nic." Si Kuya Anthony.

Mabilis ko nang tinungo ang kuwarto ko at nagbihis ng pamalit. Naglinis muna ako bago nagsuot ng bagong damit dahil hindi ko na alam ang amoy ko at nahihiya naman ako kay Nic ngayon. Nang lumabas ako ng kwarto ay nadatnan ko si Kuya Cisco at Nic na nag uusap sa sofa. Parehas nila akong tinignan ng papalapit na ako.

The Heartbeats Of Distant MelodiesWhere stories live. Discover now